Chapter 3:  The first time I saw You

1496 Words
JULIANNE SAMONTE Unang araw ko sa office pero napaka dami pa lang pinapagawa. Nastress tuloy ako. Pero iniisip ko nalang talaga na para ito sa mission namin. We still have 3 weeks para maisakatuparan ang mission na binigay samin. "Agent Amaya. Parang may papuntang magandang babae sa office ni Mr. Francis" sabi ni Agent Louie. Hays. Ito na naman sila, parang hayok sa babaeng maganda. "Ha? Saan?" Sabi ko sabay palinga-linga din sa paligid. Nang mapansin ko na naka sun glasses ito at may bitbit na parang tungkod. Siya ba ang anak ni Francis? May kasama siya, ito ba 'yong Yaya niya? Napakaganda niyang babae, may kaputian ito at napaka ganda ng kasuotan niya. Sabagay, isa sa mga director ang Daddy niya ng kumpanyang ito kaya hindi nakakapagtaka na magaganda ang suot niyang damit. Mukha din siyang maldita. "Huy!" naramdaman ko na lang na si Sir Jerico ay nasa harap ko na at may hawak na mga dokumento. "Ay sorry Sir" agad kong sabi sa kanya. "Saan ka ba nakatingin? Mag focus ka muna sa mga gawain mo. Hindi ka makakauwi hangga't hindi mo natatapos ang mga 'yan" medyo inis ang tono niya nung sabihin niya ang mga iyon. "A-ano po ito Sir?" Turo ko sa iniwan niyang folder sa desk ko. "Schedule yan ng mga meetings ni Sir Francis. For now, ako muna ang gumagawa niyan pero next time, ikaw na ang gagawa niyan maliwanag ba?" pagbibilin niya sa’kin. "A-ah, okay po" mahinahon kong sabi. "Ibigay mo 'yan sa kanya mamaya pag alis ni Ma'am Yna" sabi nito sabay lakad papalayo. Ah Yna pala ang pangalan niya. "Huy, anong pangalan nung magandang babae?" Narining kong pagsasalita ni Agent Simon sa earpiece ko. "Tumigil nga kayo" pag sita ko naman kila Agent Louie at "Alam naman namin na narinig mo e. Ang damot mo naman di mo pa mabigay samin" "Magtigil nga kayo diyan. Oras ng trabaho kung ano ano ang iniisip niyo" naiinis na ako sa dalawang 'to. Pero aminin na natin na maganda siya. Huy Julianne. Di kayo bagay ha. Sabi ko sa sarili ko. Teka? Bakit ba ako nag iisip ng mga ganito. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Ma'am Yna. "Huy Anna, batiin mo naman si Ma'am Yna" sabi ni Sir Jeric. Dali dali akong tumayo. "A-ah, hello po Ma'am Yna" "Ikaw ba ang bagong secretary ni Daddy?" Sabi nito sa'kin. "A-ah opo ako nga po. Ako po pala si Ju----ay este Anna Reyes" nako, muntik na ako doon. Bakit ba kasi ako biglang kinabahan? "Gusto mo ba sumama sa amin mag lunch?" Pag aaya niya sa’kin. Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dahil na rin sa nakakahiya din ito lalo na at bago palang ako dito. "A-ah" sinesenyasan ako ni Sir Jerico na wag akong sasama. "Ah sige po. Walang problema" nagulat naman ako sa sinabi ko sa kanya. Unconsciously ko itong nasabi sa kanya. "Good. Tara Yaya Belle" pag aaya niya sa kanyang Habang naglalakad ay agad akong nakaramdam ng kaba. Pinagtitinginan din ako ng mga tao dito. Weird ba 'yon kung sumama ako mag lunch sa kanila? "Yaya Belle, pwedeng ikaw na ang magsabi sa mga nag seserve ng pagkain natin?" Sabi niya sa babaeng katabi niya. "A-ah sige po. Sino po ang hahawak sa inyo?" Alalang sabi ng Yaya niya. Syempre oo nga naman kailangan may maiwan sa kanya dahil alam natin na isa siyang bulag. "A-ako na lang po" pag boboluntaryo ko. "Oo nga andyan naman si Anna" sabi niya sa Yaya niya. Agad naman siyang kumapit sa'kin, at agad akong nakaramdam ng kakaiba. Para bang nagkaroon ako ng kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Ang bango niya, at kung titignan mo talaga siya ay simple lang siyang manamit pero may sense of fashion pa din. E syempre, anak yan sa kumpanya ng mga designer malamang may sense of fashion yan. "Anna?" Tawag ni Ms. Yna sa’kin. "Y-yes Ma'am?" tanong ko naman sa kanya. "Haha. Wag mo na akong tawaging 'Ma'am', call me Yna instead" tawa niya naman habang sinasabi niya iyon sa’kin. "P-pero..." nakakahiya din naman kasi na parang tatawagin ko lamang siyang Yna lalo na at anak siya ng pinaka boss ng kumpanya. "Anna, I don't have any friends. All my life, it's just me and my Yaya" malungkot ang tono niya nang sabihin niya ang mga 'yon. "As you can see, I can't see. I'm blind. But... I can feel if the person I'm talking to can be trusted" "So please... Kindly call me on my first name". Kung iisipin ay napaka humble niya pa rin. Kumpara sa mga boss na napapanuod ko sa TV, yung mga drama. "A-ah, sige po, Yna". Nagulat ako dahil sa VIP lounge kami pumaroon. Napatigil ako bigla, "A-ah, hindi po ako dito dapat kumain" "Anna, I invited you for lunch. Okay lang 'yan" sabi naman niya ng may mga ngiti sa labi. Pinagtitinginan ako ng mga ibang nagtatrabaho dito. Naiintimidate din ako at the same time. Ano na lang ba iisipin nila? Na sipsip ako? "P-pero..." tatanggi na sana ako. "It's okay. Please, wag ka umalis" pakiusap ni Ma'am Yna sa'kin. Wala na akong nagawa kundi ang pagbigyan siya. Habang kumakain, ay sinusulyapan ko siya. Dahan-dahan lang siya sa pagkain, given na bulag siya. Pero kahit na bulag siya, hindi maitatanggi ang kanyang angking kagandahan. "Huy, ikaw Agent Amaya, magtigil ka sa kakatitig diyan sa katapat mo" biro ni Agent Louie sa'kin. "Oo nga, baka matunaw 'yan a" segunda naman ni Agent Simon. Sa isip-isip ko. Paano ka hindi matutulala sa babaeng 'to? Napakaputi, napaka attractive. "Anna, okay ka lang ba?" Alalang tanong ni Yna. "A-ah, oo naman. B-bakit?" Bakit ka ba nauutal Julianne? "Tahimik ka na kasi dyan. Wag ka na masyadong ma intimidate" sabi ni Yna sa’kin. "Paano mo nalaman na 'yon ang nararamdaman ko ngayon?" Na patanong naman ako sa kanya dahil nagtaka naman ako kung paano niya nasabi iyon. "Wala, I can feel from the atmosphere" natahimik ako bigla. Kahit pala bulag siya ay masasabi kong magaling siyang makiramdam. "So... Kamusta naman ang first day mo dito sa Opisina?" Tanong naman niya agad. "Maraming ginagawa" 'yan lang ang nasabi ko. Pero totoo naman, bukod sa pagpapanggap ko bilang Secretary, iniisip ko din ang mission na sana ay hindi ako mabigo. "Ganoon talaga. Sana hindi mo agad sukuan si Dad. Marami ng nag resign na Secretary niya" malungkot ang tono niya ng sabihin niya ang mga iyon sa'kin. "Pwede ko ba malaman kung bakit?" "Di ko din alam e. Sadyang nalalaman ko na lang na nag re-resign na ang mga Secretary niya. Wala talagang tumatagal kay Dad." Hindi kaya? Nalaman nila ang ginagawa ni Francis sa labas ng Opisina? O di kaya? Nahuli nila sa akto na kausap niya ang sindikato na kasabwat niya sa mga ilegal niyang gawain? "Anna?" "A-ah, sorry po. I've been preoccupied nanaman for a moment." "May problema ka ba? You can tell me." "A-ah, wala po." Narinig kong bumukas ang Pinto, at si Francis ang pumasok sa loob. "Bakit nandito ka?" Takang tanong niya sa'kin. "Dad, I invited her for lunch? Wanna join us?" "Babalik na din po ako sa Opisina.” "Ha? Did you already finish your food?" Alalang tanong ni Yna. "Don't worry about her, anak. You may go now" Sabi sa'kin ni Francis. Kung papansinin mo si Francis, mukha naman talaga siyang kagalang-galang na tao. Pero kung may alam ka sa mga pinaggagawa niya, makakaramdam ka talaga ng galit sa kanya. Agad naman akong umalis dahil may kailangan din akong gawin bago ako makauwi. Ang mag lagay sa Opisina niya ng spy cam. Mayroon akong maliit na spy cam dito na ibinigay ni Agent Simon sa'kin kanina. Masyado itong maliit at hindi basta basta makikita. Agad akong pumunta sa Opisina ni Francis. "Mag dahan-dahan ka sa paglalakad, siguraduhin mo na walang makakahalata sa'yo" "Saan ko ba ito ilalagay?" bulong ko sa kanila sa earpiece. "Teka, tinitignan ko pa ang mga sulok na pwede mo 'yan ilagay" sabi ni Agent Louie, siya kasi ang may access sa kung saan ko maaaring ilagay ang spy cam na bit-bit ko. Hindi ko dapat ito basta ilalagay kung saan-saan. "Bilisan mo, kinakabahan ako." "Ito na, dito sa bandang cabinet niya na pinaglalagyan ng mga trophy". Nakapwesto ito malapit sa pintuan ng kanyang Opisina. Dahan-dahan akong nag punta patungo doon sa pinto. Pagdating ko sa cabinet na 'yon ay agad ko naman itong nilagay sa taas ng cabinet niya. Maya't maya ay naramdaman ko na may paparating at bubuksan ang pinto. Nataranta ako at agad naman naghanap ng tataguan. Narinig ko ang boses ni Francis, may kausap siya. "Agent Amaya! Umalis ka na diyan" sigaw nilang dalawa. Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa dalawang ito. "Sandali, hindi ako makakaalis, lalo niya akong makikita pagka sinubukan kong tumakas" sabi ko sa kanila. Agad akong tumakbo sa ilalim ng Mesa niya. Sana hindi niya ako mahuli. Pinagpapawisan na ako at nanlalamig na ang mga paa at kamay ko sa kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD