Chapter 2: The Beginning

1556 Words
JULIANNE SAMONTE Madaling araw pa lang ay naghahanda na ako para makaalis. Hinanda ko na ang mga gamit ko kasama ang mga baril na gagamitin ko sa oras na may biglaang mangyari sa operasyon namin mamaya. Mayroon akong apat na baril na lagi kong bitbit. Dalawa sa bewang, isa sa hita, at isa sa bandang kanang paanan. Matapos kong maghanda, bitbit ang isang itim na travel bag at isang backpack ay sumibat na ako patungo sa aming meeting place. Saktong pagdating ko ay nakarating na din ang sasakyan na gagamitin namin. Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ni Agent Simon at Agent Louie. “Handa ka na ba Agent Amaya?” pagtatanong nito sa’kin. “Syempre lagi naman tayong handa” sabi ko sa kanya habang nag aayos ng gamit. “Mukhang medyo mahihirapan tayo sa mission na ito Agent Amaya lalo ka na, ikaw ang pa-in ngayon” sabi ni Agent Louie. “Ito nga pala Agent Amaya ang earpiece, mas maliit siya compare nung nakaraan, mas discreet ‘yan” pag abot sa’kin ni Agent Simon ay agad ko na itong kinabit. “Isama mo na din itong hidden body cam na ito” Siya nga pala, si Agent Simon a.ka Samuel Dela Cruz ang pinaka techy sa’min. Siya ang mahilig mangalikot ng mga ba gay bagay, siya ang nag poprovide ng mga equipment na kakailanganin sa mga mission/operasyon namin. Samantalang si Agent Louie a.ka Jacob Balagtas, siya naman ang gumagabay sa’min kung ano ang mga susunod na hakbang ang gagawin sa operasyon. Nakarating na kami sa Building ng Flores Design Corp. Kung mapapansin niyo, ang building na ito ay napaka ganda ng design. Architectural ang design na ito at halatang pinag isipan ang design ng building na ito. 6:00 am na ng umaga, unti-unti ng dumadami ang pumapasok sa opisina. Ako naman ay naghahanda na din upang makapasok na sa building. Ang unang hakbang ay ang mag apply bilang secretary ni Francis. Syempre, sanayan tayo sa mabilisang ayos ng damit. Nakasuot ako ng Black mini skirt at white long sleeve, finold ko ito hanggang sa may bandang siko, nakapusod ang buhok ko at nag lagay na rin ako ng red lipstick sabayan mo pa ng eyeglasses. Sinuot ko na ang earpiece na binigay sa’kin ni Agent Simon saka yung hidden body cam ko sa bandang dibdib, lumabas na ako ng sasakyan saka pumaroon na sa building. Habang naglalakad ay tinetesting na ni Agent Louie yung earpiece. “Agent Amaya, can you hear me?” wow may pa english pa si Agent Louie. “Yes, I can hear you” e syempre english ‘yon kaya dapat english din ang isagot ko. “So, yung office ni Francis nasa 4th floor, makikita mo na may pangalan ni Francis ‘yong office room niya” sabi ni Agent Louie sa’kin habang abala ako sa paglalakad at pagtingin ng schedule ni Francis. Sisiguraduhin kong ako ang mapipili niyang secretary. Andito na ako sa room na kung saan gaganapin ang group interview. Halos karamihan ata ng i-interview mga babae. Nabanggit ni Boss Jay na si Francis daw ay mahilig sa babaeng secretary, babaero din daw ito kaya halos lahat ng secretary niya ay nagalaw na daw niya. Mas lalo akong kinabahan noon, kasi sa lahat ng ayoko ay yung binabastos ako. Marami na akong karanasan na kamanyakan ng mga kalalakihan, karamihan pa diyan ay mayaman na suspect pa. Kailangan ako ang matanggap bilang secretary niya. Syempre hinanda naman ni Agent Louie ang mga kakailanganin kong sagot sa interview na ito. “Ms. Anna Reyes” tawag sa’kin noong nag fa-facilitate ng interview. Nag taas naman ako ng kamay sabay sabing “Ikaw na ang susunod” sabi nito. Naghintay pa ako ng ilang segundo saka lumabas yung ang sinundan kong na interview na. “Kinakabahan ako dito” bulong ko kila Agent Louie. Bahagya naman silang natawa, “Sus, kaya mo yan. Ikaw pa ba?” Sabi ni Agent SImon at Louie sa’kin. Agad naman akong pumasok. Nang makita ko ang itsura ng kwarto, agad naman akong nalula. Tatlong panel sila na naghihintay sa’kin. “Hi Ms. Anna Reyes, have a seat” sabi nung unang panel sa’kin. Nanginginig ang tuhod ko pero syempre kailangan ay hindi ko ito ipakita. “Agent Amaya, wag kang kabahan, tutulungan ka naman namin sumagot” sabi ni Agent Louie sa’kin. Syempre alam ko naman na hindi ako pababayaan ng mga kasama ko e. Pag upo na pag upo ko, tinanong agad ako ng isang Panel. “Why do you want to work as an Executive Secretary?” Hindi ako agad nakasagot, kinabahan ako bigla. Silent treatment or dead air ang namayani na sa buong silid na iyon. Maya’t maya ay narinig kong sumagot si Agent Louie. “I’m looking for a solid job and good relationship with my colleagues and with your superior is a good one. I enjoy doing what secretaries do like answering calls, organizing daily schedule, helping with administrative and clerical work” Sinundan ko lang yung sinabi ni Agent Louie sa mga sinasabi niya sa earpiece. Sumunod na nagtanong yung panel sa gitna. “How do you imagine a typical day at work?” “Many people believe that secretaries do nothing but make coffee and answer phone calls. But me, I’m willing to help the boss with his schedule, with the administrative tasks, and basically with anything they need '' hindi ko alam kung tama ba itong pinag sasagot ko. Sa mukha ng dalawang panel, mukha naman silang satisfied sa sagot ko. Pinaka kinakabahan ako dito sa susunod na Panel. “So Ms. Anna, what do you think makes a good secretary nowadays?” “A good secretary makes the job of their boss easier and more pleasant” confident kong sagot, syempre kailangan confident tayo sumagot. “Why do you say so?” follow up question naman nung third panel. Na block-out ako sandali at hindi ko na alam ang susunod na sasabihin sa follow question niya. “Ms. Anna?” Bahagyang narinig kong muli ang kanyang boses. Pinagpapawisan na ako, hindi ko na alam kung ano pa ang isasagot ko. “A-ah. It’s because of my own experience as a Secretary. Secretarial position is not an easy job, you need to be flexible and be more organize because you will be the one who’s responsible with your boss schedule and some office work” nakahinga naman ako ng maluwag matapos kong sagutin ‘yon. Galing nalang sa utak ko yung mga sinabi ko. “Kinakabahan ako sa mukha nung isang panel ah” sabi ni Agent Simon sa’kin. “Oo nga, baka siya pa ang magpa bagsak sa’yo sa interview” seguna ni Agent Louie sa’kin. “Wag niyo akong pakabahin dahil pag nag fail ang mission natin, pare-parehas tayo mabubulyawan ni Head Chief” bulong ko naman sa kabilang linya sa kanila. Nakakainis kasi, alam naman nila na importante itong gagawin namin dahil kung hindi ako makakapasok dito. “Okay, thank you for your time. Kindly wait outside for the result” sabi nung huling panel na nag interview sa’kin. Lalo tuloy akong kinabahan sa sinabi niya. Makaraan ng ilang oras na paghihintay, nagsalita na ang nagfafacilitate ng interview. “Ang tatawagin kong pangalan ang siyang nakapasa sa first interview” Lahat ay kinakabahan na sa resulta. “Ms. Anna Reyes” nag tinginan naman ang mga babae na kasabayan ko sa interview. Nagulat ako sa tinawag niyang pangalan. Nakapasa ako? “Uy! Nakapasa ka” sabi ni Agent Louie. Nagulat din ako, pero ito naman talaga ang dapat mangyari. Dapat makapasa ako, kailangan namin matapos ang mission na ito sa loob ng isang buwan. Umalis na ang mga babaeng kasabay ko sa interview. “At dahil sa isa ka sa mga maswerteng natanggap bilang secretary ni Sir Francis, ito ang kontrata at requirements na kailangan mong maasikaso with in this week” “Nga pala ako si Jerico Dela Cruz, ako ang magiging mentor mo all throughout your journey dito sa Flores Design Corp, basically ako ang magiging trainer mo” sabi nito sa’kin. Mukhang mataray ‘to ah. Si Jeric ay maayos naman manamit pero halata sa kanya na isa siya sa mga kauri ko. The way pa lang siya magsalita. "Bakit ganoon? Bakla ba yan?" Narinig ko sa earpiece ko ang mga sinasabi at pang aasar nila Agent Simon at Agent Louie sa kausap ko. "Wag kayong magulo. Mamaya ko na lang sasabihin sa inyo" "Ms. Anna?" takang tanong niya sa'kin. "A-ah. Y-yes Sir. Thank you." "As of now, need mo muna asikasuhin ang mga certain requirements natin." "Noted po 'yan. Sir". "This is my calling card. Kindly message me if ano na ang status mo sa requirements. Better to hurry kasi marami na tayong gagawin". "Okay po" saka kinuha ang calling card na inaabot niya sa'kin. Nang makarating na ako sa Van ay saka naman akong inusisa nung dalawa. "Kamusta? Kinabahan ka kanina a" pang aasar ni Agent Louie. "Malamang e hindi naman ako sumasabak sa mga ganito. Ngayon lang" "O siya na ihanda ko na yung mga fake documents mo, tsaka gumawa na din ako ng mga fake accounts na magpapatunay na ikaw si Anna Reyes, paniguradong mag ba-background check sila sa'yo" "Salamat." Dito na mag uumpisa ang mission namin. Mahuhuli ka din namin, Francis Gomez Flores.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD