JULIANNE SAMONTE
Ako nga pala si Julianne Samonte, isa sa mga spy agent na ipinadala ng FBI o mas kilala bilang Federal Bureau of Investigation. Patago ang aking trabaho, ilan lamang ang nakakakilala sa’kin sa agency kaya ilan lang din ang mga kaibigan at kilala ko. Nagsimula ako sa ganitong trabaho dahil nais kong matulungan ang pamilya ko. Sa katunayan ay bedridden na ang aking Ama at nasa ospital siya ngayon. Tinamaan kasi siya ng stroke at malala ang naging epekto nito sa kanya, hindi rin ganoon kalakas ang kita ng aking Ina sa pagtitinda ng gulay sa palengke para matustusan ang aming mga pangangailangan.
Narito ako ngayon sa tagong opisina ng FBI. Nasa pinaka malalim na basement ito ng building at tangging kami lamang na Spy Agents ang may access sa opisinang ito. Ang pinaka boss naman namin ay isang opisyal ng FBI, hindi alam ng buong ahensya na may hinahire na Spy Agents upang mahuli ang mga dapat mahuli. Nag fofocus ang FBI upang protektahan ang buong bansa laban sa mga terrorista.
Ngayon ay narito kami sa meeting room upang pag usapan na ang target namin. Isang business tycoon ang aming pupunteryahin this time.
“O right, so narito na ba ang lahat?” Habang nakatayo ang boss namin sa harap at hinahanda na ang presentation for today’s meeting.
“Yes sir.” Nakaupo na kami ngayon, anim kaming Spy Agent ang narito sa meeting room.
“So let’s start” sabay click ng remote.
Pinakita ni Boss Jay ang ilang litrato ng taong punterya ngayon ng ahensya. “Ngayon, kung makikita niyo, medyo bigatin ang ating makakalaban” nagpakita na rin si Boss ng mga iilang description about sa kanya.
“Siya si Mr. Francis Gomez Flores, isa siya sa pinaka bigating business tycoon dito sa Pilipinas” pagtuturo niya sa litrato ni Francis.
“Eh Chief, ano po ba ang nagawa niya? Bakit kailangan namin siyang manmanan?” Takang tanong ni Emman kay Boss.
“Isa siya sa pinaka bigating Drug dealer at kasapi siya sa pinakamalaking Drug synducate dito sa Pilipinas kaya delikado ang taong ‘yan” nagulat naman kaming lahat sa sinabi ng boss namin. Totoo ba? Sa gwapo niyang ‘yan at sa desente rin ang pamilya niya ay magagawa niyang maging kasapi ng isang Terorista? Parang di kapani paniwala.
“Kaya ang iaassign ko sa trabahong ito ay si Agent Amaya” nanlaki naman ang mga mata ko. Ako si Agent Amaya.
“Boss? Ako? B-bakit ako?”gulat na turan ko sa kanya.
“Naka plot na ang plano natin kaya hindi ka na makaka tanggi sa trabahong ito. Kilala si Francis bilang isa sa board of directors ng Flores Design Corporation. Siya ang pangalawang kapatid ni Elizabeth Flores Villafuerte. Ito pa ang nakakatawa, walang sino man ang may alam sa ginagawa nitong hinayupak na ‘to. Para mapanatili siya sa kapangyarihan, ay sumapi siya sa grupo ng mga terorista at naging biggest dealer ng droga dito sa Pilipinas. Malamang sa malamang ay marami itong koneksyon kaya hindi ito basta basta nahuhuli ng kahit na sino”
Kinabahan naman ako. Hindi pala basta basta itong tao na ito. Malamang sa malamang ay hawak pa rin niya ang kapangyarihan lalo sa kapulisan dahil hindi siya basta basta nadadakip.
“Kaya Agent Amaya. Nais kong ipaalam sa’yo na medyo mahihirapan tayo sa kanya. Ikaw lang ang bukod tangi na kilala ko sa mga kasamahan mong Spy Agent ang kayang gumawa nito. Mas pinagkakatiwalaan ni Francis ang mga babae kesa sa mga lalaki”
Sa katunayan, ay ako lang ang nag iisang babae dito. Kaya wala din silang choice kundi ibigay ang trabaho na ito.
“Sige chief, pumapayag ako sa trabaho”. Since trabaho naman ito ay hindi ko na ito tatanggihan pa.
“O right! So ganito ang gagawin natin” sabay lipat ng slides. Ipinakita ni Boss kung ano ang mga kanya kanya naming gawain.
“Agent Amaya, unang una kailangan mong mag apply sa kumpanya ng Flores Design Corporation bilang secretary ni Mr. Francis. Kailangan sa isang linggo ay makuha mo agad ang tiwala niya”
“Chief? Ang bilis naman?” Pag tatakang tanong ko.
“Ito ang main goal natin dahil isang buwan lang ang binigay na palugit sa’tin ng Head Chief kaya kailangan mabilis ang pacing natin”.
Sabay pindot ulit ng remote sa projector “Kailangan ay madakip natin siya by November 30, ito lang ‘ang palugit na binigay ni Head chief” saktong meeting namin ngayon ay November 1, so dapat by that date ay mahuli na namin siya.
“Agent Amaya, ito ang mga gagawin mo, kailangan by Monday ay makapasok ka na agad sa Flores Design Corporation bilang secretary niya, kunin mo agad ang loob niya."
Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi ni Boss Jay.
“Pagka nakuha mo na ang loob ni Francis, doon na natin siya unti unting pupunteryahin. Ang alam ko e may business trip siya sa November 28, so kailangan ikaw ang kasama niya para mapagplanuhan na natin ng maayos paano natin siya madadakip sa araw ng flight niya.
Matapos ng mahaba habang meeting ay ako na lamang ang naiwan sa office namin, nagiisip kung tama ba ‘tong gagawin ko?
Pero dahil matagal na din ako sa industriyang ito, sanay na ako sa mga ganitong senaryo.
______________________________________________________________________________
YNA FLORES
“Ma’am Yna, hintayin mo ako!” Sigaw ni Yaya Belle sa’kin. Dahan dahan akong naglalakad, hindi ko nakikita ang paligid ko kaya si Yaya Belle ang lagi kong kaagapay sa paglalakad ko.
Maya-maya ay naramdaman ko na hinawakan ako ni Yaya Belle sa kanang braso ko.
“Ma’am Yna, wag naman pa kayong mauuna sa susunod baka mapagalitan ako ni Sir Francis at ni Ma’am Therese” pag aalala na sabi ni Yaya Belle sa’kin.
“Yaya, wag po kayong mag alala, pag pinagalitan ka ni Daddy at Mommy magagalit din ako sa kanila” pabirong sabi ko kay Yaya.
“Narito na tayo sa garden Ma’am Yna, upo muna kayo” todo alalay naman si Yaya sa’kin. Noon pa man ay siya na ang kasa-kasama ko, noong bata kasi ako ay naaksidente ako, naalala ko na naglalaro kami ni Patrice sa garden namin ng bigla nalang ako naaksidente. Hindi ko na din halos maalala ang mga nangyari basta pag gising ko na lang ay wala na akong makita.
Bago ko imulat ang aking mga mata ay narinig ko na sila Mommy na umiiyak. Pero sa kasamaang palad, pagmulat ko wala na akong makita halos. Puro puti na lang, sumigaw ako noon at umiiyak dahil bata pa ako noon at wala pa akong kaalam alam sa mga nangyayari.
On my teenage years, sobrang depressed ako, wala akong kinakausap, wala akong kaibigan, ni hindi ako lumalabas ng kwarto ko. Kung hindi pa nga ako tatawagin o pupuntahan ng Yaya ko ay di ako kakain. Ilang taon akong ganoon at sobrang lungkot ko noon. May mga consultations din ako sa Psychiatrist ko. Halos buong buhay ko, sobrang nag sasuffer ako dahil hindi ko matanggap ang nangyari sa’kin.
Pero habang lumalaki ako, mas nauunawaan ko kung bakit nangyari sa’kin ‘to. May plano ang Panginoon kung bakit ako nabulag, kaya unti unti ay tinanggap ko ang nangyari hanggang sa maka recover ako. Malaki na din ang pasasalamat ko kay Yaya Belle dahil simula’t sapul ay hindi niya ako pinabayaan. Lagi siyang nakaagapay sa’kin sa paglalakad ko mula bata ako hanggang ngayon.
“Yaya” mahinahon kong tawag ko sa kanya.
“Ano po ‘yon Ma’am Yna? May kailangan po ba kayo?”
“Paano kaya kung di ako nabulag? Maganda kaya ang mga makikita ko?” Malungkot ang tono na pinakawalan ko. Syempre nais ko din naman makita ang ganda ng mundo, nais kong maranasan na makita ang nasa paligid.
Naramdaman ko ang hawak ng kamay ni Yaya belle sa kamay ko, “Ma’am Yna, kahit na hindi mo nakikita ang mundo alam ko na isang araw, may taong ipaparamdam sa’yo na hindi mo na kailangan pang makita kung ano ang mayroon sa mundong ibabaw, kundi ipaparamdam niya sa’yo kung gaano kaganda at kasaya ang buhay kahit hindi mo ito nakikita”
Napangiti naman ako kay Yaya Belle. Ibang iba talaga sya mag comfort. Kaya kung wala siya sa tabi ko? Hindi ko alam kung buhay pa ako ngayon sa tindi ng depression ko.