bc

Destiny Series # 1 : Played The Bet

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
fated
opposites attract
friends to lovers
drama
sweet
lighthearted
campus
small town
lies
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

You Played, You've won, but at what cost?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Bet... "Ohh taya ko sa pula!" Sigaw ng aking ama kay Mang Bong. 1,500 pesos. . . "Gago? Bakit sa pula? Sa Itim ako Bong!" Sigaw naman ni Mang Tilo at ibinigay ang taya nito... "Pa... ayaw ko na dito, maraming tao, may pasok pa po ako." Hila ko sa laylayan ng damit ni papa. "Aba! Ayaw mo dito? Yung ibang bata nga, mas gusto pang hindi na pumasok eh!" Sigaw n'ya dahil maingay ang paligid sa tilaok ng manok at ingay ng mga taong nagtataya sa manok na gusto nila. Ganito na ang kinalakihan ko simula 6 pa lang ako. Kada may laro, hinihila ako ni papa para ako ang magbayad sa taya n'ya. Papalitan n'ya naman daw ang pera, pero hindi nangyayari 'yon dahil madalas, natatalo s'ya sa pusta. . . . "Ron anak, gising na, nakahanda na ang almusal n'yo." Malambing na boses ni mama ang bumungad sa'kin. Kinusot ko ang mata ko at bumangon na sa kama. Pagtapos ng umagahan ay sasabak naman ako sa usok at ingay ng mga sasakyan. Maghihintay ng matagal sa ilalim ng tirik ng araw, makikipag siksikan sa loob ng jeep. "Kairo" Boses ng babaeng palapit sa'kin. "Good morning Kairo!" Ngiti ng babaeng kasabay kong maglakad. "Uhh... Good morning, Nova." Maikling saad ko at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Wala ako kahapon, hindi ata ako nabilang sa groupings..." Panimula niya ng paguusapan. "Kung pwede sana... ilagay mo ako sa group mo?..." Naka tingin siya sa baba at nilalaro ang mga delirious habang sinasabi 'yon. "Sige." Wala sa sarili kong sabi "Talaga? Thank you, Kairo!" Maligalig niyang sabi at yumakap sa brass ko. Napalingon ako doon at sa kanya. "Nova." Isang barintonong boses and dahilan ng pagkatangal ng kamay ni Nova sa braso ko. "Trevor..." Nagtagal ang tingin ni Nova sa lalake at halatang kinakabahan. Lumapit yung Trevor sa'min at hinila si Nova. "You'll come with me. Be in my group. Your father doesn't want you to be involved with beggars, remember?" Mahabang lantya ng Trevor at tumingin sa'kin ng masama. Tangina... "Naiintindihan kita. Hindi ako pulubi. Hindi rin naman ako ang nagsabing pumunta s'ya sa grupo namin." Mahinahon ngunit malamig kong saad at bored na tumingin sa kanya. Hinila niya si Nova at umalis. "Hoy! Ruan!" Napatingin ako sa gilid at nakita ang dalawa kong kaibigan. May larong ngiti sa aking laying lumapit sa kanila. Buti na lang, nandito sila..m "Kylo, Arzhel" Nakipag kamayan ako at inakbayan silang dalawa. Sa aming magkakaibigan, si Arzhel ang bumubuhay samin. Mayaman kasi ang gago. Sakanya lahat ng gastos ng tropa. Si Kylo naman, may small business ang nanay niya at architect naman ang tatay n'ya. Ako lang ata ang palamunin sa'ming mag t-tropa. Scholar ako ng school, may allowance rin ako dahil dito. Yung perang nakukuha ko, iniipon ko yun pang gamot ni mama. Kaso, yung tatay ko, alam talaga kung saan ko tinatago ang ipon ko. Hayy... buhay "Let's drink after class, but let's buy food muna for your siblings and mom, Ron." Bored na sabi ni Arzhel at tumingin sa'min. "Wala pang 2 months ang klase ah? Susunigin mo agad baga namin?" Pilyong tawa ni Kylo and umiling-iling pa. Masaya sila kasama, marami rin akong nakikilalang tao dahil mahilig sila pumunta sa iba't ibang bar. Kaso hindi ko kayang lumebel sa buhay na meron sila. "Pass muna, tutulungan ko pa si mama sa palengke, mag re-review rin ako." Ngiti ko at tumingin ng derestyo sa dinadaanan. "Bro? Seriously? I didn't get the chance to drink with you two last summer." Arzhel groaned and looked at us pleadingly. "We'll buy naman some food for Kaira and Kio." Dagdag pa niya. Natawa ako ang tumingin sa kanya. "Gago, mag review ka, balita ko may quiz kayo mamaya sa business finance." At pilyong nirolyo ang mata ko. "Ay tangina, oo nga pala, kami rin, takteng Literacy kasi 'yan." Problemadong buntong-hininga niya. "Bro, I swear Senior High did us dirty, we didn't even get time to bond and all." May tampong tono niyang saad niya. Naglakad kaming tatlong magka-akbay bago pumunta sa kanya-kanya naming room. Kaibigan ko si Kylo at Arzhel noong grade. 8 pa lang kami, si Kylo na ka-barangay ko lang at si Arzhel na transferee. Magkakaiba kami ng pangarap sa buhay kaya magkakaiba ang strand namin; pero hindi 'yon naging hadlang sa pagsisira ng pagkakaibigan namin. Kinuha ni Kylo ang HUMSS dahil gusto niya daw mag law. Si Arzhel naman AMB ang kinuha dahil balak niyang kinun ang company ng dad n'ya sa Beverly Hills. "K-Kairo. . ." Pagkaupo ko ay boses nanaman ni Nova ang narinig ko. Malas naman. "Sorry pala kanina... h-hindi ko boyfriend si Az! He's just a family friend!" Pagpapaliwanag n'ya pa. "Ahh, ayos lang. Sa grupo ka na ba nila Trevor?" Tanong ko habang nag babasa ng libro. "H-hindi! I don't want there. . ." Nahihiyang saad n'ya habang nilalaro nanaman ang mga daliri. "Bakit?" Sabat lingon sa kan'ya "Huh?" Pumula ang pisngi n'ya sa tanong ko. "Bakit hindi ka pumayag sa Trevor? Parehas lang naman na mag re-report?" Tanong ko ulit at binalik ang tingin sa binabasa ko. "K-kasi. . . Ano. . . Y-you're–" Hindi natuloy ang sinasabi n'ya dahil bumaling s'ya nang may marahas na bumukas ang pinto ng room. Nandidilim ang matang tingin sa'min ni Trevor bago nag salita. "Come with me, Perez. I wanna talk about something." Malamig na saad neto. Bakit kasi ako pa ang natipuhang kausapin ni Nova. . . Lumabas agad s'ya ng room at nakapamulsa akong sumunod sa kanya. Nang nasa art room na kami ay sumandal s'ya sa isa sa cabinet. "I'll get straight to the point here." Matigas na ingles n'yang saad. "Don't f*****g flirt with Nova, I'll pay you. More than what you and your family can earn in one day." Bumaling s'ya sa'kin at sarkastikong ngumisi. Kinuyom ko ang kamao ko ang tumingin ng seryoso sa kanya. "Wala kang pake sa kinikita ni nanay sa palengke. At ano naman kung kinakausap ko si Nova?" Matabang kong saad at aalis na sana nang hilain n'ya ang kwelyo ko. "You really don't understand do you?" Panunuya n'yang saad. Naiintindihan ko, hindi ako pwede sa mundo n'yong kayo lang din ang nakakaintindi. "You and Nova can't be together. Your status can't even reach what she has. Her dad is powerful, I just want you to not be dead in the future." Tiim ang tingin nito saakin. "Magkano ba?" Saad ko at puwersahang tinangal ang kamay n'ya sa kwelyo kong gusot na. "I told you, more than your family can earn. Every month, until we graduate." Saad n'ya at kinapa ang black pants n'ya. "25 thousands. . ." Inilabas n'ya ang pera at inilahad sa'kin. "Tapos? Hindi ko na papansinin si Nova?" Saad ko dahil mashadong malaki ang perang ibibigay n'ya kung yun lang ang rason. "I mean. . ." Dinilaan n'ya ang kaniyang ibabang labi. "You'll date Iris. So that Nova will completely think you're not interested in her." "Iris? Yung ex mo? Yung YES-O President? Si Iris Ellore?" Takang saad ko. "Iris, Ellore, President, Journalist. . . My ex, whatever you call her. Be her boyfriend. I'll even increase the money to 50 thousand if that really happens." "Bakit naman nasali si Iris dito? Wala naman s'ya sa problema?" Diretsyo kong lingon sa kan'ya. "Just like what I've said. . . I want Nova to completely remove you from her mind." "But. . ." Kumunot ang kilay ko. "You should also stop dating Ellore when we graduated." Tapik n'ya ng balikat ko at umalis. "Play or leave the bet." ___________________________________________ Chi^^ 10/3/25

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Burning Saints Motorcycle Club Stories

read
1K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
74.6K
bc

The abandoned wife and her secret son

read
3.3K
bc

Mistletoe Miracle

read
8.0K
bc

Owned by My Husband's Boss

read
10.8K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
45.9K
bc

The Billionaire regret: Reclaiming his contract Bride

read
1.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook