NAKAHAWAK sa sariling ulo si Paula Lei, habang iniisip kung paano siya nakauwi sa kaniyang mansion. Ang huling natatandaan niya ay naroon siya sa party hanggang nakarating sa rooftop nang sapilitan dalhin doon ng ex-fiance na si Alanins. Pagkatapos may tinutok sa kaniya at unti-unting nakaramdam siya ng kakaiba nais niyang kumawala at tumakbo palayo. Pero hindi siya nagtagumpay at ang sumunod na nangyari ay hindi na niya alam. Napalingon siya sa pintuan ng kaniyang kwarto nang bumukas iyon. At maya maya ay natanawan ang palapit na si Jay. May dala itong tray na naglalaman ng mga pagkain. “Mabuti at gising kana ang mabuti pa ay kumain ka muna. Kanina pala naririto ang family doktor mo at kinunan ka ng blood sample. Sapagkat may duda akong meron droga sa katawan mo kakaiba ang kilos mo na

