KASALUKUYAN nasa isang party si Jayden kasama ang buong pamilya at ibang miyembro ng Montemayor clan. Hindi sana siya pupunta pero nagtatampo na ang mommy niya. Lately lagi daw siyang busy kaya naman ay pinagbigyan niya ito. Pero agad din nagpaalam ng tawagan siya sa cellphone ni Ms. Paula Lei. “Mom, kailangan ko ng umalis may importante akong pupuntahan.” paalam niya sa ina. “Mag-ingat ka anak, tumawag ka upang masiguro kong safe ka.” Wika pa ng kaniyang ina na tinanguan na lang niya upang maging panatag ito. Kasunod ang mga bodyguard niya ay lumabas na sila sa venue. Pero muling tumunog ang cellphone niya at pag sulyap sa caller ay si Ms. Paula Lei ang tumatawag. Nakakailang tawag na ito sa kaniya kaya lang hindi agad magawang sagutin dahil maingay ang paligid. Kailangan niya ng tahi

