PAANO ang kotse ko?” tanong ni Cathy kay Andrei habang nakatingin sa sasakyan niya. “Don’t worry, Cath. Ipahahatid ko na lang sa penthouse mo ‘yan bukas ng umaga.” Dinala siya nito sa Shangri-La Plaza Hotel. Nagulat si Cathy nang salubungin sila ng mga camera. Hinila agad siya ni Andrei papasok sa elevator kasunod ang dalawang lalaki na may mga hawak na kahon at paper bag. Umakyat sila sa suite nito. “Bakit tayo nandito, Andrei?” Nagtatakang tanong ni Cathy. “Cath, faster. Late na tayo. Mamaya mo malalaman kung bakit tayo naririto.” Itinulak siya ni Andrei sa malaking room saka ibinaba ang box at paper bag. “I’ll give you ten minutes.” Saka siya nito tinalikuran. Nagmamadali naman ang kilos ng dalaga na binuksan ang mga kahon at paper bag. Tumambad sa kanya ang isang see-through gown

