NANG makasakay sila ng sasakyan agad nagtanong si Jade. “Kuya, sa penthouse please.” Biglang pumasok sa isipan ni Dale ang huling sinabi ni Andrei. At nais niyang nagmura ngunit kasama niya nag kapatid. Baka mamaya ay humaba pa ang usapan. Dahil nakakasiguro siyang hindi ito patatalo sa kaniya. “Love her and don’t hurt her. Dahil ‘pag umiyak pa ‘yan, hinding-hindi mo na siya makikita.” “Hurry, Kuya, please!” At halos paliparin naman ni Jade ang sasakyan. Parang alam na ni Dale, wala na ang mag-ina niya at ang pagkakataon na yon ay hinihintay ni Andrei Mondragon. Pagdating nila sa penthouse halos talunin ni Dale ang kotse sa pagmamadaling makalabas. Patakbo siyang lumapit sa elevator kasunod ang dalawang kapatid. Nauna pa sa kanila si Dave. Panay ang doorbell ni Dale sa pinto ng pentho

