EARLY morning, Dale was in front of Cathy’s grandmother’s house. Natanaw niya ang mga anak at ang lola nito. Gusto niya itong lapitan at yakapin. Ilang buwan na rin niya itong hindi nakikita. Nasasabik man, but this is not the right time. Kailangan niya munang ayusin ang gulo nila ni Cathy. Nakontento na lang siyang tanawin sa malayo ang mga anak. Hahanap siya ng pagkakataon kung paano makakapasok sa loob ng walang ibang nakakakita. Mas mabuti na makaharap muna niya si Cathy, marami siyang nais sabihin at ipaliwanag dito. Nang hindi na niya ito makita ay nagmadali na siyang pumasok sa bahay. Maingat na naglakad si Dale sa kabahayan. May kalakihan din ang bahay ng mga ito kaya inisa-isa niya ang kuwarto pero naka-lock ang mga iyon. Ang pinaka-last room ang nakaawang ang pinto. Walang ing

