CHAPTER 1
Transferee
Every school and every year have a transferee. Hindi rin mawawala yung mga bago mong kaklase na pagti-tripan ka kahit unang araw palang at kung ano-ano ang pinapagawa sayo pero syempre dahil ikaw ang bago dapat marunong kang makisama.
Pero makikisama kaya ang transferee na si Maxine Aviyana Dela Cruz o mas kilala bilang Mavi? Makikisama kaya siya kung ang ugali niya ay may pagkamaldita? Kayanin niya kayang maging isang babae sa section na puno ng basagulero at matitigas ang ulo?
Mavi's POV
Triggered ang lola niyo sa school ha! Daming benefits,requirements at forms na dapat sagutan! Nakakaloka! Pero nakakaexcite..
Sa Section 1 daw sana ako kasi matalino DAW pero hindi naman daw masyadong maganda yung records ko kaya sa Section 7 na ako inilagay ng secretary ng principal.
Aaminin kong nakikipagaway ako pero kunti lang naman yung mga records ko..mga 35 offences lang naman.
Starting this day papasok na ako sa Yerrish Jade South Korea International School Philippines (YJSKISP). Pang korean style yung school, yung mga rooms is korean designs pati uniforms.
Kanina pa ako naglalakad dito hindi ko rin mahanap yung lintik na section 7 nayan. Hanu ba yan!!!!
Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa may tumisod sakin nagtawanan pa silang lahat. Tinignan ko yung tuhod ko at may gasgas yun namumula pa buti nalang at di pa ako naka uniform kasi transferee pa ako kundi nako kita yung makinis na legs ko!
Tumayo ako at tinaliman sila ng tingin..'mga peste kayo!' buti nalang bago ako dito kung hindi...yari kayong lahat sakin.
Pisti!
Section 7 nasan ka ba?!
Tumunog na yung bell it's mean the class start,puta ako naglalakad pa! Nasan ba kasi yun ilang oras na akong palakad lakad.
~Nasan ka ba?~~
Napakanta na ako! . Habang naglalakad may nabangga akong teacher nahulog lahat ng registration form ko.
"Sorry po, Sir" sabi ko.
"Wait, you are Ms. Dela Cruz?" sabi ni Sir di ko pa know name niya..
"Opo."
"Kanina pa kita iniintay.."
"Hinahanap ko po kasi yung section 7,Sir"
"Yeah. Tara na para makapag start na ako ng class."
Sumunod ako kay Sir hanggang sa bumalik kami sa building kung saan merong tumisod sakin.
W-wait! Don't tell me mga classmate ko yun?! No way!
Pumasok si Sir sa room at ganun din yung ginawa ko, tinignan ko ng masama yung tumisod sakin nagbubungisngisan ang iba yung isa naman no emotion na nakatingin sa akin.
"Class! Silent! Ms. Dela Cruz I am Mr. Jericho Alfonzo and please pwede ka nang magpakilala."
"I'm Maxine Aviyana Dela Cruz, Mavi for short from Stone South Korea International School Philippines."
Yung iba bored akong tiningnan meron namang iba makatingin sakin mula ulo hanggang paa. Meron namang walang emosyon.
"Class president, do you have question? Anyone?"
Subukan niyong magtanong babalatan ko buhay niyo!
Pero mukhang wala silang tanong at syempre mukhang wala rin yung president..pero mukha lang pala, bored siyang tumayo at tinignan ako ng walang expression.
"Are you willing to fight with me in bed?" tanong niya na nagpataas ng kilay ko.
Napa ohhh yung mga kaklase kong hayup!
"Theo!" sigaw ni Sir.
Nag smirk siya at umayos ng tayo.
"What? That's a question"
Yabang ng hinayupak! Porket class president may ipagyayabang ..well, let's see kung hanggang saan yang yabang mo kapag pabalang yung isasagot ko mukha ka pa namang pikunin.
"But, Sir referring a decent and not a stupid question like you." mataray na sagot ko habang naka cross arm at nakataas ang isang kilay. Kala mo papatalo ako? Di uy! Don't me!
"Decent question? Okay, Kailan ka aalis sa Section 7?" tanong niya.
Nag- ohhh~ na naman sila..Pisti nagkakasagutan na nga nakikisali pa!
"Uhmm..Ikaw? Kailan mo gustong pumunta sa kabaong?." sabi ko at nag salubong naman ang kilay niya.
Agad na nag-ohh yung mga classmate kong hinayupak. Pati rin si Sir naki react..yung totoo sir? Teacher kayo, hindi?
"Why don't you go first?" naka smirk pa siya.
"Oh! Please, I've been there before." nakataas pa yang kilay ko!
"Then, why don't you go back?"
"Because I'm here to pick you up."
"Kaya kong pumunta mag isa, mag antay kalang."
"Hindi rin, nagtatagal kana kasi sa mundong ibabaw nagiging abusado ka naman yata hindi ba?"
"Like you can make me disappear in this world."
"Yes, I can.." I said with a matter of fact tone.
"Okay, Both of you stop. Theo sit down and Ms. Dela Cruz you may choose any seat you want.." awat samin ni Sir, nagtinginan muna kami ng masama bago pumili ng upuan.
Nag start na kami ng class at syempre nasa unahan yung lola mo. Mukha akong lonely girl sa pwesto ko tapos may hinayupak pa sa likod ko, magkalayo naman kami ng upuan pero parang ang lapit lapit lang niya. Pero kung magkalapit kami mabuti na yun ansarap kasi niyang batukan,yung mukha niya nakakainis!!
Ansarap sapakin para lang di ka mainis sa pagmumukha niya. May itsura nga pangit naman ng ugali, sus! Wala rin!.. Anong silbi nang buhay niya? Magpapacute sa mga babae?! Utak niya may anik!.. Ahh!! Naiinis talaga ako sa kaniya!!Baka mamaya may masapak ako dito kapag nagkataon huhu dasal muna tayo beh!!
Lord, sana naman makasurvive ako ngayong araw na'to..na sana wala akong masasapak kahit isang tao lang! Sana patnubayan niyo po ako na kahit anong pangbubwisit nila hinding hindi ako makakapatol sa mga kumag nato..Amen..
Nagtuloy ako sa pagsusulat at habang nagtuturo di ko iwasang magutom napatingin ako sa oras may ilang minuto nalang bago mag klase, History kasi yung topic namin.
"What was the shortest war in history?" tanong ni Ms. Dail
Pero syempre walang sumagot kaya nag usok yung ilong ni Ma'am, so it's time para sa sermon..
"Ano ba kayo?! Wala ba kayong natutunan sa history ?!tinuro ko nayan! jusko! Sumagot naman kayo minsan! Kahit quizzes may pumapasa nga pero mas marami ang bagsak! Kahit minsan help yourse--" nagtaas ako ng kamay , pinutol ko yung sasabihin ni Ma'am..hahaba pa kasi to eh! Gutom na ako.
"During the Anglo Zanzibar war of 1896, the East African Island state Zanzibar fought back against the British Empire." natahimik ang lahat, si Ma'am nagulat pero agad din yung binawi.
"Last question, When is the exactly date and time of Anglo Zanzibar war?"
" The fighting began at 9:00 am on August 26 1896 and ended by 9:40 am making the world shortest war a mere 38 minuets long."
"Very Good, Class dismiss.." sabi ni ma'am at kinuha yung mga gamit niya tsaka lumbas.
*KRINGGGGGGGG!!!*
Shet! favorite subject ko! dali kong kinuha yung wallet ko at tumakbo papuntang canteen.
Pumila muna ako syempre pero puta antagal umusad. Ano ba'tong inoorder nila at ang tagal?!
Nung umusad na ang pila syempre umorder ako agad. Set G lang yung inorder ko, spaghetti,chicken at rice tapos isang soda tapos dalawang chitchirya.
Kinain ko muna yung chicken at rice tsaka spaghetti. Pagkatapos kong kumain ay aalis na sana ako pero may humawak sa braso ko at paupuin ulit.
"Ano na naman tong trip mo ha?!" inis na tanong ko sa leader ng mga kumag na si Theo.
"Eat with us." bored niyang sabi.
"Sorry,pero tapos na akong kumain" sabi ko at tumayo tumakbo pa ako pabalik sa room.
Ilang minuto ay dumating na yung mga kumag sunod ding dumating yung teacher. Nagulat siya ng makita ako.
"Bakit may babae dito?" tanong niya.
"Transferee po." sagot ko
"You are Maxine Aviyana Dela Cruz?"
"Yes po."
Ka ano- ano mo si Tiffany Rose Dela Cruz?"
"She's my younger sister"
"After class dumeretso ka sa office ko may paguusapan tayo."
"Okay,po" kahit nagtataka ay yun nalang yung sagot.
Ano naman kaya yung pag uusapan namin?
Natapos ang klase ay dumeretso ako sa office ni Ma'am Aga. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Good afternoon ma'am,ano po ba yung paguusapan natin?"tanong ko sinenyasan muna niya ako na umupo.
"It's about your sister Tiffany."
"What about her po?"
"Ihja ang kapatid mo ay bumaba na ang grades niya hindi na siya nagfo focus lagi niyang hawak ang phone niya kahit nagstart na yung mga klase. She takes cutting classes too and sometimes she ditch a class. Mawawalan ng pagasa ang kapatid mong maging valedictorian kung ganiyan na siya palagi. I think nag start to ng nagka boyfriend ang kapatid mo ihja. So can you please talk to her?."
"Yes, ma'am ako na po bahala..Mauna na po ako." sabi ko at lumabas ng office tapos sinalubong ako ng mga kumag.
Hindi ko sila pinansin tuloy lang ako sa paglalakad. I can't believe this! Tiffany!
"Anong pinagusapan niyo ni ma'am?"tanong ng classmate kong di ko pa know ang name.
"Wala."sabi ko habang nagpipindut ng phone ko tatawagan ko si Tiffany. Ilang ring muna bago niya sinagot.
[Hello,Ate?] sagot niya nakuyom ko ang kamao ko at nagpipigil ng galit. Tumingin sila Theo sakin.
Napaka chismoso naman nito.
"Where are you?" mautoridad kong tanong.
[Nasa bahay ng boyfriend ko.] natampal ko ang noo ko.
"Kailan mo balak umuwi?" kunting-kunti nalang
[Mamaya.]
"Paguwi mo magusap tayo." and call ended.
Tinignan ko muna yung mga kupal na nakaalis na pala. Tumakbo ako papuntang parking lot tapos dumeretso sa bahay ni Dad.
Nagpapaka independent kasi ako kaya magisa ako at iba yung bahay ko.
Hayst! Tiffany!
Humanda ka sakin Tiffany, sinasabi ko sayo...