CHAPTER 7

1223 Words
Have chance for Ethan Jax? Theo's POV "Sino kaya gumawa nun kay Mavi?" tanong ni Viel habang kumakain.. Maybe it's Jenny...Siya lang naman ang nakaaway niya..kung ano ano kasi ang ginagawa.. "Hinampas siya ng kahoy at sinikmuraan." sabi ni Mark. "How did you know?" tanong ko. "May pasa sa hita niya at sa likod..tsaka may pasa siya sa tiyan niya." "Makikialam ba tayo?" "Kung kinakailangan..." Hinintay namin magising si Mavi... Mavi's POV "Okay ka naba?" tanong ni Nurse Mitch tropa tropa na kami dahil halos palagi na ako dito sa clinic... "Opo..salamat.." pagkaailis ni Nurse Mitch agad lumapit yung mga kupal. "Mavi ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Zayne.. "May pumasok na apat na lala-" "Tapos ginahasa ka?! Sino?! Kilala mo?!" "Toby! Patapusin mo muna ako bago ko tapusin buhay mo!" "Aw.."sabi niya habang naka pout. "So yun..sinikmuraan at hinampas nila ako." "Section 4..sila lang ang alam kong humahampas at sinisikmura ang kaaway.." sabi ni Theo. "Ano plano mo Mavi?" tanong ni Stephen. "Gusto mo upakan natin?" masayang sabi ni Toby . Basta away talaga ang active nitong batang to.. "Pahinga muna ako.." "Tapos?" "Uhmm..di ko pa alam" kung kailan ko sila uupakan.. "Mavi! Mavi! Mavi!" sigaw nung tumatawag sakin si Xavier pala "Ano?!"inis na sagot ko "Yung kapatid mo si Ethan!" "Bakit? Anyare?" "Nagsusuntukan sila ni Chris sa Gym!" napatayo ako kahit masakit. "Ano?!" tumayo ako at tumakbo ramdam ko ang ang pagsunod ng section 7 sakin. Pagpunta ko sa GYMNASIUM nandun si Ethan nakahilata sa sahig kinuha ni Chris yung tubo at akmang ihahampas kay Ethan pero agad akong tumakbo at hinawakan ng malakas yung kamay niya. Masakit yung kamay ko pero nanaig yung galit ko dahil sa mga ginagawa niya. May halong gulat, takot, excitement at lungkot yung reaksyon niya. Inikot ko yung kamay niya at napasigaw naman siya at sinipa ko siya ng malakas. "Subukan mong idapo ulit yung kamao sa kapatid ko..kamao ko ang sasalubong sayo." Tumalikod ako at tumakbo papunta sa kapatid ko dalawang pasa sa gilid ng labi at may mga gasgas sa pisngi at sugat sa panga. Itinayo ko si Ethan at inalalayan papuntang clinic masakit yung hita ko dahil sa paghampas sakin buti nalang nawala yung pamumula. Pagpasok namin ay agad inasikaso ng nurse yung kapatid ko lumabas muna akong clinic at nandun parin yung Section 7.. "Ahh..pasesnsya na kayo ah...bumalik na kayo sa room..salamat ulit.." sabi ko at naglakad pabalik sa gym. Tumingin ako sa likod at nakasunod parin sakin yung mga kupal, bumuntong hininga nalang ako at nagtuloy sa paglalakad. Pagdating ko sa Gym nandun parin si Chris. Nakita niya ako pero nilagpasan ko lang siya at dumeretso ako sa guidance office nandun kasi si Lolo..Kumatok muna ako bago pumasok.. "I heard the incident..how's your brother?" "Ginagamot na po siya sa Clinic" "Maxine! Kausapin mo yang ex mo ha! Baka kung ano pang magawa ko sa kaniya kung malala na yung ginawa niya sa apo ko." "Opo...excuse me po lolo kakausapin ko na po siya.." sinenyasan niya ako at nagbow muna ako bago lumabas. Pumunta ako sa GYM at nakita ko yung Section 7 masama ang tingin kay Chris agad akong nakaramdam ng tension kaya pumagitna na ako bago humantong sa suntukan. "Chris.." "Mavi, can I talk to you? Please..." "Stay away from Ethan, Stay away from Ellie and Stay away from me..get it?" "Mavi.." parang nagsusumamong sabi niya.. "Get it?!" galit na sigaw ko. "Parang awa mo na..Mavi.." "Bakit Chris? Naawa kaba nung niloko mo'ko?! Naawa ka'ba?! Masaya ka pa nga diba?! Kaya wag na wag mong sabihin na maawa ako sayo! Dahil simula nung niloko mo ako! Nakalimutan ko ang salitang maaawa ako sayo!" sigaw ko sa kaniya at lumakad pabalik sa clinic... Pagdating ko ay katatapos lang nung nurse sa pagasikaso sa kapatid ko kaya pinauwi ko na..ako nalang ang bahalang makipagusap sa lecturer niya... Pagbalik ko sa room literal na natahimik ang lahat as in tahimik na tahimik..nandun pala si Ellie sa room na parang hinihintay ako.. "A...nong ginagawa mo dito?" tanong ko.. "Ate..pwede ba kitang makausap?" sabi niya habang umiiyak.. bumuntung hininga muna ako at lumabas tsaka siya sumunod sakin. Lumayo kami sa room dahil alam kong daig pa sa tsismosang kapitbahay tung mga kupal nato. "Ano yun?" "Ate..ayokong mawala si Ethan I don't know this feeling but lagi ko siyang hinahanap gusto ko nanjan siya lagi sa tabi ko..ate..I don't want to loose him." "You don't want to loose him because you love him.." "Mahal ko na si Ethan?" tanong niya ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Ellie, wag kang manhid...feel your heart.. Listen to this.." turo ko sa puso niya."Malalaman mo kung sinong tinitibok nito..And if you find the answer? Run toward him and tell your feelings...be hurry to your answer Ellie baka pagnasabi mo na feelings mo iba na yung mahal niya... Hindi kita tinatakot kailangan mo lang bilisan ang paghanap sa sagot habang mahal ka pa ng taong mahal mo...Alam mo na ang sagot Ellie..go to the house and tell your feelings tapos ako bahala sa lahat..." "Ate..bakit kayo ganiyan?" "Anong ganiyan?" "Niloko kita at sinaktan kita..pero heto ka tinutulungan mo ako para makalapit kay Ethan..diba dapat magalit ka?" Ngumiti ko at hinawakan yung pisngi niya.. "Ellie, kahit anong galit o inis ko sayo maging masaya langyung kapatid ko okay na ako...Kahit masaktan ako okay lang dahil ayaw kong nakikitang nasasaktan ang kapatid ko dahil lang sa ayaw kong makita ka...kahit magalit man ako sayo kung ikaw naman ang dahilan para maging masaya ang kapatid ko..mabubura lahat ng yun kapag bumalik na ang ngiti ng kapatid ko..." "Pero...do I have a chance for Ethan Jax?" "Yes...ikaw ang first love ng kapatid ko..kagaya nga ng sabi ko...First love is.." "Not easy to forget.." "Sige na...pumunta kana ng bahay.." sabi ko mabilis niya akong niyakap at tumakbo... Bakit ganon? Kaya kong magpasaya ng tao pero di ko magawang pasayahin yung sarili ko... Ang daya! Sobrang unfair ko sa sarili ko.. Bakit ba kasi kung magmahal ako sobra sobra? Bakit kaya kong mahalin yung iba pero di ko kayang mahalin yung sarili ko? Tama na! Awang awa na ako sa sarili ko..pagod na ako! Naglakad ako pababa pero parang kusa ang bagsak ng katawan ko at napahawak ako sa railings ng hagdan at hawak ko yung dibdib ko habang umiiyak. "Oh?.." sabi ng kung sino.. Si Stephen lang pala... "Bumalik kana sa room hinahanap ka ni Sir.." "Mauna kana.." "S-sige.." Umakyat na siya habang ako ay nag pupunas ng luha. Huminga muna ako ng malalim bago umakyat. Pagpasok ko sa room ay nakatingin ang lahat sakin..pati na si Sir Jericho.. "Sorry sir, may kinausap pa po kasi ako.." "It's okay..you can sit.." "Thank you sir.." Umupo na ako at nakinig sa discussion pero mga halimaw tung kaklaseko at may kung anong pinagbabato sakin..pero di ko sila pinansin.. Hanggang sa kasunod na klase ganun parin yung nangyari..pero parang padami ng padami.. Natapos na yung klase ay agad akong tumayo at sumigaw.. "SINO BANG KINGINA ANG BATO NG BATO SAKIN?!" inuwersa nila ang kamay nilanat agad pinagbabato sakin yung bilog na papel. Kingina! Kinuha ko yung bag ko at lumabas..kingina talaga tung section na to! Second week of school at ganito na yung pakikitungo nila sa akin ano kaya sa susunod na buwan?! Hindi naman masakit yung paper balls pero duh?! Hindi ka makakagalaw.. Kinginang Section!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD