Jenny Vs. Mavi
Mavi's POV
Habanang wala pa si sir nakaramdam ako na tinatawag ng kalikasan..
Pumasok ako sa cubicle..God! CR pa bato?!.. Andaming vandalism tsaka amoy ihi..yuck!.. Pagupo ko sa trono may mga vandal dun..
"Love is Blind"
"I love you Theo"
"Stephen akin ka nalang"
"Super gwapo mo Theo"
Wow. Super gwapo talaga? Psh.. Gwapo nga ansama nga lang ng ugali nakoooo!!!
Lalabas na sana ako ng may marinig akong ingay.
"O my god, Did you see Mavi?" sabi nung nasa labas alam kong babae to dahil sa kaartehan ng boses.
"That bullshit Mavi.."
"Yeah..she's malandi you know? I'm sure nag papacute yun sa Section 7..Kaya naman pala sila magkalahi nung Tiffany parehong malalandi!.."
"Tapos kala mo kung sinong maganda!"
"Yeah...And you know what?! Ethan Jax and Ellie Grace ay nagbalikan na! Argh! Hindi na mapapasakin si Ethan!
Ay wow. Kahit mapasayo kapatid ko di kita tatanggapin sa pamilya ko...Ayokong tumangap na maarteng kagaya mo..
"Malandi Rin! Ellie'ng malandi! Saksakan ng Landi! Malandi! Malandi! Malandi!"
Abay gago.
Lumabas ako sa cubicle na parang walang nangyari..Inayos ko yung sarili ko..Sila Jenny na naman pero mukhang may bago sa kanila. Mukha naman siyang mabait..
"Kung malandi si Ellie, ano kapa kaya?"sai ko habang kunwaring nagaayos ng mukha. "Wag mong ugaliing magsabi sabi ng kung ano ano baka kasi may makarinig.." humarap ako sa kaniya. "Dahan dahan sa maanghang na salita at pangiinsulto dahil kapag ako yung manginsulto...baka mawalan ka ng gana mabuhay.." lumapit ako sa kaniya. "Pagnangiinsulto ako tagos hanggang buto...so, be aware to your attitude, bitch..ikaw rin makikita mo yung delubyong hinahanap hanap mo."
Sabi ko at inipon yung tubig sa tapo tsaka iniligo kay Jenny..nagulat siya sa ginawa ko..
Tumakbo ako papuntang room hingal na hingal..
"Anyare sayo?!" tanong ni Toby kaya napatingin sakin ang lahat nag smirk lang ako.
"Wala..."habang natatawa.
"Baliw kana!"
"Punta ka mental!"
"Pa check up kana Mavi!"
"Mukhang malala na yan Mavi!"
Yan yung kumento nila agad ko silang tinignan ng masama..
"You b***h!" sigaw nung nasa labas di ako nagulat pero I just act na nagulat talaga ako.
"Oh? Nandito agad kayo?"
"How dare you! Para gawin yun samin!" sigaw nung Daizel.
"How dare you too! Para pag sabihan yung girlfriend ng kapatid ko ng malandi.."
"Kahit na! Binuhusan mo siya ng tubig!"sabi naman nung Jean.
"Ya! Sino ulit nagsabi na hindi na mapapasainyo si Ethan? It's you Jenny, Right? Well, b***h! Sorry pero di ako tumatanggap ng garapata sa pamilya ko."halata namang nagpipigil ng tawa yung nasa room.."Maghanap ka nalang ng iba...naintindihan mo?"
Hinila niya yung buhok ko at putsa yung anit ko! Papunta kami sa..Section 1?
Pahila niya akong pinapasok sa room..at naalarma si Ellie nung makita ako..yung kapatid ko nagsalubong yung kilay niya..
"Everyone! Etong babaeng to! Binastus ako sa loob ng CR! Ako si Jenny Villaflor! Ang queen bee ng school nato.."
"So, since nandito kana I would like you to meet each section...We are section 1..The royalty...kami yung powerful kaya ang pagbastus sa isang Jenny Villaflor ay isang pagkakamali!... Section 2 alam mo na yung section na yan of course! Andiyan Ex mo eh! Section 3 kilala sila bilang mabait sa taong mabait..masama naman sila sa taong masama sa kanila.. Section 4 parang kagaya lang nila ang Section 1 were just same..Section 5 they know for being masipag so kapag inaway mo isa sa kanila..sisipagin ka din nila..Section 6 they know for being tahimik pero kapag masama trato mo sa kanila..tahimik din bagsak ang katawan mo..and lastly you're section alam mo naman siguro yun.." hinala ulit niya yung buhok ko!.peste talaga tung babaeng to!
"A-aray!"
"Bitawan mo nga siya Jenny!" sigaw ni Ellie...
"Let go of my sister."
"Bitawan mo siya Jenny.." sabi nung isang babae..binitawan naman ako ni Jenny.
"Sister? Magkapatid kayo ni Ethan?"
"Will, yes! Sinabi ko na sa inyo sa banyo diba?"
"Pero di namin alam na Ethan Jax yung tinutukoy mo! Maraming Ethan dito sa school duh?!"
"Use your common sense bitch..sayang pagiging Section 1 mo.."
"What the?!"
"But still! How dare you! Di mo na nirespeto ang Queen Bee!"
"Do I need to respect the Bee's?"
"What?!"
Watawat.
"I don't want to respect the Queen Bee...dahil mababang reputasyon lang naman yung sa kaniya...malay mo respetuhin niya ako kapag nalaman niya yung reputasyon ko.."
"You should say sorry to me!"
"Okay magso- sorry ako kung magsosorry ka kay Ellie.."
"Bakit? Bakit siya magsosorry sa akin, Ate?"
"Well, sinabihan ka nila ng Ellie'ng Malandi, Saksakan ng Landi.." agad namang kwenilyuhan ni Ethan si Jenny.
"Sinabihan mo siyang malandi?!"okay, galit na siya..
"N-no T-that's not me! It's Ashley!"
"Ate! Si Ashley o si Jenny.."sigaw sakin ni Ethan..
"It's Jenny.." bored kong sagot kung titignan mo kasi yung Ashley mukhang mahinhin..
Maganda din yung Ashley. Matangos ang ilong maikli yung buhok at kulay blue yung mata niya...basta all in! Maganda!
"Si Ashley nga may sabi nun!" sigaw ni Jenny..
Hayup talaga tung babaeng to!
"Hindi nga siya!" sigaw ko.
"Hawakan niyo!" utos ni Ethan sa dalawang lalaki at hinawakan si Ashley nung dalawa agad namang bumagsak yung mga lalako nagulat pa ako..
Si Evan...
"Lahat ng mananakit sa kaniya dadaan sakin!"
"Kasalanan mo to!" sigaw ni Jenny at sinampal ako malakas na sampal yun dahil muntik akong matumba buti napahawak ako sa desk nila. Napatigil ang lahat at tumingin sakin pero inangat ko ang isang kamay ko at umikot at yun sapol sa pisngi ni Jenny..Malakas lakas yun dahil natumba siya
"May kamay rin ako...kaya kitang sampalin sa maraming paraan." I turn to Ethan. "Mamaya mag usap tayo.." he just nod..
Pagdating ko sa room andaming lumilipad pagkita ko si Evan...
"Evan, Relax lang huy!"
"Huy Evan!"
"Mapaguusapan pato!"
Pumasok ako sa room agad niya ako nakita kaya kwinelyuhan nila ako. Walang emosyon lang ang tingin ko sa kaniya..
"KASALANAN MO TO!! KUNG DI MO BINANGGA ANG GRUPO NI JENNY!! EDI SANA! SANA...HINDI SIYA HUMILING NA...LAYUAN KO SIYA.." napaluhod siya at umiyak..
Dati pa akong nakakita ng lalaking umiiyak pero wala akong nararamdaman ngayun puro awa na...
Lahat marunong makiramdam, tumahimik kami pero may isa talagang ayaw ng drama sa buhay...
"Pre, ang panget mo umiyak."