Drizella Genet’s POV “Nabalitaan ko na buntis daw ang kinoronahan.” Pagbabasag sa katahimikan ni Mommy Lady. Hindi ko alam kung dapat ba ako na matuwa o malungkot. Ito na ang huling pagkakataon ni Miyake sa beauty pageant pero napurnada dahil sa biglang pagsabog ng balita tungkol sa kanya. Desisyon niya naman kung ipapalaglag niya ang bata o itutuloy. Sa tingin ko ay tinuloy niya ang pagbubuntis niya dahil umatras siya. Pero hindi ko pa rin magawang magdiwang kahit na alam ko naman na ako ang lalaban sa Binibining Pilipinas. Kung hindi ko lang nakilala si Pierre baka masayang-masaya ako pero iba na ngayon. Mas lalong magiging sikreto at dapat itago ang sa amin ni Pierre. Sa pagpunta ko ng Manila para lumaban siguradong mas makilala pa ako. Hindi lang bilang anak ng Balenc

