Drizella Genet’s POV Pagkatapos kong ayusan ang sarili ko naglakad agad ako palabas ng kwarto namin ni Pierre. Ito na ang araw na aalis si Deena at ang araw din na kailangan kong pumunta sa hotel para maayos ang pagpasa sa akin ng korona. Naglakad ako pababa ng bahay ng mga Aceves. Nagising na lang ako na wala si Pierre sa tabi ko. Sigurado naman ako na magpapaalam siya sa akin kung aalis man siya. “Good morning,” bati ko sa mga magulang ni Pierre na nasa living area. “Nasaan po si Pierre?” “Si Pierre?” kunot ang noo na balik tanong sa akin ni Daddy Moon. “Hindi ko pa nakikita si Pierre na bumaba.” “Kahit ako,” dagdag pa ni Mommy. “Baka maagang lumabas.” Si Pierre maagang lalabas? Hindi naman niya ugali na lumabas ng kwarto namin ng maaga lalo na kung natutulog pa a

