Drizella Genet’s POV Nagising akong malalim pa ang pagkakatulog ni Pierre. Bumango na ako sa kama namin at lumabas ng kwarto. Maaga akong natulog kagabi pero si Pierre, hindi ko alam. Mukhang napuyat siya dahil alas-nuwebe na ng umaga pero tulog pa. Pagbaba ko may isang babae na nakaupo sa sofa na may hawak na tasa. Bumagal ang paglalakad ko. Sino ‘to? Paano nakapasok sa bahay namin? Suot ang leopard na salamin kahit na wala namang araw sa loob ng bahay. Naka-dekwatro pa ang tuhod. High waist jeans at white tank top. “Tititigan mo lang ba ako?” malamig na turan nito sa akin. “Who are you? Paano ka nakapasok sa bahay—” “Malamang gamit ang pinto,” sarcastic na sagot nito sa akin at sumisip sa hawak niyang tasa. Pati ang gamit sa bahay, ginagamit niya na. Babae ba ‘to

