Drizella Genet’s POV “From the top!” Malakas na sigaw mula sa coordinator. Mabilis kaming nagtungo sa likod ng stage para hindi na magsayang ng oras pa. Unang araw pa lang ng practice pero parang binabarag na kami. Mukha lang mahinahon ang coordinator namin noong meeting pero halimaw pala kapag nasa training na. “Ang sungit-sungit ng coordinator natin!” inis na sigaw ng babae sa likod ko. Hindi talaga maiiwasan na magreklamo pero pinanatili ko na lang na tikom ang bibig ko. Ayokong magsalita ng hindi maganda dahil baka mamaya may mga tenga at matang mapagmasid lang pala sa paligid at isumbong pa ako. “Isa, dalawa, tatlo, go, ladies!” Sabay na lumabas ang hilera ng mga kandidata mula sa kanan at kaliwang pinto ng back stage. Nasa kanang baywang ang braso ko habang n

