Drizella Genet’s POV “So, ladies, mauuna ang white tee and jeans, advocacy at syempre pagpapakilala, talent show, and long gown sa mga top five na sasabak sa q and a.” Ito ang unang meeting namin kasama ang mag-aayos ng buong show. Nakaupo kami sa leather chair na parang nasa sinehan lang habang nasa gitna ng stage ang nagsasalita. “Excuse me!” Napatingin ang lahat sa babaeng nasa unahan na nagtaas pa ng kamay. “’Yong bikini? Hindi mo nabanggit.” “Oh, thanks for that!” kilingking ng bakla sa gitna ng stage. Nasa mukha niya ang pagiging mataray pero mukhang kaya naman niyang makipagsabayan sa pagbibiruan. “Inalis na ni Mayor ang bikini part. Pinalit na ang white tee and jeans,” nakangiting sambit nito. Nakapagpagtaka na biglang inalis ang parte ng pageant na ‘yon. Palagi naman ‘yo

