Drizella Genet’s POV Mula sa loob ng sasakyan, tanaw ko ang bahay namin. Nasa garahe ang sasakyan ni Pierre at parang ayaw ko ng lumabas ng kotse niya. Mabigat na mabigat ang loob ko. “Pierre…” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap sa kanya ng mahigpit. Hinaplos niya ang buhok ko. Alam ko naman na rito lang din siya sa Escajeda pero naninibago ako na wala siya. Magigising ako na hindi siya ang makikita ko sa umaga. “Pumasok ka na sa loob ng bahay niyo. Baka pigilan pa kita at iuwi na naman sa bahay ko.” Sana nga. Sana nga pwedeng iuwi niya na lang ako sa bahay niya pero hindi pwede. Sinabi sa amin ni Kuya na kumakalat na sa buong Escajeda ang balita na papalitan ni Pierre sa paghuhurado ang pinsan niya. Kailangan namin mag-ingat dahil may pakpak ang balita s

