Drizella Genet’s POV “Kinakabahan ako!” stress na sigaw ng isa sa mga kasamahan ko rito sa backstage. Inaayusan kami ng mga sarili naming make-up artist. Ito na ang araw na inaantay ng lahat. Ang beauty contest ng Escajeda. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko pero paulit-ulit lang akong humihinga ng malalim habang nagbibilang sa isip ko. “Relax, ladies!” sigaw ng coordinator namin. “Perfect niyo naman ang intermission natin. Kumalma at chin up. Ngumiti hah!” Ngumiti ako sa harapan ng salamin. Paulit-ulit akong nag practice para sa ngiti ko. Naririnig ko ang ingay sa labas ng back stage. “Ten minutes at magsisimula na kayo.” Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ng MC na kakapasok lang ng back stage. Napatingin ako sa buhok ko na patapos ng itali ng high pony tail. Inayo

