Drizella Genet’s POV Isang ngiti sa labi ang nabungaran ko pagmulat ng mga mata ko. Ang make-up artist ko na katatapos lang ayusin ang buhok ko. “Perpekto!” Umalis ito sa harapan ko at nakita ko ang istsura ko sa salamin. Maayos na nakakumpol ang mahabang buhok ko. Ang barot saya ko na pinagawa mismo ni Mommy para sa talent ko. Malapit na ako kaya tumayo na ako sa vanity chair ko. “Good luck!” nakangiting sambit sa akin ng make-up artist ko. Nag good luck din sa akin ang ibang kandidata na tapos na at kahit ang mga hindi pa tapos. Naglakad ako papunta sa pinto ng back stage. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. “’Yong baso,” sambit ng make-up artist ko. Dahan-dahan niyang inilagay sa ulo ko ang isang babasaging baso. Inipit ko rin ang tig-isang baso sa tig-isang

