Drizella Genet’s POV “Ayoko na…” Natahimik ang kapatid ko sa sinabi ko. Pati ang manager ko na nakatayo sa harapan ko ay laglag ang panga. “W-What?” si Dexter na kanina lang ay komportableng nakahiga sa sofa sa living room namin. Nitong mga nagdaang araw na nag s-shoot ako para sa airlines at habang nag pra-practice ako para sa laban ko, hindi ko maramdaman ‘yong excitement na naramdaman ko noon. Wala na. Pagod na pagod na ako. Hindi lang ang katawan ko pati ang loob ko. Hindi ko alam kung paano pa ako lalaban kung wala na akong lakas. “Pinipilit ko na lang ang sarili ko sa bagay na hindi ko na pangarap…” mahinang sambit ko. I realize that this is not my dream anymore. This is not what I want. Ang daming nagbago. Hindi na ako masaya sa ginagawa ko tulad noon kung

