“Miss. Drizella.” Napatianod ako sa gulat at napatingin sa CEO na nakaupo sa gitna ng conference room. Nakangiting napataas ang dalawang kilay ko sa kanya. “I’m sorry, ano po ‘yon?” tanong ko. “Any suggestion?” tanong niya sa akin at umiling lang ako. Biglaan ang pagpapapunta sa amin ng CEO ng Aceves sa kumpanya nila. Hindi ko inaasahan ‘to kaya mas lalo akong wala sa sarili lalo na at kasama ko si Pierre sa kwartong ‘to. Pwede naman na hindi ako sumama pero isinama pa rin ako ng manager ko para hindi na niya kailangan ipaliwanag pa sa akin ang pag-uusapan dito pero wala naman akong masyadong naintindihan. Ang alam ko lang pinag-uusapan ngayon kung paano patitigilan ang mga reporter sa paulit-ulit na pagtatanong tungkol sa nangyari sa akin. Tumatakbo ang oras at kailang

