Drizella Genet's POV Hirap na hirap akong bumangon sa kama ko. Gusto ko lang na nakalapat ang likod ko sa malambot na bagay. Wala akong gana na mag trabaho ngayon lalo na sa binalita sa akin ni Judy kanina lang. Sinabi raw ni Pierre na reschedule na lang ang shoot namin. Kaya sa makalawa naman ay magsisimula naman ang shoot ko sa airlines. Ayaw niya ba kong makita kaya na reschedule? Baka sa susunod na shoot ko sa kumpanya niya ang mismong CEO na ang mag handle. Si Kuya Damien naman, hindi pa rin ako gaano pinagkakausap. Nagalit nga talaga siya sa akin. Nahihirapan naman ako na sundina ng gusto niya lalo na at parang uhaw na uhaw din ako sa atensyon ni Pierre na matagal nawala sa akin. "Drizella?" Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko sa penthouse namin. Bahagyang nak

