Drizella Genet’s POV Mahirap kausapin ang taong nakasakit sa’yo lalo na kapag galit ka. Ayokong ipaalam sa mga magulang ko ang nangyayari sa amin ni Pierre dahil baka pilitin lang nila akong kausapin si Pierre. Wala naman makakaintindi sa nararamdaman ko. Ayokong kausapin si Pierre na ganitong galit pa rin ako dahil siguradong masasakit lang ang masasabi ko sa kanya. Gugulo lang lalo. “Anak, anong oras ang dating nila?” tanong ni Mommy sa akin. “Siguro, parating na sila,” sagot ko na ang tinutukoy ay ang Doctor na kukuha ng DNA samples namin ni Deena. Napatingin ako kay Deena na tahimik na nakaupo sa kandungan ni Kuya Damien habang na nonood ng cartoon sa tv namin. Magkatabi kami ni Kuya sa mahabang sofa habang nasa tig-isang solong sofa naman si Mommy at Daddy. “Paano naman nila

