Drizella Genet’s POV Tahimik ang hapag kainan namin pero ang mga mata ng mga magulang ko ay hindi matanggal sa batang sinusubuan ko ngayon. Naipaliwanag ko na sa mga magulang ko pero kahit sila hindi makapaniwala na hindi ko anak ang batang ‘to. “Dito na ba siya titira?” tanong ni Daddy. “Hindi, Dad. Babalikan siya ng Tita niya. May kailangan lang ayusin ‘to—” “Sayang naman,” putol agad ni Mommy sa sasabihin ko pa. “Akala ko rito na siya talaga titira. Ang cute at gusto ko ng apo na katulad niya. Pakiramdam ko may anak ulit ako dahil kamukhang-kamukha mo, Drizella.” “Apo?” mahina akong natawa. Baka hindi ko na maibigay sa kanila ang bagay na ‘yon. Ang laki na ng trust issue ko na pumasok o sumubok sa relasyon dahil kay Pierre. Ang focus ko ay career at ang alaga ko

