Chapter 2

1119 Words
Mabilis ang oras kaya halos takbuhin ko na ang daan papunta sa classroom ko dahil first class ko pa naman. Pero hindi naman sinasadyang may makakabangga ako.   "I-ikaw?" Saglit kaming natigilan nang ma-realize na pareho kami nang sinabi at maging reaksyon. Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yong lalaking nakita ko no'ng isang araw sa field na lalapit sana sa akin upang tulungan ako. Napatingin ako sa kawalan at saglit na napatingin sa kanya nang magsalita siya. "Ikaw 'yong transferee 'di ba?" Napatango ako ng dalawang beses. “I'm Dave, ikaw?" pagpapakilala niya. Saglit akong natigilan, wala naman sigurong masama na makipagkilala.   "Jasmine," sagot ko kaya napangiti siya. Doon ko lang napansin na isa siyang chinito. "Sige papasok na ako," napapatangong sabi ko bago pa man ako tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Pero natigilan ako nang mapansing sinusundan niya ako.   "Excuse me? Sinusundan mo ba ako?"   "Ha? This is the right way going to my room," aniya at napapahiya naman akong lumingon sa kanya.   Nagpatuloy muli ako sa paglalakad dahil natatanaw ko na ang  classroom subalit, parehas kaming natigilan nang pareho kami ng room na papasukan.   "Dito ka rin?" pagtatakang tanong niya at kasabay nang pagtango ko ang salitang..   "O-oo."   Napangiti siya at hindi ko inaasahan ang susunod na sasabihin niya. "Magkaklase pala tayo. Sabay na tayong pumasok?"   Napaisip ako saglit pero bago pa man ako makasagot ay nahawakan na niya ang kamay ko. Kaya hinayaan ko na lang na gawin niya 'yon, tutal naman ay late na ako kaya mas mabuti na kasabay ko siya para dalawa kaming mapapagalitan.   Pagkapasok pa lang namin ng classroom ay halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa amin. Kaya halos manginig ang mga tuhod ko habang humahakbang. Una kong pinagmasdan si Vernice na nakangiti sa akin, sumunod si Travis na seryoso lang na nakatingin sa amin, napansin ko rin ang nerd na katabi niya, nerd kasi makapal ang grado ng salamin habang ang iba ay nakataas ang kilay kasama 'yong tatlo na sina Hanna, Sabrina at Laarni.   "Good morning, ma'am, I'm sorry were late.” Napatingin ako sa nagsalita, lutang lang siguro ako dahil hindi ko namalayan na katabi ko pala..   Subalit, halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Ma'am Menchie. "Mr. Chua & Ms. Llaneta, are you dating?" At agad naman kaming nakarinig ng kantyawan sa buong classroom.   Pero lahat kami ay natigilan sa babaeng nagtaas ng kamay, maganda siya at halatang nakaka-angat sa buhay. "Excuse me, ma’am? Can we go back to our lesson? Dumating lang sila, e, nagkaroon na ng eksena." Halos lahat ay napatango sa sinabi niya pero hindi ako nakaligtas sa nakataas na kilay ni Hanna.   "Ms. Tecson is right, okay never mind of what I've said, by the way, this is your first warning Mr. Chua & Ms. Llaneta or else I will drop you in my subject! You two, you may take your sit now."   Dali-dali akong nagpunta sa upuan at ngayon ko lang nakilala ang babaeng nagsalita kanina, siya pala si Deborah Tecson, ang campus queen. Iyan ang sabi sa akin ni Vernice nang makaupo ako.   Matapos ang first subject ay biglang umingay sa kabuuan ng classroom. Napakaingay, kung sino pa ang nasa highest section, sila pa ang maiingay.   Saglit akong napalingon sa likuran namin at sa unang pagkakataon ay nginitian ako ng nerd na 'yon. Mukha naman siyang mabait at isa pa, gusto ko talaga siyang maging kaibigan.   "Hi, I'm Jasmine Kylie Llaneta, transferee lang ako dito, ikaw?"   "I know, I'm Keith Gomez," pagpapakilala niya. Tipid siyang ngumiti habang inaabot ang kamay kong inilahad sa kanya.   "Siya pala si Vernice ang best friend ko," pagpapakilala ko at napangiti lang si Vern sa kanya dahil busy ito sa pakikipag-text.   Saglit din akong napalingon sa katabi ni Keith, at walang iba kundi si Travis. Nakasuksok ang headset sa kanyang tainga kaya hindi ko alam kung naririnig niya ang usapan namin. Mabuti naman at hindi siya masungit ngayon, pero-- naiinis pa rin ako sa kanya.   Maya-maya pa ay dumating na rin si Ma'am Dianne, ang math teacher namin. I love math but math hates me.   Sa sandaling iyon ay hindi ko inaasahan na biglang makikiupo si Dave sa katabi kong bakanteng upuan dahil absent ang nakaupo ro'n.   Pasimple niyang tinapik si Travis na kasalukuyang may kinukuha sa bag.   "Hey, brad! Seryoso ka riyan, ah?"   "Don't me, Dave!" narinig kong sagot ni Travis.   "Ito naman hindi mabiro. 'Di ba Jasmine?" natatawang sabi ni Dave at hindi ko alam kung dapat ko bang sakyan ang pagsasali niya sa akin sa usapan gayong hindi pa naman talaga kami magkakilala kaya napatango na lang ako kahit hindi maka-relate sa usapan nila.   -   Pagka-uwi ko sa bahay galing sa school ay naabutan ko si mama at nagpapatugtog ng isa sa mga kanta ni Jessie J na ang title ay Domino. Dali-dali akong nagtungo sa kwarto habang napapasayaw sa kanta.   Kakabihis ko lang nang maamoy ko ang niluluto ni mama mula sa kusina. Kaya agad akong nakadama ng gutom. Mabilis akong nagpunta roon at hindi nga ako nagkamali dahil paborito kong ulam ang niluluto ni mama.   "Hi, ma!"   "O', nandiyan ka na pala 'nak, hindi ko namalayan ang pagdating mo,” aniya. Hindi na siya nagtaka kung bakit ako nakapasok dahil may duplicate ako ng susi ng gate namin kaya kahit hindi na ako mag'door bell.   "Ang lakas kasi ng sound trip mo, ma—teka, mukhang masarap 'yong niluluto mo, ah?"   "Ah.. oo, 'yong paborito mong caldereta!" aniya na ang sweet pa ng pagkakasabi sa word na 'caldereta' kaya mas lalo akong natakam.   "Ma, maluluto na po ba 'yan?" napapadungaw kong tanong dahil sa bangong hatid nito.   "Oo, anak, sandali na lang at maghahapunan na tayo."   Napatalon ako sa tuwa na parang bata at hindi ko maiwasan na mapangiti habang pinagmamasdan si mama na nagluluto. Sa halos labing anim na taon ay siya lang ang mag-isang nag-alaga sa akin, kahit broken family kami at kahit sa larawan ko na lamang nakita ang papa ko.   But I need to accept the fact that sometimes life is really unfair. Unfair, dahil kahit minsan ay hindi ko nadama ang feeling ng mayroon kang isang ama.   - Kasalukuyan na akong nagpapahinga sa kwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko pala napatay ang data nito kanina. Kaya pagkabukas ko ng f*******: ay halos manlaki ang mata ko sa nakita ko.   Dave Chua sent you a friend request.   Medyo kinabahan ako nang pindutin ko ang 'confirm', dahil may doubts ako sa sarili ko, kaibigan ni Dave si Travis at hindi malayong mapalapit ako sa grupo nila kapag naging magkaibigan kami ni Dave.   Ito na ba ang simula ng pagiging magkaibigan namin?   Ano kaya ang feeling na maging kaibigan ang isang Dave Chua?                                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD