Chapter 3

1393 Words
"Good morning, anak!" Bungad sa akin ni Mama. Nag-unat-unat pa ako ng kamay bago pa tuluyang bumangon at doon ko lang siya napuna na maganda ang bihis.   "Saan ka pupunta, ma?" kunot-noong tanong ko nang hinahawak-hawakan pa niya ang kaniyang buhok habang nakatingin sa salamin.   "Bagay ba?" nakangiting aniya at napangiti na lang ako sa sinabi niya. Aaminin kong kahit medyo may edad na si mama ay kita pa rin ang kagandahan niya at kikay pa rin, bumabagay lang sa kaniya ang mga damit na binibili namin na magkapareho kami.   "Opo, ma.. bagay na.. e, saan ba kasi ang lakad mo?"   "Anong ako? Tayong dalawa!" nakangiting pagtatama niya at saka siya nagpunta sa aparador ko upang piliian ako ng maisusuot. “Kaya bumangon ka na riyan, at heto, isuot mo."   Napakamot ako ng wala sa oras dahil sa kakulitan ni mama.   "Ha? Saan po ba tayo pupunta, ma?"   Napangiti siya at halos kuminang ang mga mata niya. “Mother and daughter's bonding!"   Agad din na kuminang ang mata ko at nagmadali akong bumangon dahil medyo matagal na rin kaming hindi nakakapag-bonding ni mama, busy kasi siya sa business namin na karinderia.   At dahil walang pasok ngayon ay kumain agad ako, naligo at saka nagbihis. Isinuot ko ang napili ni mama na kahit minsa'y hindi ko pa naisuot. Matapos kong magbihis ay humarap ako sa salamin. Ngayon ko lang napansin na nagkaka-curve na pala ang katawan ko. Off shoulder kasi iyon na dress at fitted ito sa katawan ko. Hindi ko maiwasan na mapahanga sa sarili ko.   Paalis na kami nang maisipan kong isama si Vernice, malapit lang naman ang village nila sa village namin kaya saglit lang namin siya hihintayin.   Siguro mga thirty minutes lang ang lumipas nang dumating siya, mabuti at hinatid siya ng driver niya. Ganyan ka-rich kid si Vern.   "Wow, Jas! Ang sexy mo sa part na 'yan ah? Diyan ka lang," pilyang aniya.   "Baliw!" natatawang sabi ko at nakitawa na rin si mama sa sinabi ni Vern.   Dumaan na muna kami sa simbahan at pagkatapos ay nag-ikot-ikot sa malapit na mall. Nag-videoke kami, naglaro sa quantum, nag-window shopping at nang mapagod ay kumain.   “At dahil ngayon lang ulit natin naka-bonding si Tita Miram ay treat ko!” masayang sabi ni Vern.   “Ikaw talagang bata ka, madalas mo na lang kaming nililibre, pero maraming salamat!” ani mama. Kaya agad kaming naglakad patungo sa restaurant na madalas naming kainan kapag kasama ko si Vernice pero nagkataon naman na maraming tao kaya kailangan talagang maghintay ng mauupuan.   Habang naghihintay ay nagpa-assist si mama sa isang staff kung saan ang CR, sasamahan ko sana siya pero nagpasya siyang mag-isa at samahan ko raw si Vernice para pumili ng makakain kaya naiwan kaming dalawa  na kausap ang isang crew.   “Three half slice of lasagna, italian spaghetti and strawberry ice cream? How about the drinks po?” wika ng crew.   “Ano bang gusto mo, Jas?”   “Ah.. blue lemonade,” sagot ko.   “Okay, three blue lemonade.”   “Diet ka?” pagbibiro pa niya kaya napatawa ako. Subalit isang boses ang nakapagpatigil sa amin. “Excuse me? Why is really annoying here now? Don’t you think we are paying the right amount for your service tapos ganito pa? Ang sakit sa paa maghintay nang mauupuan, It’s just a waste of time!” bulalas ng isang customer sa isang crew na halos katabi lang namin. Mukhang natatameme na rin ang crew para makipag-debate sa kanila.   “I’m sorry, ma’am, unexpected lang po talaga na nagkaroon ng maraming customer today, pero ginagawan naman na po ng paraan.”   “I don’t care, sa tagal na naming kumakain dito, ngayon lang kami naka-experience nang ganito ka-cheap na service!” Napalingon ako sa boses na ‘yon, masyado na niyang minamaliit ang isang crew na wala namang ginagawa para gawin ang trabaho nito. At hindi na ako nagtaka nang makilala siya, nagtama ang aming mga mata dahilan para mas tumaas pa ang kilay niya. Hindi ko na sana siya papansinin pero nagsalita na siya.   "Oh, tingnan mo nga naman, of all places, nandito pa ang cheap na commoner na 'yan." Nilingon ko siyang muli. At sa pangalawang pagkakataon ay tinaasan ko rin siya ng kilay. No wonder kung ganito siya ka-bully sa classroom ay hahayaan ko na lang bang tapak-tapakan ang sarili ko? At kung sino ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Hanna. At hindi lang siya nag-iisa, kasama niya pa ang dalawa na sina Sabrina at Laarni.   "How pathetic that girl, pinipilit maging rich kid kagaya natin, how come naman na makakain siya sa ganito ka-classy na restaurant?” ani Sabrina at napa-irap pa siya na sinang-ayunan ng dalawa.   "If I were you, aalis na lang ako sa school na hindi ako nararapat. A friendly advice, b***h," ani Laarni.   Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nila. Ewan ko ba kung bakit sa mga pagkakataon na 'to ay tila natatameme ako at parang umuurong ang dila ko.   Napansin kong nainis na si Vern kaya hinawakan niya ang likod ko dahilan para bigyan ko ng daan at siya ang humarap sa tatlo. Hindi maiwasang pagtinginan na kami ng mga customer pero hindi pa rin sila nagpatinag.   "Hey, sinong b***h? Sa pagkakaalam ko, kayo ang b***h," pagsisimula ni Vern at sandali siyang natigilan  upang harapin si Sabrina. “Pathetic? 'Di ba mas nakakatawa kayo kasi naturingan kayong mayayaman pero asal aso naman. Hindi kagaya ni Jasmine na dapat tinutularan dahil siya ang nagpapa-aral sa sarili niya."   Halos hindi na nakapagsalita ang tatlo pero bago pa man sila makapagsalita pa ay inawat ko na si Vernice.   "Vern, tumigil ka na," kalmadong sabi ko pero inalis niya lang ang kamay ko.   "No, Jas, sumusobra na sila, e! Let me them experience my sweetest slap," sarkastikong aniya, lalapit na sana siya para sugurin ang tatlo nang biglang..   "Hey, what's happening, here?" ani Travis.   Nagkaroon ng saglit na katahimikan at sumunod ang ilang tilian dahil lang naman sa apat na dumating. Sina Travis, Dave, Geofferson at Topher.   Ilang saglit pa ay may lumapit ulit na isang crew sa amin. “Ma’am, you may now take your sit.”   “Thank you,” wika ko. At sinamahan niya kami sa bakanteng lamesa at upuan. Habang naiwan naman doon sila Hanna na nakabusangot dahil mas nauna kaming bigyan ng mauupuan.   Nakita na rin kami ni mama kaya kasama na namin siyang naghihintay ng order. At habang naghihintay ay ako naman ang nag-CR, sasamahan pa sana ako ni Vernice pero sinabi ko na kaya ko naman, isa pa ay ayoko ulit maiwang mag-isa roon si mama lalo na’t nandoon din ang mga bully.   Habang naglalakad papunta sa CR ay narinig ko ang isang pamilyar na boses. "Jasmine! Nandito ka pala," nakangiting bungad sa akin ni Dave. Buti pa siya, hindi iba ang turing sa akin kahit na mayaman siya.   Napansin ko naman ang tatlo na naka-poker face habang kinakausap nila Travis.   "Ah-- oo," tipid na sabi ko.   "Sinong kasama mo?”   “Ah, si mama at si Vernice.” Nakita niya naman ang sandali kong pagsulyap sa mga kasama niya.   “Ah kami naman nagkaayaan na rito kumain, nagkaroon kasi ng bonding ang varsity team at cheerdancers," aniya.   "Ah.. sige dito na ako, naiihi na kasi talaga ako,” halos mahiyang sabi ko.   “Okay, see you tomorrow!" aniya at nag-wave pa siya bago pa kami tuluyang magkatalikuran.   Nang makabalik ako sa pwesto namin ay laman pa rin ng isip ko ang mga sinabi sa akin nila Hanna. At mukhang hindi ako nakaligtas sarilinin ‘yon dahil napansin ako ni mama.   "Anak, may problema ba?" Napa-iling ako.   "Ano, Jas? Don't tell me natatae ka," pilyang tugon ni Vern kaya medyo natawa ako. Baliw talaga siya!   "W-wala 'to. Kain na tayo?"   Natapos ang buong araw at masasabi kong nag-enjoy ako, okay naman na sana, e.. kung wala lang ang tatlong babae na 'yon. Pero dapat ba akong magpaapekto sa kanila?   Hindi pa nila nakikita ang other side ko, alam kong balang araw ay magkakaroon ako ng lakas ng loob na harapin sila, na ipaglaban ang pagkatao ko.   Hindi dapat ako magpaapekto sa kanila. Dahil ako si Jasmine Kylie Llaneta, mahirap man kami pero kaya kong ipagtanggol ang aking karapatan bilang mamamayan, anak, estudyante at kaibigan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD