Chapter 4

1281 Words
Habang nakatambay ako sa may gymnasium ay nakatuon lang ang atensyon ko sa pagre-review dahil thirty minutes na lang bago ang first class ko-- subalit bigla naman nakuha ang atensyon ko ng ingay na nagmumula sa hiyawan ng mga kababaihan. Hindi ako kagaya nila na titili sa mga gwapo at hot, mapapaos lang ako pero hindi sinasadyang napalingon ulit ako nang lalong lumakas ang tilian at dahil na rin sa paborito ko ang tugtog na sinasayaw nila. Now playing: [Versace on The Floor by: Bruno Mars] Doo'y hindi ko napigilang pagmasdan ang lalaking naka-stripe na t-shirt at para bang naagaw niya agad ang atensyon ko dahil sa galing niyang gumalaw. Pero nanlaki ang mga mata ko nang mapansin sina Dave, Travis, Topher at Geofferson na sumasayaw din. Ang galing din gumalaw ni Travis at Dave, pero itong isa talaga, e. "Bulaga!" "Ay palaka na mataba!" naisigaw ko sa kawalan. Nahampas ko tuloy siya dahil sa sobrang gulat ko. Sino pa ba? Edi 'yong nag-iisa kong best friend, kasama niya si Anthony na suitor niya. "Hi, Jas!" bati pa sa'kin ni Anthony. "Hello, Anton!" ganting bati ko sa kaniya. Umupo sila sa tabi ko at nakitingin na rin sila sa aking pinagmamasdan. "Sino bang tinitingnan mo riyan? Si Dave, 'no?" panunuksong sabi ni Vernice. "Loko ka, Vern! Hindi ah! Hindi siya 'yong tinitingnan ko." "E, sino?" "Ayon o, 'yong naka-stripe," sabi ko habang itinituro ko 'yong lalaki subalit hindi ko naman akalain na naka-stripe rin pala 'non si Travis. Dahilan para mapalingon kami sa malakas na tawa ni Anthony. "Si Travis lang pala, e, gusto mo bang ilakad kita, Jas?" natatawang aniya. Sumabay din sa pagbanat si Vern na ikinawindang ng isip ko. "E, akala ko ba, hate na hate mo 'yong lalaki na 'yan?" Nasabunot ko na lang ang sariling mukha dahil sa kabaliwan nitong dalawa. "Naku naman kayo, chill lang, okay? Hindi si Travis 'yong tinitingnan ko-- 'yong nasa harapan," sabi ko at napukaw ang tingin nila sa tinutukoy ko. "Ah! Si Diago 'yon. Iyong leader nila sa grupo," napapatangong sabi ni Anthony. "Grupo para saan?" tanong ni Vernice. "Hindi mo pa ba alam? Sikat ang dance group na 'yan dito sa buong campus na kilala sa tawag na "Undeafeated." Sandali siyang natigilan upang bigyan ulit ng tingin ang grupong tinutukoy niya. "Kaya nagre-rehearse sila ngayon dahil may gaganaping big event next month," pagpapaliwanag pa niya. "Ah, sorry hindi kami updated, e," ani Vern na ngayon ay napalingon sa akin. "Lalo naman ako, transferee lang," sabi ko. Matapos kong sabihin 'yon ay narinig na namin ang tunog ng bell. Napansin ko rin na isa-isa nang naghihiwalay ang dance group na ngayon ko lang nakilala. At sa pagkakataong iyon ay muling hinanap ng mata ko 'yong Diago pero nabigo ako dahil si Dave ang nakita kong papalapit sa amin. "Jasmine! Kanina pa kayo riyan?" "Ah.. o-oo," tila nag-aalangang sabi ko. "Talaga? So.. napanuod mo pala 'yong rehearsal namin?" nakangiti pa niyang sabi. "Oo," matipid ko ulit na sagot. Sumabay sa amin pumasok ng class room si Dave maliban kay Anthony dahil nasa section two siya. Habang nagtuturo si Ma'am Menchie ay hindi ko maiwasan isipin 'yong Diago na 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya mawala sa isip ko. Ngayon lang ako humanga ng ganito sa isang lalaki. Pero teka, crush ko na ba siya? - Nang mag-lunch break ay nagkaroon ako ng chance na tanungin si Dave dahil sumabay siya sa amin ngayon kumain ni Vernice. "Ah, Dave?" "Yes, Jasmine?" aniya at napatingin din sa akin si Vern nang magsalita ako. "May itatanong kasi sana.. ako." "Sige, ano ba 'yon?" Napatingin muna ako kay Vernice at parang umaatras ang dila ko sa hiya. Pero nag-thumbs up siya kaya biglang lumakas ang loob ko. "Iyong naka-stripes kanina na blue--" natigilang sabi ko. "Ah! Si Diago ba?" mabilis na sagot niya kaya napatango na lang ako dahil nahulaan niya kaagad. "Siya 'yong leader ng dance group namin. Bakit? Type mo?" panunukso pa niya. Saglit pa akong kinurot ni Vern sa tagiliran ng bewang ko. "Hindi, 'no. Wala lang, ang galing niya kasi, e. Sobra!" napapahangang sabi ko. "E, ako hindi ba?" nakangusong aniya. "Siyempre, magaling ka rin, 'no! Nga pala bakit sa amin ka sumabay ngayon kumain?" tanong ko habang inililibot ko ang mata ko sa buong canteen at ngayon ko lang napansin na nasa kabilang table lang pala namin sina Travis, Geofferson at Topher. Masaya silang nagku-kwentuhan nang magtama ang mga mata namin ni Travis. Kakaiba ang tingin niya sa akin at hindi ko iyon maipaliwanag. Basta ang alam ko lang, mainit pa rin ang dugo ko sa kaniya. Dahil sa ginawa niya sa akin. Pero hindi ako nagpaapekto sa presensya niya at sa halip ay inubos ko na lang ang kinakain ko habang nakikinig sa sinasabi ni Dave. Wala pang thirty minutes nang matapos kaming kumain kaya naisipan na muna namin na maglibot-libot sa buong campus. Malaki din ang kabuuan nito at ngayon ko lang napansin na may garden din pala rito. Naupo kami sa mga bench doon. "Ang ganda rito, ngayon ko lang ito napuntahan," napapahangang sabi ko. "E, kasi, wala kang ibang ginawa sa daily routine mo kundi magbasa ng libro at sa bahay ni'yo lang," sagot ni Vern na ikinataas ng kilay ko. "Ayoko lang na mawala ang pagiging scholar ko, Vern." "Scholar ka?" pagsabat ni Dave kaya medyo nakaramdam ako ng hiya. "O-oo, Dave, kaya nga ako nakapag-enroll sa school na 'to, e. Hindi nga dapat ako nararapat dito dahil.. hindi naman kami gaano nakakaangat sa buhay," sabi ko at hindi ko maiwasan na lalong mahiya. "Ano ka ba! Nakakahanga kaya 'yon, hindi biro ang makakuha ng mataas na marka para lang maging scholar, kaya napahanga mo ako roon, Jasmine!" nakangiting aniya at dahil sa hindi ko inasahan ang sinabi niya ay napangiti na lang ako. Subalit natigilan kami sa isang boses na pamilyar. "Dave Chua." Napalingon kami sa biglaang dumating. "Travis." Iyon lang ang narinig kong sinabi ni Dave. "Wala ka naman sinasabi sa amin na nililigawan mo na ang babaeng 'yan," nakangising sabi ni Travis kaya hindi ko maiwasang mainis sa sinabi niya pero mas lalo akong nainis nang magsalita pa si Geofferson. "Dave, c'mon, bumaba na ba ang taste mo sa babae? Akala ko ba papantayan mo pa ako?" "Ikaw ba 'yan, Dave?" pahabol pa ni Topher. Halos mapagdikit ko ang aking kamao dahil sa ginagawa nilang pang-iinsulto kay Dave. Kaya naglakas loob akong tumayo upang harapin silang tatlo. "Hoy kayo, bakit ganyan kayo sa kaibigan ni'yo? Iniinsulto ni'yo ang pagkatao niya. Kaibigan niya ba talaga kayo?" matapang na sabi ko kaya natigilan silang lahat sa sinabi ko. "Jasmine, let me resolve this," pagpigil sa akin ni Dave, marahil ay nararamdaman na niya ang pagka-inis ko. "Tama si Dave, Jas, halika na sa class room," ani Vernice at mabilis niya akong hinila papalayo roon. Sandali pa akong napalingon kung nasaan nandoon si Dave na pinalilibutan nila Travis. Dahil kahit sa maikling panahon ay itinuturing ko na rin siyang kaibigan kaya ganoon na lang ako mag-alala, isa pa ay mabait na tao si Dave. - Kinagabihan ay bakas pa rin sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi na kasi pumasok ang apat kanina matapos ang pangyayaring iyon. Pero agad naman nawala ang pag-aalala ko nang muli kong maalala si Diago. Sinubukan ko siyang hanapin sa f*******: at nagtagumpay akong mahanap siya dahil mutual friends siya ni Dave. Kahit nahihiya man ay nag-send ako ng friend request sa kaniya. At hindi ko maikakailang crush ko na nga siya.. si Diago Manuel Lacson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD