Dave's POV
Ako si Dave Chua, half chinese at half Filipino. Pero rito ako lumaki sa Pilipinas.
Mabait naman ako, e, player nga lang. Pero hindi ko sinasabing pinaglalaruan ko lang si Jasmine, ah? She doesn't deserve a man who is a cheater. She deserves true love and attention.
Pero kailan ko nga ba nakita si Jasmine?
Hindi ko na matandaan pero the first time I saw her, parang tumigil ang mundo ko.
Napakasimple niyang babae pero para sa akin ay napakalakas ng dating niya. Ang epic nga lang no'ng una ko siyang makilala dahil hindi sinasadyang natamaan siya ni Travis ng bola. Napakasungit kasi ng lalaki na 'yon, hindi katulad ko na sweet ang personality.
So going back, labis ang tuwa ko nang makita ko siya sa class room namin at malamang magkaklase pala kami. Kaya hindi ko na pinalampas ang mga araw para mapalapit ako sa kaniya, I want to know her better, I want to be friends with her-- ang kaso lang.. iba ang iniisip sa akin ng mga kaibigan ko. Kagaya na lang nang nangyari kanina.
Pagkaalis pa lamang nila Jasmine ay magkakasunod at malalakas na suntok ang pinakawala nila sa mukha ko dahilan para mapaupo ako sa sahig habang hawak-hawak ang labi kong duguan.
"Bilib din ako sa'yo, Dave," ani Travis at napatingala ako sa sinabi niya. "Akalain mo 'yon, nagseryoso ka sa isang babae?" dugtong pa niya. Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila niya pero dahil kaibigan ko siya ay pinalampas ko 'yon.
Oo, tama nga siya-- ngayon lang ako nagkaganito.
"O, baka naman nang gu-goodtime ka na naman para alam mo na," sabi naman ni Geofferson na naintindihan ko kaagad ang nais niyang sabihin.
Gago hindi ako katulad mong fvckboy! bulong ko sa isip ko.
"Alam naman namin na trip mo lang 'yong Jasmine na 'yon, e!" natatawang sabi pa ni Topher. Kung hindi ko lang talaga sila kaibigan ay papatulan ko na 'tong mga 'to, e.
Pero hindi ko inasahan na papantayan ako ni Geofferson sa sahig at saka nagsalita. "Umamin ka nga sa amin, Dave, trip mo lang ba ang babaeng 'yon o pang-aasar mo lang sa amin? 'Di ba't ang rules ng grupo ay walang seseryosohin?" aniya at inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin, "Pero bakit sinuway mo 'yon?"
Ngumisi ako at doo'y napakunot ang noo niya. "Ano ba sa tingin ninyo ang ginagawa ko?"
Lahat sila ay natahimik at isang tawa ang pinakawala ni Topher, letse!
"Iba ka talaga, Dave! Tumayo ka na nga riyan. Akala namin hindi na ikaw si Dave, e!" natatawang aniya at saka tinulungan nila akong makatayo subalit natigilan ako sa huling sinabi ni Travis.
"Dave, don't you ever break our rules, or else, goodbye sa grupo."
Napangisi ako habang nakatingin sa kaniya. Alam kong kapag nagbitiw siya ng isang salita ay totohanin niya, pero hindi ko lang talaga matanggap ang rules keme nila. Para silang mga nasawi sa pag-ibig at nadala na muling magmahal.
Pero bago pa man kami bumalik ng class room ay napaisip ako..
Mukhang kailangan ko na yatang mag-ingat next time. Tutal, nakapagsinungaling naman na ako sa kanila kaya paninindigan ko na lang.
--
Bago pa man ako makapunta sa parking lot ay nakasalubong ko si Mr. Diego, ang teacher ko no'ng third year, super close kami ni Sir Diego, at alam niya rin kung ilang babae na ang napaiyak ko.
"Dave? Anong nangyari sa'yo?" ngingisi-ngising aniya. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at wala pa rin siyang ipinagbago, guwapo pa rin maliban sa reading glass niya na nagbago ng kulay.
"Napaaway lang po, sir," sagot ko dahilan para matawa siya.
"Dahil na naman ba sa pambababae mo?"
"Sir talaga.." nakangising sabi ko at naramdaman ko na lang ang pagtapik niya sa balikat ko.
"Magbago ka na kasi, hindi lahat ng babae, papayag na paglaruan mo lang."
Alam ko naman 'yon, e. Napangiti na lang ako kahit hindi niya alam na napapaisip ako.
"Sige, sir, namiss kita, a!"
"Oo nga, e, matagal na rin magmula nang huli tayong nagkita. Siya nga pala, baka ako na ang maging lecture ninyo sa Mapeh," aniya na nagpabilog ng mata ko.
"Talaga, sir? Maganda 'yan! Tataas na naman ang grades ko!" masayang wika ko kaya lumapad din ang tawa niya.
"O, sige na.. baka hinihintay ka na ng mga babae mo," natawa siya pero kaagad din naman na bumawi, "Biro lang."
"Sir talaga, o, sige po! Ingat po, sir!"
Nang makarating ako sa may parking lot ay natigilan ako sa babaeng naka-puwesto sa halos katapat ng kotse ko.
Kasalukuyan kasi siyang nag-aayos ng suot niyang heels kung kaya't hindi ko makita ang mukha niya. Sexy siya kagaya ng mga naging karelasyon ko. Pero aaminin ko, walang tumatagal na isang buwan ang mga nagiging girlfriend ko. Ganon ako katindi sa babae, dati.
"Excuse me?" Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon at halos manlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino siya.
"Precy?"
"Dave?" sabay kaming natigilan nang ma-realize na sabay kaming nagsalita.
Si Precy Fernan. Maganda pa rin siya. Siya 'yong ex-girlfriend ko, at hindi ko siya sineryoso, player nga kasi ako, dati.
"Kamusta ka na?" nakangiting aniya.
"Okay lang, ikaw?" sagot ko habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kaniya. Medyo ang awkward kasi halos two months pa lang matapos 'yong break up namin.
"Good for you.. 'o, sige. Dito na ako, nice to see you, again."
Anong nice 'ron?
Nang mawala na sa paningin ko si Precy ay pinaandar ko na lang ang kotse at nagpunta sa kung saan, kampante naman na akong mag-drive dahil nag-aral ako sa isang smart driving school dito sa Pilipinas. Wala akong naiisip na lugar para puntahan kaya bahala na kung saan ako mapadpad. Gusto ko lang sarilinin ang problema ko kila Travis. Sari-saring konklusyon ang namumuo sa utak ko habang nagmamaneho at hindi ko maintindihan kung bakit ba ako nagkakaganito. Mahal ko ang grupong binuo namin pero nag-aalala ako sa kung anong p'wedeng maging consequence kung sakaling may magustuhan akong babae.
Paano kaya nila nasasabi 'yon sa akin?
Hindi na ba p'wedeng magbago ang patakaran ng grupo namin? Ngunit, paano kung suwayin ko 'yon? Maaalis ba ako sa grupo?
-
Habang nagmamaneho ako papunta sa kung saan ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Jasmine. Pero ang nakapagtataka ay hindi mawari ang mukha niya habang paingka-ingka siya sa paglalakad kaya napatigil ako sa pagmamaneho upang malapitan siya.
Pagkalapit ko sa kaniya ay napansin ko na mayroon siyang sugat sa paa.
"Nakakainis--" natigilan niyang sabi nang makita niya ako.
"Jasmine? Napaano 'yang sugat mo?"
"D-dave.. natisod kasi ako, e." Doo'y inalalayan ko siyang makatayo.
"I saw you walking, pauwi ka na ba? Kung gusto mo ay ihatid na kita para magamot na rin natin 'yang sugat mo," pagpi-presinta ko. Napangiti ako kahit hindi siya nakasagot. "Humawak ka sa akin para makapaglakad ka nang maayos," sabi ko at napatango siya habang inaalalayan ko siya sa paglalakad.
Napangiti siya at hindi ko akalaing sa ganitong paraan ay may pagkakataon ako para matulungan siya.
Nang makarating kami sa kanila ay mas lalo akong naging interesado na alamin pa ang takbo ng buhay niya. Mula sa pintuan ay bumungad sa amin ang babaeng kamukha niya. Ang mama niya.
"Ma." Nagmano siya rito at napatingin ito sa paa ni Jasmine.
"O, anak, napaano ka?" Nagkatinginan kami ni Jasmine at inunahan ko na siyang magsalita.
"Ah kasi, ma--"
"Ah, tita, natisod po kasi ang anak ninyo, kaya po ako nandito para magpaalam na kung maaari po sana ay ako na po ang maggamot sa sugat ni Jasmine."
"Ah, napakabuti mo naman tao, hijo. Salamat, ha? Tatanggi pa ba ako? Ano nga pa lang pangalan mo?" napapangiting tanong ng mama niya.
"Dave po."
"Ah sige, kukunin ko lang ang safety kit."
"Sige po, tita."
Naramdaman ko naman na maayos ang unang pagkikita namin ng Mama ni Jasmine at nakakatuwang isipin dahil nakuha ko na kaagad ang loob ni Tita. Kahit na pansin kong iba ang iniisip niya nang makita niya akong kasama ni Jasmine.
"Aray! Dahan-dahan lang," sabi niya habang napapaingit siya sa sakit.
"I'm sorry, heto na." Nilagyan ko ng alcohol ang sugat niya upang tumigil iyon sa pagdugo at saka nilagyan ng betadine. "Kaunting tiis lang, ha? Huhupa rin ang sakit niyan."
Napangiti siya kaya mas lalo siyang gumanda. "Salamat, Dave, ha. Hindi mo na dapat 'to ginawa," aniya at napangisi ako.
"Para naman hindi mo ako kaibigan," sabi ko kaya natigilan siya.
"Kaibigan?" aniya habang napakunot ang noo niya.
"Bakit? Hindi pa ba ako kaibigan para sa'yo?" tanong ko habang unti-unting sumisilay ang ngiti sa labi niya.
"Oo na po, magkaibigan na tayo." Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko nang sabihin niya 'yon.
"Yes! Alam mo ba first time ko magkaroon ng babaeng kaibigan!" masayang wika ko at hindi na naman siya nakapag-react sa sinabi ko.
Iniisip ba niya na playboy ako? Dati lang naman 'yon, e.
Kaya hindi ako nagdalawang-isipi na tanungin siya. Gusto ko kasi na magtuloy-tuloy na ang binubuo naming friendship.
"Jasmine? Okay ka lang?"
"Ah.. o-oo. Saan na nga ba tayo?"
Napangisi ako at umiral na naman ang pagkaloko-loko ko.
"Change topic na lang."
"Sige, isip ka," panghahamon niya. At siyang dating naman ng mama niya kaya sandali kaming natahimik.
"O, Dave, anak, uminom na muna kayo ng juice."
"Thankyou po, tita."
Nang makaalis na si Tita ay ipinagpatuloy na namin ang aming usapan.
"So ano ng topic?" tanong niya habang umiinom siya ng orange juice. Pero halos mapaubo siya sa isinagot ko.
"About your love life."
"H-ha?!"
Hindi ko maiwasan matawa sa naging reaksyon niya. Kahit ang totoo ay interesado talaga akong malaman ang tungkol doon.
"Bakit parang bago lang sa'yo ang word na 'yan?" napapangiti kong tanong.
At halos mapawi ang ngiti ko sa isinagot niya.
"E--kasi.. hindi pa naman ako nagkaka-boyfriend."