Jasmine's POV
Kinaumagahan, habang naglalakad ako papunta sa classroom ay natanaw ko ang ilang estudyante na nagkukumpulan sa harap ng bulletin board na nasa principal's office.
"Hey! Tumabi ka nga riyan hindi ko makita ang naka-post!" Narinig kong sigaw ng isang maliit na babae.
"What?! Ngayon lang nangyari 'to, ah?"
"Oo nga. Nakaka-excite naman kung sino ang mapipili."
"Sana ako na lang! My ghaaad!"
Bulong-bulungan ng mga estudyanteng nandoon. Kung kaya't hindi ko napigilan ang sarili ko na alamin kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Mabuti na lang at nag-ring na ang bell kaya kaniya-kaniya na silang akyat patungo sa mga class rooms nila.
Pagkalapit ko ay binasa ko na kaagad ang naka-post sa bulletin board.
"Announcement!
Undefeated dance group is looking for a girl member! Must be good looking & a performer, 3rd year-4th year only! Audition now & be part of our group."
Walang reaksyon na pinagmasdan ko ang naka-post na 'yon dahil hindi naman ako interesado. Parang nasayang lang ang minutong ginugol ko sa pagbabasa no'n kaya nagmadali akong magpunta sa class room at napahinga ako ng maluwag dahil wala pa si Ma'am Menchie.
"Look, I smell something here," panimula na naman ni Hanna at lumingon pa siya sa akin nang sabihin niya 'yon habang natatawa naman ang dalawa na sina Sabrina at Laarni.
"E, kaya naman pala.. kasi.. may basurang dumating!" natatawang tugon pa ni Laarni.
"Ate, umagang-umaga ang ingay ninyo," suway naman ni Sonia sa ate niyang si Laarni.
"Shut up, sister, o baka naman gusto mong itabi kita sa basura," panghahamom pa niya sa kapatid.
At umalingawngaw ang malakas nilang tawanan subalit--
"Hey, what's happening here?" bungad pa ni Dave sa kanila. Napalingon siya sa akin at nakita ko ang pag-aalala sa mata niya. Thank you, Dave. "Kayong tatlo, wala na ba kayong ibang magawa sa buhay ninyo kundi mambully?" tanong niya na ikinatahimik ng tatlo.
Doo'y lumapit si Hanna at mataray na hinarap si Dave. "O, anong drama 'yan, Dave? Mala-hero? Ay iba ka rin ngayon ah," anito at saka ako muling tiningnan.
Subalit halos lahat kami ay napalingon sa boses na bumungad sa amin.
"Dave."
"O, Travis?" ani Dave at napatayo pa siya para mapantayan ito.
"Let's talk." Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. "Sa labas," dugtong pa nito.
"What?" tanong niya.
"Basta sumunod ka na lang." Matapos niyang sabihin iyon ay nanatili pa rin akong tahimik. Lalo na nang lampasan ng Travis na 'yon ang inuupuan ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang sandaling nasaktan niya ako at kailanma'y hindi niya 'yon binawian ng sorry.
Walang dumating na teacher sa first subject namin kaya puro daldalan lang ang nangyari sa class room. Subalit, thirty minutes na ang lumipas ay wala pa rin si Vernice, mabuti na lamang at nandito si Keith. Naging close na rin kami dahil nagkakasundo kami sa tuwing may recitation at group activities sa klase. Lumipat kasi siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko dahil wala na yatang balak pumasok ang nakaupo ro'n.
Maya-maya pa ay dumating na rin si Vernice.
"O, Vern saan na naman kayo nag-date ni Anton?" bungad ko sa kaniya.
"Jas, this is it! I have a good news for you!" kinikilig na aniya at halos hindi naman mawala ang ngiti sa kaniyang labi.
"P'wede ba itigil mo muna ang pagtili tapos saka ka na magkuwento," sarkastikong sabi ni Keith dahilan para matawa kami. Loko rin 'tong baklang nerd na 'to.
"Sorry na.. kasi ano, e--"
"Ano?" sabay pa namin tanong ni Keith.
Halos tumalon talon pa siya sa tuwa nang sabihin niya na.. "Kami ma!"
"Ay wala ng bago 'ron, friend!" sabi ni Keith na ngayon ay naglalagay ng liptint.
"Bakit naman?" kunot noong tanong ni Vern.
"E, kasi 'ron din naman ang punta no'n, haler?!" nakapamewang niya pang sabi kaya natawa na lang kami.
Nang dumating ang pumalit na teacher namin sa MAPEH na si Mr. Diego ay natahimik ang lahat. Medyo terror din daw kasi ang teacher na ito. Nandito na rin ang apat na sina Travis, Dave, Geofferson at Topher. Pang apat na subject namin before lunch break.
"Goodmorning, class."
"Good morning, sir!" bati ng lahat.
"Okay take your sit first and pick up a piece of paper under your chair. Understand?" Dali-dali naman kaming nagsipulot ng mga nakitang kalat sa ilalim ng upuan namin at pagkatapos ay tumahimik na ulit ang klase. "Can we start, guys?"
"Yes, sir!"
"Anyway, it's nice to see you again this school year, and starting today, I will be your Mapeh teacher." Siyang hiyawan naman ng iba kong classmates na mukhang kilalang-kilala na si Mr. Diego.
At napawi ang ingay na 'yon nang lapitan niya ang kaklase kong mahiyain.
"Surname?" wika pa niya rito.
"Flores po."
"Okay, Mr. Flores, pick one." Hinarap niya rito ang index card na may nakasulat na mga pangalan namin.
Nang kuhain ni sir ang index na napili ni Red ay napangiti siya.
"Llaneta!" Bumilis ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba nang marinig ko ang surname ko.
"Yes, sir?" Halos lahat ng mata ay nakatingin sa akin.
"What is music?" Napalingon ako sa biglaang tanong niya.
"Ah, I guess music is vocal or instrumental sounds combined in such a way to produce beauty of form, harmony, and expression of emotion."
"Are you sure with your answer?"
Natawa naman ang ilang kaklase ko kasama ang tatlong mahilig sa akin mambully. At bigla naman nagtaas ng kamay si Deborah.
"Yes, Ms. Tecson?"
"I think she's correct, mister," maikli niyang sabi sabay ngumiti siya sa akin.
"O, yes, hindi ko sinabing mali ang sinagot niya, I'm just trying if she's going to defend more her answer, but going back, very well said, Ms. Llaneta!"
Biglang umingay sa buong class room dahil pinalakpakan ako ng mga kaklase ko, except sa tatlong bully sa akin. For the first time ay pinalakpakan nila ako, pero hindi iyon big deal sa akin.
-
"So now, the purpose of our topic for today is I want you to make a presentation using by music. This is a group performance and must be performed by next week."
Agad naman nagkaroon ng bulungan at reactions ang lahat.
"Sir, so you mean we are going to dance?" tanong ni Sabrina.
"Exactly, Ms. Celeste."
Dance? Hindi ko alam kung kakayanin
kong sumayaw.
"Gusto ko 'yan! Bongga!" sabi pa ni Keith.
"Sasayaw lang ako kapag ka-group ko kayo ni Jas," nakakunot noong sabi ni Vern. Wala kasi siyang talent sa pagsayaw, wika niya noon pa.
Sumasayaw naman ako no'ng bata pa pero never ko nang na-try ulit magmula nang lumaki na ako.
"Mr. Ybañez!" muling sabi ni Mr. Diego. Kaya lahat ay napatingin kay Travis.
"Yes, mister?"
Pareho lang sila ni Deborah na natatawag ng ganiyan si Sir Diego. Palibhasa ay isa raw sa may-ari ng mamahaling resort dito sa Pilipinas.
"I want you to be the leader of your group."
"Okay, mister."
"Ms. Llaneta." Nakaramdam na naman ako ng kaba.
"Yes po, sir?"
"Tutal nasagot mo naman ng tama ang tanong ko kanina. You and Mr. Ybañez will be the leader, so you will be partners and everyone should be follow your companionship."
"H-ha??!"
"What??!" halos magkasabay naming sabi.
"Everyone pick your partners and then practice," ma-awtoridad muling wika ni Mr. Diego sa lahat.
"Excuse me, sir?" ani Hanna habang apapataas ng kamay.
"Yes, Ms. Melendez?"
"Anong klaseng sayaw ba at kailangan pa ng ka-partner?"
"Ballroom."
What? Ballroom?
Hindi ko yata ma-imagine na maka-partner ang taong kinaiinisan ko.