Travis POV [The Killer] Palihim muli kaming nakipagkita ni Geofferson kay Brent, nandito kasi kami ngayon sa puntod ni Mara. Naglakad kami sa bermudang inaapakan namin hanggang sa makarating kami sa pinaradahang motor ni Brent. Naka-shade siya at naglagay ng pekeng balbas ngunit makikita mo pa rin ang kaguwapuhan, sa edad niyang desi-otso ay marami na siyang nalalaman tungkol sa pakikipaglaban upang proteksyunan ang sarili. "Kamusta kayo?" aniya. "Guwapo pa rin," seryosong sagot ni Geofferson na ikinatawa naming dalawa. "O', bakit? Papalag ba kayo?" Animo'y binantaan kami ng kaniyang kamao pero napailing lang kami. Saka kami naglakad pabalik malapit sa puntod ni Mara. Doo'y hindi namin inaasahan ang ibubungad ni Brent. "Namatay na lang si Mara nang hindi ko pa naipapakita mismo sa

