Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko na para bang ayaw niya akong mawala. Napasinghap ako sandali at pagkalingon ko sa kaniya ay puno nang pagsusumamo ang kaniyang mga mata. Nabigla pa ako sa sumunod niyang ginawa.. dahil niyakap niya ako. Hindi ko alam kung anong nais ipahiwatig ng yakap na iyon pero isa lang ang nararamdaman ko, puno iyon nang pagsisisi. "Travis," pagtawag ko sa pangalan niya. At doo'y narinig ko ang paghikbi niya. "I'm really really sorry, Jasmine.." Sa pagkakataon na iyon ay narinig ko 'yon sa kaniya kasabay nang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. "Damn it, Travis! What are you saying? Niloko tayo ng babaeng 'yan!" galit na sabi ni Geofferson na ngayon ay seryoso lang nakatingin sa amin ni Travis. Sinubukan kong bumitiw sa pagkakahawak niya sa kamay ko pe

