Jasmine's POV Isang linggo ang lumipas at naging okay na rin si Mama. Nakauwi na rin siya ng bahay at kasalukuyang nagpapalakas. Habang ang lahat ay walang kamalay-malay sa nangyayari. Narito kami sa loob ng kuwarto kung nasaan nakahiga ang katawan ng kakambal ko. "Jasmine!" Boses iyon ni Travis. Bakit niya ako tinatawag? Bakit niya ako iniiyakan? Nandito lang naman ako, e. "Jasmine! Mahal na mahal kita." "Mahal na mahal din kita, Travis," sabi ko subalit hindi niya iyon narinig-- dahil ibinulong ko lamang iyon sa isipan ko. Kung alam niya lang.. "Jasmine! Please wake up!" Pilit niya akong ginigising habang ako rito ay naiiyak na rin. Dahil hindi naman talaga ako ang nakahiga roon-- kundi.. si Ate Mara.. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari. Ako dapa

