Isang linggo na ang lumipas magmula nang mangyari ang insidenteng iyon, isang linggo na rin na na-comatose si Jasmine. Marami rin ang nangyari sa isang linggo. Palihim sa aking nakikipagkita si Brent dahil lsa ngayon ay pinaghahanap din siya ng mga pulis, napag-alaman kasi ng mga ito na dati siyang tauhan ni Mr. Prieto. Samantala, nakakulong na sina Mr. Prieto at ang mga tauhan nito, maging si Precy na sangkot sa pagbaril kina Tita Miram at Jasmine. Napaglaban na rin ang kaso ni Dad dahil napatunayan na hindi naman ganoon kalaki ang kaso niya, gayong kasabwat lang naman ito at walang ginawang krimen, sa tulong na rin nang malakas na abogado ni Brent ay hindi na natagalan pa ang kaso kaya sobrang thankful ako sa kaniya. Agad ko rin ibinalita kay Mommy ang paglaya ni Dad kaya nangako siya n

