Travis POV Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang tinatahak namin ang daan patungo sa pinagtaguan nila kay Tita Miram. Nakahanda na ang lahat sa pag-atake at handang lumaban kahit anong mangyari. Pero parang hindi pa handa ang sarili ko sa kung anumang p'wedeng mangyari. Maliblib at madamo ang lugar na pinuntahan namin. At kagaya nang pinag-usapan namin ni Mr. Prieto sa lugar na sinabi niya ay lakas-loob kaming nagpunta roon. Nagpaputok ng baril si Brent nang nakarating na kami, hudyat na naroon na kami, kaya naman kaagad na nagsilabasan ang mga tauhan ni Mr. Prieto na may kaniya-kaniyang armas. Nakatutok ang lahat ng mga hawak nilang baril sa amin na siyang ibinaba rin nang sandaling utusan sila ng kanilang pinuno na ibaba ang mga iyon. At nang dahil doon ay napahinga ako ng m

