New Character's POV "Alam na ba 'to ng anak mo, sir?" "Hindi, at ayokong malaman niya maski ang pinakamaliit kong plano. Naiintindihan mo?!" galit na usal niya sa akin. Bago lamang akong naglilingkod sa kanilang hacienda pero nakikita ko na ang hindi makatarungang pinaggagawa niya. May bali-balita na marami na siyang pinapatay na mga tauhan at ayokong maging isa ako sa mga 'yon. Dahil kailangan kong buhayin ang aking ina, kahit pa hindi ko siya tunay na magulang. "Brent." Napalingon ako sa kaniyang muling pagtawag. "Bakit po, sir?" "Pakitawagan mo si Mr. Ybañez at sabihin mong kailangan namin mag-usap, ngayon din!" "Masusunod po-- sir." Agad naman siyang nagtungo ulit sa may inuupuan niya kung saan ay nandoon ang ilang mahahalagang papeles at mga.. armas. Pagkabalik ko pa lamang

