Travis POV Matapos ang nakakapagod na araw dahil sa big event ngayong araw ay sa amin pa rin nanatili ang "title." Kami lang naman ang panalo dahil hakot awards from sports, cheerdance, battle of the bands at siyempre ang sikat na dance group sa Stanford University Main Campus, "The Undefeated" Ang awkward lang kanina kasi.. Flashback.. "Our grand champion for dance competition from the highest section, our very own, "The Undefeated!" "Waaaaaahh!" sigaw ng mga tao. Sabay-sabay naman kaming nag-akapan kanina ng mga ka-group ko, except kay Dave. Alam ko naman kung bakit siya umiiwas, e. Hays, nalulungkot talaga ako sa nangyari sa grupo namin. At heto pa, habang pinipicturan kami ng photographer hawak-hawak ang malaking trophy ay magkatabi kami no'ng Jasmine na 'yon. At ewan ko ba kun

