Geofferson's POV Oo na! Alam kong maraming nagagalit sa character ko pero hayaan ni'yo naman akong mai-kuwento ang lahat kung bakit ganito ako. Ako lang naman si Geofferson Carl Prieto, mula sa angkan ng mga Prieto, na kilalang malakas na sindikato ang Daddy ko. Yes, aminado ako ro'n, dahil simula bata pa lamang ako ay nasanay na lang ako sa hindi makatarungang pinaggagawa niya habang si Mommy naman ay nasa ibang bansa at nagsasakripisyo ay sinasamantala lang iyon ng Daddy ko, pero no choice ako kundi sundin ang kagustuhan niya. Pero dahil sa kaniya ay hindi ko inaasahang mai-inlove ako sa isang taong kahit kailan ay imposibleng mamahalin din ako. Flashback.. "I give you all what you want and promise me that you will never tell it to your mom," tugon ni Dad habang humihithit siya ng s

