Sandali ko pa siyang tinitigan.. subalit agad din na napawi ang lungkot sa kaniyang mukha. Parang ibang Hanna Melendez ang nakita ko kanina, hindi kagaya nang nakasanayan ko. Hindi ko lubos akalain na magagawa niyang umiyak sa akin. Nagmadali siyang tumayo upang kuhain ang kaniyang shoulder bag at saka matipid na ngumiti sa akin, doo'y halos matameme ako sa huling sinabi niya. "Kalimutan mo na kung ano 'yong nasabi ko, tanggap ko naman na kahit kailan ay hindi mo ako magugustuhan." At saka siya tuluyang tumalikod papalayo sa akin. Hindi ko alam pero sa mga oras na 'to ay nakakaramdam ako ng awa at disappointment. Awa para kay Hanna at disappointment para sa sarili ko. Awa, dahil kahit minsan ay hindi ko magawang suklian ang pagmamahal niya, disappointment, dahil feeling ko wala akong kay

