Jasmine's POV Social Night Hanggang sa ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang mga salitang sinabi ni Travis kahapon, parang may kakaibang idinulot iyon sa akin at hindi ko maintindihan. Tanghali na nang magising ako kaya naman ako na lang ang mag-isang kakain ng almusal. "Good morning, anak!" masiglang bati ni Mama. "Good morning din, ma." Agad kong kinuha ang pagkain sa lamesa dahil gutom na ako. Nagutom ako sa pagtulog! "Hindi ka naman gutom niyan." Natawa na lang kami pareho ni Mama at habang kumakain ako ay napalingon ako sa sinabi niya, "Bilisan mo riyan at aalis tayo." Natigilan ako. "Bakit naman, ma? Hindi ba pwedeng--" "Kaya nga aalis tayo dahil ipapa-make over kita sa friend ko sa salon." "Pero, ma.. kahit hindi naman bongga ang maging ayos ko ay okay na, e." "Anak, iba pa

