Hindi ko man lang namalayan ang kaniyang pagdating. Hindi ito ang unang pagkakataon na makikita ko siya ng malapitan pero bakit parang kinakabahan ako? Sandali ko pang pinakalma ang sarili ko pero bigo ako dahil tuluyan na siyang nakalapit sa akin. "Jasmine." "Travis," ganti ko rin sagot. "Handa ka na ba?" Napasinghap na muna ako bago pa man magsalita, "Ah! O-oo," nauutal na sagot ko subalit binigyan niya lang ako ng isang nakakalokong ngiti. "E, bakit parang kinakabahan ka?" His eyes are obviously telling sarcastic look and suddenly laughs at me. Trip niya ba ako? "Mukhang tinotoo mo talaga ang sinabi kong magpaganda ka ngayon ah," sabi niya habang inaayos ang kuwelyo ng kaniyang polo. Saglit ko siyang nilingon pero mukhang seryoso na siya ngayon. "Alam mo, bakit hindi mo na lang s

