Chapter 10

1258 Words
Jasmine's POV "Jas, paano nga ulit 'yong third step?" bungad sa akin ni Vernice habang nagre-review ako sa Math subject, may long quiz daw kasi kami 'ron. "Mamaya na lang sa mapeh subject, Vern, nagre-review ako, e," seryoso kong sagot kaya napabuntong hininga siya. "I'm sorry, hirap lang talaga ako pumick-up ng step, e.." sagot niya na hindi ko naman nasagot dahil nagsalita si Keith. "Hay naku, Vern 'wag na natin istorbohin si Jas, baka mawalan pa siya ng scholar!" Loko talaga 'tong nerd na 'to. Pero may punto rin siya, kung hindi ako magsisipag sa pag-aaral ay baka matanggalan ako ng scholarship at hindi na makapasok pa rito. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahilan para matawa siya ng malakas. "Ikaw naman, girl, hindi ka mabiro!" natatawang aniya. "Mag-review na nga lang din kayo.." sabi ko kasabay nang pagtakip ko ng libro sa mukha para hindi na nila ito makita. Isang malakas na tawa ang pinakawala nila. Mabuti na lang at wala pa si Ma'am Dianne. Subalit nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang biglang may nag-alis ng libro sa harapan ko at bumungad sa akin ang napakaseryoso niyang mukha. "Ano na naman bang problema mo?!" inis kong sabi. "Jasmine Kylie Llaneta," malamig niyang banggit sa pangalan ko. Pumantay siya sa pagkakaupo ko. "You don't even told me na hindi pa alam nila Hanna ang buong sayaw." Halos magpantig ang tainga ko sa inis. "Ano? Tinuruan ko sila, ah! Imposible naman 'yon," pangangatwiran ko at sandali ko pang nilingon ang grupo nila Hanna na tinutukoy niya. Nakataas ang kilay nila sa akin habang pinakikinggan kami. "Kilala ko si Hanna! Hindi siya nagsisinungaling," sabi pa niya dahilan para mapuno ako. Tumayo ako at pinag-crossed ang dalawang braso ko. Saglit ko ulit na nilingon sina Hanna, Laarni at Sabrina. "Akala ko ba ang totoong dancer ay madaling maka-pick up ng steps?" sabi ko sa kawalan at muli kong nilingon si Travis. "Alam mo, Travis, kung hindi ka naniniwala sa akin, fine! Basta ako, ginagawa ko ang responsibilidad ko!" Halos matameme siya sa sinabi ko habang ang ibang kaklase ko naman ay nakangiti sa sinabi ko. Pagkasabi ko 'non ay siya naman dating nina Dave, Geofferson at Topher. "Hey, bro, what's happening here?" pagtatakang tanong ni Dave subalit imbes na sumagot si Travis ay napailing lang siya. Nilampasan niya ako saka umupo sa upuan niya na nasa likuran ko habang nginitian naman ako ni Topher, for the first time. "Relax lang, Jas," ani Vernice nang makaupo ako. "Sungit mo ngayon, girl ah? Meron ka, 'no?" pilyong sabi ni Keith. Napangiti na lang ako sa sinabi nila kahit sobrang naiinis ako sa grupo nila Hanna. Nang dumating ang lunch break ay magkakasabay kaming apat nina Keith, Vern at Anthony na nagpunta sa canteen. Sa bandang sulok kami naupo subalit, hindi sinasadya na maririnig namin ang ilang bulungan ng mga estudyante. "Weee? Seryoso?" "Siya ba 'yon? Mukha naman siyang walang talent, e!" Nagpaulan pa sila ng malakas na tawa. Pero mayroon din naman akong narinig na masarap pakinggan. "Uy, hindi kaya, basta idol ko na siya!" sabi pa ng isa at sandali pa siyang sumulyap sa akin. Sabi ko na nga ba at ako ang pinag-uusapan nila, mukhang kailangan ko nang masanay dahil parte na talaga ako ng Undeafeated. At mas lalong umingay sa buong canteen. "Wait! Nandito na sila!" kinikilig na sabi muli ng mga kababaihan. At pagkalingon ko sa direksyon nang pinagmamasdan nila ay halos matameme ako. Speaking of Undefeated. Iyong grupo ng Undefeated!!! Si Diago.. Nakatingin siya sa direksyon ko. "Uy, Jas!" tawag pansin sa akin ni Vern. "Nakatulala ka na naman diyan kay Papa Diago," dagdag pa ni Keith. Saglit pa akong uminom ng juice bago magsalita. "Masyado bang halata?" nahihiya kong tanong. Pero hindi ko na narinig ang sasabihin nila dahil nakarinig ako ng malakas na tilian. "Ang ingay!" pag-angal ko sa gitna ng mga bulungan at hiyawan na 'yon. Subalit hindi mawari ang reaksyon nina Keith, Anthony at Vern sa akin. Tila may inginunguso sila sa tagiliran ko. Saka ko lang napansin na may katabi na pala ako sa kabilang side ko. At pagkalingon ko.. Si Diago-- katabi ko na siya! Hindi maiwasang bumilis ang t***k ng puso ko sa kilig. Para akong na-istatwa sa kinauupuan ko at hindi ko na magawang ipagpatuloy pa ang pagkain. "Ah, eh--" natigilang sabi ni Keith. "P'wede ba akong maki-table sa inyo?" aniya dahilan para awtomatikong mapangiti ang labi ko. "Yes sure, Papa Diago!" kinikilig na sabi ni Keith. "Ahh, Diago.. si Vernice nga pala, best friend ko," pagpapakilala ko. "Hi!" bati naman ni Vern. "Hello," sagot ni Diago. "Si Anthony ang boyfriend ni Vernice at friend ko," pagpapatuloy ko. "Nice to meet you, pre," sabi ni Anthony. "Nice to meet you, too," sagot naman ni Diago. "At si Keith, friend ko rin." "Hi, Papa Diago!" kinikilig pa na tugon ni Keith. Sumilay ang ngiti ni Diago. "Hello, kamusta kayo?" "Okay na okay! Lalo na at nandiyan ka!" sabi ni Keith dahilan para sikuhin siya ni Vern. "Bakit?" "Daldal mo, e," sagot ni Vernice. Natawa na lang kami at saglit siyang napatingin kay Diago. "Ah Diago, pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan namin, ah." "Okay lang," nakangiting sagot ni Diago. Patuloy lang ako sa pagkain dahil gutom na gutom talaga ako subalit-- natigilan ako sa boses niya. "Baka mabulunan ka niyan," ani Diago dahilan para matigilan ako. "Ganyan talaga 'yan kapag mayro'n!" sabi pa ni Keith dahilan para mapalakas ang tawa ni Anthony. "Loko kayong dalawa, ah! Hindi ba p'wedeng gutom lang talaga si Jas?" pagtatanggol sa akin ni Vernice. Pero natigilan kami sa sinabi ni Diago. "Ang cute niya nga tingnan, e." Ewan ko ba pero parang nag-init ang pisngi ko at bigla na lang kaming napalingon sa boses ni Dave. "Diago! Hindi ka pa tapos?" Thank you, Dave, for always saving me. "Wait lang," sagot ni Diago at parang may kinuha siyang kung ano sa bulsa at inilabas ang cellphone niya. "Ah, Jasmine, can I get your number?" Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. "What??!" sabay na reaksyon nina Vern at Keith. Samantalang kumunot naman ang noo ni Dave sa sinabi ni Diago. "Please?" pamimilit pa ni Diago habang nagpapa-cute pa siya. Cute naman siya, e! "Ah, sure! No problem," nakangiting sagot ko. "Edi sana sa akin mo na lang hiningi, tara na, Diago! Late na tayo sa practice ng basketball," tila naiinis na sambit ni Dave. Naiinip na rin kasi siya maghintay, dahil sila Travis kasi ay umalis na. Pero hindi siya pinansin ni Diago at sa halip ay.. "Thank you, Jasmine, yes may number na ko sa'yo!" "Gaano ba ka-big deal sa'yo ang magka-number ni Jasmine?" kunot noong tanong na naman ni Dave. Hindi ko maiwasan mag-expect na may something 'yon kaya napangiti ako pero napawi ang ngiti ko nang iba ang naging reality sa naging expectation ko. "Shut up, Dave, don't you remember na ako ang leader ng dance group? So that I need to get her number just to update her regarding our dance group." "Okay, tara na kasi, lagot tayo kay couch niyan!" sabi pa ni Dave. "Umalis na nga kayong dalawa, baka rito pa kayo magsuntukan, e," natatawang sabi pa ni Keith. "Masyado ka naman kasing takot kay couch, Dave!" nakangisi pang sabi ni Diago bago pa sila tuluyang umalis. "Bye, Jasmine! See you later!" pahabol pa niya dahilan para mapakunot ang noo ko habang hindi ako nakaligtas sa tukso ng mga kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD