Travis POV
Ako si Travis Ivan Ybañez, o mas kilala sa pangalan na Travis. Sa US ako ipinanganak pero rito ako lumaki sa Pinas. Suplado ako-- oo, pero ewan ko ba at hinahabol-habol pa rin ako ng mga babae, except sa Jasmine na 'yon. Hindi ko talaga alam kung anong mayroon sa babaeng 'yon. Hindi ko talaga gusto na maka-partner siya sa sayaw. Sa totoo lang! Nakakainis kasing teacher na 'yon, pipili na lang ng makaka-partner ko ay 'yong Jasmine pa na 'yon! P'wede naman si Deborah o 'di kaya si Hanna na lang kahit na sobrang arte 'non!
Ang nakakainis pa? Siya pa 'yong napili ni Diago. Putek! Hindi ko pa rin talaga lubusang maisip kung bakit. Marami naman magagaling na nag-audition no'ng araw na 'yon, e.
Kasalukuyan kaming nagpa-practice sa subject ni Mister Diego. Napapailing na lang ako sa kagustuhan niya na dapat daw ay sayawin na muna namin dalawa ang nabuo namin na step. Pero infairness, maganda ang flow ng step na nabuo namin, pero naiinis pa rin talaga ako sa kaniya.
Now playing: [Love Me Like You Do by: Ellie Goulding]
Nang magsimula na ang tugtog ay kasabay rin ang paggalaw ng katawan namin..
?
You're the light, you're the night,
You're the color of my blood,
You're the cure, you're the pain,
You're the only thing I wanna touch..
Even knew that it could mean so much..
So much..
At nang magdikit ang mga katawan namin..
Shete, bakit ganito? Parang nag-slow motion ang buong paligid?
I can't help myself of gazing at her, her moves becomes sexy in my eyes..
At hindi ko alam kung bakit ko nasasabi 'to..
Dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko ay napakagat na lang ako sa labi habang patuloy kaming sumasayaw.
You're the fear, I don't care,
Cause I never ain't so hide,
Follow me, to the dark,
Let me take you by the satellite..
So love me like you do,
La-la love me like you do,
Touch me like you do,
Ta-ta- touch me like you do..
What are you waiting for..
Hindi ko maiwasan na pagmasdan siya, at nang magtama ang mga mata namin ay parang may kakaiba akong naramdaman. Parang mina-magnet ang mga mata ko at tila hindi na maalis ang tingin ko sa kaniya.
Nabalik ako sa realidad nang marinig ang malakas na palakpakan nilang lahat, dahil natapos na pala kaming sumayaw. At medyo nailang ako nang maalala na nandito nga pala kami sa gymnasium, kaya hindi na ako magtataka na may ilan akong narinig na bulungan.
"Grabe! Bagay pala sila!"
Bulag ba sila?
"Ang galing! Parang pang-grand finals na! Yieee!"
Ow?
"Isa pa please!"
Sige, kayo rito!
Subalit natigilan kami sa paglapit ni Mister Diego na napapapalakpak ng mahina habang papalapit sa amin.
"What a great performance, Mr. Ybañez & Ms. Llaneta, you made me proud!" nakangiti niyang sabi. "O, siya, ituro ni'yo na ang step sa kanila." Sandali niya pa kaming binalikan ng tingin at hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. "Iyong ganoon ulit, ah?"
Napakamot na lang ako sa may batok ng wala sa oras. Ano bang ginawa namin? Sumayaw lang naman kami, ah?
Samantala ay napatingin naman ako sa direksyon nina Dave, Geofferson at Topher. Naka-thumbs up lang sila sa akin habang nakangiti.
Anong nangyari sa mga 'yon?
Don't tell me, nagustuhan nila ang performance namin?
Napahakipkip ako habang iniisip ang nangyari kanina at sandali ko pang nilingon ang ka-partner ko na nakasimangot. Gusto ko sanang matawa rito ang kaso.. baka kung ano'ng isipin niya.
"Sa tingin mo okay na ang step natin?" tanong ko dahilan para mapalingon naman siya sa akin na halatang nagulat sa tanong ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit kinakausap ko siya pagkatapos nang hindi namin magandang unang pagkikita. Pero sa totoo lang, ay matapos ang performance na 'yon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"H-ha?"
"Sabi ko nga oo, e." Napasinghap ako sa hangin. Lutang ba siya?
Pero hindi ko pa rin talaga makalimutan ang pagtama ng mga mata namin kanina, e. Ano ba 'yon? Don't tell me, may gusto na ako sa kaniya? She's not my type.
"Aray!" sigaw ko dahil nabigla ako sa papel na lumipad sa ulo ko. Pagkalingon ko ay 'yong tatlo pa lang kumag kong kaibigan ang may kagagawan. Nilukot ko ang papel at ibinato iyon pabalik sa kanila.
"Akala ni'yo, ah?" natatawang sabi ko.
Subalit bigla kong napansin na nawala na sa tabi ko si Jasmine at kasalukuyan niyang itinuturo ang step sa mga babae.
Putek. Makatulong na nga, baka mapagalitan pa ako ng teacher namin.
"O, nandiyan na pala si Travis, e, Travis, partner-an mo na nga si Jasmine at nang makita namin ang tamang paggalaw," bungad ni Sonia. Ibang-iba talaga 'to sa kapatid niyang si Laarni, e. Napakahinhin magsalita.
"Oo nga, sige na, Papa Travis!" sabi naman ni Keith.
Napanguso na lang ako at hinarap si Jasmine. "Sige na," sabi ko. Seriously, after nang pagsayaw namin kanina ay medyo nailang na akong tumingin sa kaniya.
Nagsimula na ulit tumunog ang tugtog. Sumabay pa talaga 'yong music na 'yan, e.
Doo'y nagsimula na naman gumalaw ang katawan namin kasabay nito ang pagbilang na siya naman sinunod ng lahat. Nasa kalagitnaan na kami nang pagsasayaw at dama ko na ang butil ng pawis na tumutulo sa katawan ko nang biglang.. "Umayos ka nga, Hanna!" narinig kong pag-angal ni Topher.
"Why? As if naman na gusto kitang ka-partner 'no!" nakapamewang pang sabi ni Hanna.
"Hey! Magpa-practice pa ba kayo o magbabangayan na lang kayo, riyan?" sabi ko dahilan para matahimik sila.
Nakakainis, napapagod na nga ako kakaturo, e.
"Hayaan mo na sila," sabi ni Jasmine kaya natigilan ako sa sinabi niya.
Nagpatuloy kami sa pagtuturo hanggang sa matapos ang time ng Mapeh subject.
Nagpunta na muna ako sa cafeteria upang mag-relax. Masyadong napagod ang katawan ko sa kakaturo. Mas mahirap talagang magturo kaysa sa ikaw ang tinuturuan. Ininom ko ang chocolate shake na binili ko at habang naglalakad ay nakasalubong ko si Diago.
"Hey, man! Kamusta?" bungad niya sa akin.
"Okay lang, man! Heto, pagod. Ikaw?"
Man ang tawagan namin since second year high school, dahil close din naman kami.
Napangisi siya at tila binigyan ng kakaibang kahulugan ang sinabi ko. "Pagod saan?"
"Saan pa ba, man, edi sa pag-aaral!" pilosopo kong sagot.
"Angas mo talaga, man, parang nagbago ka na, ah? Nga pala bukas may practice tayo, ah?"
"Sige man, ako pa ba mawala sa rehearsal?"
"Angas. Nga pala pahingi ako ng number ni Jasmine," aniya dahilan para muntikan ko nang maibuga ang iniinom kong shake.
"Teka-- Jasmine? Iyong classmate ko?"
Napataas ang kilay niya. "Definitely, yes? May iba pa bang Jasmine na ka-grupo natin?"
Napangisi ako. "Bakit mo hinihingi? Isa pa, wala akong number 'non.. kay Dave mo hingiin."
"Ah.. ganoon ba? Sige, man, una na ako. Kitakits tomorrow!" nakangiti niyang sabi.
"Sige, man!"
Habang papalayo siya sa akin ay hindi ko lubos maisip na sobrang bilis ng pangyayari. Kailanma'y hindi ko inaasahan na magiging parte ng dance group namin si Jasmine.. at ngayon, mukhang siya pa ang nagiging center of attraction dahil kay Diago.
Ano ba ang nakita niya sa babaeng 'yon at bakit kailangan pa niyang hingiin ang number?