CHAPTER 2

4184 Words
SALVI DEL FABIAN She pressed the code and the door opened. She went inside her home, her haven. "I'm home, Manang Ysay," tawag niya sa kanyang nanny. Simula bata pa siya ay ito na ang nag-aalaga sa kanya. Tinuring niya ito na tunay na ina. Nagmulat siya na walang inang nag-aaruga sa kanya. Kung 'di si Manang lang ang naging pangalawang ina niya. Kumunot ang noo niya ng walang Manang ang sumalubong sa kanya. Kumibit-balikat na lang siya, baka natutulog pa ito ng ganitong oras. Nilagay niya ang kanyang coat sa wooden hanger stand bago siya nagtungo sa sala. Nakita niya si Manang na nakatalikod sa direksyon niya. "What time is it?" Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ang lalaking matagal na niyang tinakasan. Napaatras siya dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan na makikita niya ulit ito. Bakit nito alam kung saan siya nakatira? "What are you doing here? Bakit mo alam na nandito ako sa Pilipinas?" He smirked at her and raised his brows. "Don't you know I have plenty of connections here in the Philippines?" Tumayo ito at naglalakad ito papalapit sa direksyon niya. Napaatras siya nang makita ang nakangising demonyo. Kinakabahan siya kung ano ang gagawin nito. "Are you afraid of me?" nakangising tanong nito sa kanya. "Why are you afraid? I am your husband." "Klaruhin ko, ex-husband. We are already divorced." Natawa ito sa sinabi niya. "Really? As far as I know, you are indeed mine, my beautiful wife." Sumingkit ang mga mata niya at masamang tinitigan ito. "Leave!" He fake a gasped. "I'm hurt, wife." Napahawak ito sa dibdib, kunwaring nasasaktan ito sa sinabi niya. "Wala ka bang welcome hug man lang? Pinaalis mo kaagad mo." Inuubos talaga nito ang pasensiya niya. "I am not your wife anymore, Cristobal!" Tumigas ang ekspresyon nito at ilang hakbang ay nasa kanyang harapan na niya ang dating asawa. “Diba sinabi ko sa’yo na ako lang ang magsasabing tapos na tayo!” mariin nitong pagkakasabi sa kanya. Napasinghap siya nang hinawakan nito ng mariin ang kanyang baba. “I’m still your husband, Salvi. Kahit divorce na tayo ay akin ka pa rin.” Nanlalaki ang kanyang mga matang napatitig sa dati niyang asawa. “Ang kapal talaga ng pagmumukha mo, Cristobal. Simula’t-simula pa lang, hindi mo ako pag-aari,” napatiimbagang niyang sabi kay Cristobal. Hindi talaga siya nito titigilan. Talaga nga namang gusto nitong guluhin na naman ang tahimik niyang buhay. Umangat ang gilid ng labi nito. “My wife, diba sabi ko sa’yo akin ka lang? Hindi kita papakawalan dahil pag-aari kita.” She gritted her teeth at marahas na tinanggal ang pagkakahawak nito sa kanya. “Matagal ko ng pinutol ang ugnayan natin, Cristobal. Kaya umalis ka na sa pamamahay ko bago ako magtawag ng pulis.” Pagak itong natawa sa sinabi niya at isang iglap lang ay sinakal siya nito. Napasinghap siya at napahawak sa kamay nitong nasa leeg niya. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakasakal nito sa kanya. “C-Cristobal, a-ano b-ba pakawalan mo a-ako!” nahihirapang pagkakasabi niya at kinakapos siya sa paghinga dahil sa pagkakasakal nito sa kanya. “Cristobal, tumigil ka na! Umalis ka na sa pamamahay ng alaga ko!” Pati si Manang ay hinihila nito ang brasi ni Cristobal, pero hindi siya nito binitawan. Mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya. “C-Cristobal, l-let m-me g-go,” naluluhang aniya. “Cristobal, pakawalan mo siya!” naiiyak na sabi ni Manang pero wala itong narinig. “M-Manang!” nanlalaki ang kanyang mga mata nang makitang itinulak ni Cristobal si Manang kaya ito’y natumba. “Huwag mo akong subukan, Manang. Huwag kang makisali sa away mag-asawa!” Naiiyak na nakatitig sa kanya si Manang. Kahit na nahihirapan ito sa pagtayo ay kinaya pa rin nitong lumapit sa kanya. Naluluhang pinagmasdan niya si Manang. Umiling siya rito para pigilan itong lumapit sa kanya. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakasakal nito, pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya. “C-Cristobal…” napaubo siya at naghahabol ang hiningang pinakawalan siya nito. “Y-you never changed!" sinamaan niya ito nang tingin. He chuckled mischievously. “Why should I? If you always provoke me, don’t expect me to sit down, my dear wife. I am your one and only husband, no one can replace that. If they try, I will behead them.” Napahaplos siya sa kanyang braso dahil sa nakaramdam siya ng kilabot sa pagkakasabi nito sa kanya. Hindi nito pwedeng malaman na may ibang lalaki siyang mahal baka mapatay nito ang lalaking mahal niya. Umalis na ito at hindi na lumingon sa kanya. Tinulungan siyang makatayo dahil walang lakas ang kanyang paa dahil sa takot na nararamdaman niya ngayon. Nanghihinang umupo siya sa couch at napasapo sa kanyang ulo. Niyakap siya ni Manang ng mahigpit. Humiwalay siya sa pagkakayakap ni Manang. Nakita niya sa mga mata nito ang takot at awa sa kanya. Kahit anong gawin niya ay sobrang kaba talaga ang nararamdaman niya. Humugot siya ng malalim na hininga, hindi pwedeng makaramdam siya ng takot. Dapat labanan niya ang kanyang takot sa ex-husband niya. Ramdam niya ang panginginig sa kanyang katawan. “Manang, hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng tulong. Kahit anong gawin kong pagtatago, nahahanap pa rin niya ako. Natatakot ako, Manang baka babalik na naman ako sa impyernong mundo.” Umiiling ito at pinunasan nito ang kanyang luha. Naalala na naman niya ang nangyayari noon. Simula ng ipakilala siya ng kanyang ama kay Cristobal ay doon na nagsimula ang kalbaryo ng buhay niya. *** 8 YEARS AGO Papauwi pa lang si Salvi sa bahay galing sa trabaho niya ay agad siyang pumasok sa pamamahay nila. Naglalakad siya patungo sa sala at bumati sa kanyang ama nang makitang nasa sala ito. “Good evening, Papa!” Kumunot ang noo niya nang mapansin ang lalaking kasama nito at may dalawang tauhan na nagbabantay sa bisita. Kumibit-balikat na lang siya at nagtungo na sa itaas para magbihis ng damit at makapagpahinga. Akmang aakyat na sana siya ng bigla siya nitong tinawag. “Salvi, come here!” Kahit na nagtataka siya kung bakit siya pinalapit ay lumapit siya rito. “Why, Papa?” “Salvi, this is Mr. Cristobal Garcia, my business partner. Mr. Garcia, this is my one and only daughter, Salvi.” Doon siya napatingin sa lalaking mariin na nakatitig sa kanya. Nang makitang nakatingin siya rito ay bigla itong ngumiti sa kanya. “Hi, Salvi. It’s nice to meet the beautiful daughter of Mr. Del Fabian.” Napatitig siya sa kamay nitong nakalahad sa harapan niya. Tinanggap niya iyon at nakipagkamay siya rito. Bastos naman kung hindi niya iyon tinanggap. Sa totoo lang, iba ang pakiramdam niya sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Para bang delikado itong makasalamuha. Pasimple niyang hinila ang kanyang kamay ng hinaplos nito iyon. She wants to leave immediately. She doesn’t want the atmosphere to be with him. It’s too dangerous to hang out or to be this man. Based on his aura, she knew something fishy behind his smile. “I need to go now, Papa.” “Bakit ka nagmamadaling umalis, Salvi? It so rude if you don’t want to join us or should I say to talk to him.” Umiling siya rito. “No, Papa. I don’t have any business to join the two of you. It sounds rude, but I don’t feel like talking to someone right now.” Hindi na niya hinintay na magsalita ito. Tinalikuran niya ang dalawa at naglakad na patungo sa taas para makapagpahinga na rin. “Hija, you want something to eat?” “No, thanks. I want to sleep early so I will wake up by 5 in the morning to go to a Park, Papa.” Kumunot ang noo nito. “Are you sure? You don’t want to join us?” “No.” Iniwan na niya ang mga ito at tinuloy na ang pag-akyat sa itaas. She doesn’t want to stay with them because the way that guy looked at her gives her chills. Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo. Bakit ba niya iniisip ang lalaking bisita ni Papa? Makapagbihis na nga para makapagpahinga na siya. Gigising pa siya ng umaga bukas. Kinabukasan ay agad siyang nagtungo sa park para makapag-ehersisyo. Kumunot ang noo niya nang makitang may isang sasakyan nakasunod sa kanya kaya binilisan niya ang pagtakbo patungo sa park. Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita niyang tumigil ang kotse kaya kumibit-balikat na lang siya. Magsisimula na sana siyang tumakbo ng may tumawag sa atensyon niya. “Ms. Del Fabian.” Napalingon siya nang may tumawag sa kanya. Kumunot ang noo niya nang makita niya ang bisita ni Papa kagabi. Bakit nandito ito ngayong oras na ito? Takang tanong ng kanyang isipan. “Why are you here?” “I came early because I want to see your beautiful face.” He smiled at her. Tinaasan lang niya ito ng kilay. “Here.” Tinanggap niya ang binigay nitong pulang bulaklak. “Thanks, hindi ka sana mag-abala pa.” He chuckled at her response. "I just want to give that to you because I am interested in you, Salvi." "Ah okay." She smiled awkwardly. "It's so fast to like me, Mr. Garcia. Sorry to say this I am not interested in you." Tinalikuran na niya ito at nagsimula nang tumakbo. Nang malayo-layo na ay agad siyang nagtungo sa basurahan para itapon ang bulaklak na ibinigay nito. Ayaw niya sa lalaki dahil sa tingin niya'y may hindi kaaya-aya ang ugali nito. Ang akala niya ng mapagsabihan niya itong hindi gusto ay titigil na ito, pero mali siya ng inaakala. Umulit na naman ang pagbisita nito sa bahay niya na nagpainis sa kanya. Sinabi na ngang tumigil na ito, pero hindi pa rin siya nito tinitigilan. Lumapit siya sa kanyang ama. Kararating lang kasi niya galing sa opisina at sobrang nakaramdam siya ng pagod. Napakunot ang noo niya nang makita nito ang malaking problema. "Papa, bakit palagi na lang bumibisita si Mr. Garcia sa pamamahay natin?" "Salvi! Huwag kang maging bastos sa bisita natin." Nagulantang siya sa pagsigaw nito sa kanya. Ngayon lang siya sinigawan ng ama kaya nagulat siya sa inasta nito. "Papa, why are you being like that?" "Nandito siya para tumulong sa negosyo natin kaya huwag kang bastos. So, please I'm begging you, huwag mong pasakitin ang ulo ko. Nakadagdag ka lang sa problema." Napakurap siya at hindi makapaniwala sa narinig mula sa ama. "Mr. Del Fabian…" sumingit sa kanila si Mr. Garcia. "I will help you, in one condition." Napabaling ang atensyon ni Papa rito. "What is it?" ''If you allow me to marry your daughter, Salvi. Ibibigay ko sa'yo lahat ng kailangan mo at magiging maayos ang takbo ng negosyo mo." Napaawang ang kanyang bibig sa offer nito sa kanyang ama. Pero nahimasmasan din siya kaagad. "What! Hindi ako makakapayag na ikakasal ako sa'yo." "Why not? You don't want to help your father? It's okay with you that your business will go bankrupt?" Napatiimbagang siya sa narinig mula rito. Bumaling siya sa kanyang ama na napasapo sa ulo nito at problemadong-problemado. "Papa, I don't want to marry him," pagmamakaawang aniya. "It's up to you, Mr. Del Fabian. Kung Hindi ka papayag, hindi ako tutulong sa'yo." "Wala bang ibang condition para matulungan mo ako, Mr. Garcia?" Umiling si Mr. Garcia kay Papa. Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Pati siya ay problemado rin dahil sa ama niya. "That's my condition, Mr. Del Fabian. Wala ng ibang option. If you don't want, it's okay, don't expect me to help you. After all, marami na akong naitulong sa negosyo mo. Hindi naman pwedeng bigay nang bigay. Remember, business is business. Wala ng libre sa mundo." Ginigipit talaga nito ang ama niya. Ito na talaga ang ayaw niya na ikasal siya sa taong ayaw niya. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Sa totoo lang napaka-imposible talaga ang sitwasyon niya ngayon. May nilihim ba ang ama niya kaya naging ganito ang negosyo na matagal na pinaghihirapan ng ina niya? Sa isang iglap lang ay naging ganito ang kahihinatnan ng negosyong inilaan ng pawis, isip at pagod ng ina niya? Hindi siya makapaniwala na bumagsak ang negosyo nila. “Pa, ano ba ang nangyayari? Bakit naging ganito ang lahat?” “Anak, tinakbo ang lahat ng pera ng isa sa business partner ko.” Napahugot siya ng hininga at napalakad-lakad. Sumasakit ang ulo niya dahil sa ganitong sitwasyon. “Anak…” Napatingin siya rito. Naaawa siya sa ama, pero siya naman ang kawawa kung ipapakasal sa taong hindi niya mahal. “Please, help me just this once.” “Papa…” Lumapit ito sa kanya at hinawakan nito ang kanyang kamay. Puno ng pagmamakaawa ang tono ng boses nito. Naluluha siyang nakatitig sa ama. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya at kung paano niya ito matutulungan. Ayaw niyang isukop ang kalayaan niya. Ayaw niyang maikasal sa taong alam niyang magiging problema. Hindi niya gustong maikasal sa hindi niya mahal. “Papa, paano ang kalayaan ko? Hindi ko gustong maikasal sa kanya. “Salvi, help me to solve this problem.” Napasapo siya sa kanyang noo. “Papa…” Iyon lang ang nasabi niya sa ama, Hindi na niya alam kung ano pa ang idugtong niya. Alam niyang pipilitin siya ng ama na magpakasal sa lalaking kasama nila ngayon. “Mr. Del Fabian, I don’t have any option. If your daughter doesn’t want to marry me, the help I was offering is done. I don’t want to help you anymore.” Nakakuyom ang kamao niya sa kaharap. “I will never marry you.” Iniwan niya ang dalawa at papaakyat pa lang siya sa hagdanan ay nagsigawan ang mga kasambahay. “Sir Del Fabian!” Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang marinig iyon. Paglingon niya, nakita niyang nakahandusay ang kanyang ama sa sahig. “Papa!” Dali-daling bumaba siya at tumakbo papalapit sa ama. Dinaluhan niya ito at tinapik niya ang pisngi ng ama, pero wala ang atensyon ng ama niya sa kanya. Napahawak ito sa dibdib nito at nahihirapan sa paghinga. “What the hell are you doing?! Just call the ambulance!” sigaw niya sa mga kasambahay. “No need to shout, Salvi. I’ll already call the ambulance,” mahinahong saad ni Mr. Garcia sa kanya. Hindi siya tumugon rito, bagkus ay hinawakan niya ang kamay ni Ama. “Papa, don’t leave me,” pagmamakaawa niya sa kanyang ama. Ayaw niyang mawala sa kanya ang kanyang Ama. Gusto niya pang makasama pa ito at ayaw niyang maranasan ulit ang mawalan ng mahal sa buhay. Baka hindi na niya iyon kakayanin. Hanggang sa dumating ang ambulansya ay agad na pinasakay ang ama at sumunod din siya rito. Humawak siya sa kamay nito para maramdaman nitong nandito lang siya sa tabi nito. “A-anak…” nahihirapan nitong tawag pansin sa kanya. “Papa!” naiiyak niyang tugon sa ama. “Please, help me, Salvi.” Walang pagdadalawang-isip ay tumango siya rito. Ang sagot na alam niyang wala na siyang kawala. “Yes, Papa. I will marry, Mr. Garcia.” Kahit mabigat sa loob niya ay ginawa na lang para sa ama niya. The day she doesn’t want to happen ay nangyari na nga talaga. Ang kasal nila ni Mr. Garcia. Nandito sila sa silid ng Mayor, it was a civil wedding. Gusto ng lalaki na engrande ang kasal, pero umayaw siya. Nagpakasal lang sila dahil kailangan. Their wedding it’s called marriage for convenience. Mabilis lang ang nangyari ang kasal nila ni Mr. Garcia, siguro kalahating oras tapos na. Pagkatapos ng kasal nila ay dumiretso sila sa bahay nito. “You want something to eat?” tanong nito sa kanya. Hindi siya lumingon rito bagkus ay tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya sa loob ng bahay. “No, I want to rest. Where’s my room?” “You will sleep with me, Salvi.” “What?” gulat niyang tanong rito. He chuckled at her reaction. “Yes, we sleep together. What do you expect? We sleep in a separate room?” Napatiimbagang siya sa sinabi nito. “No, I don’t want to be with you.” He gritted his teeth and his knuckles turned into balls. He seriously looked at her eyes. Nilabanan niya ang pagtitig nito sa kanya, but after a few minutes he gave up. “Okay, you can sleep in a separate room. You are free to choose.” She left and no words to say. She doesn’t want to talk to him. Wala naman siyang ganang makipag-usap rito. Napabalik siya sa kasalukuyan nang magsalita si Manang. “Okay ka lang ba, Salvi?” Nahahapong umupo siya sa upuan sa sala. “Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin, Manang.” Napatingin siya sa cellphone niyang tumutunog. Nakita niyang tumatawag sa kanya si Sebastian. Tinitigan lang niya ito at wala siyang balak na sagutin ang tawag ni Sebastian. Ayaw niyang maramdaman nito na may problema siya at ayaw niyang makadagdag ng problema rito. Sapat na sa kanya na kasama niya ito. Ayaw niyang idamay sa problema si Sebastian. Napabuntong-hininga siya at napasandal sa kanyang upuan. Natulalang napatitig siya sa kawalan. Akala niya magiging tahimik na ang buhay niya, iyon naman pala'y babalik siya sa buhay impyerno. "Salvo, kung gusto mo doon ka muna kay Sebastian para makapagpahinga ka ng maayos. Huwag mo munang isipin si Cristobal." Napaisip siya sa sinabi nito. Siguro, mas mabuti na munang lumayo muna siya rito sa condominium. Baka bukas babalik na naman si Cristobal para guluhin siya. Nang makarating siya sa parking ay agad niyang pinatunog ang sasakyan at pumasok na siya sa loob. Bago siya pumunta kay Sebastian, bibili muna siya ng mga kagamitan sa bahay ni Tita Leana, Ina ni Sebastian. Bibili rin siya ng pagkain sa mga ito dahil alam niyang nauubos na ang pinamili niya noong nakaraang buwan. Every month, mag-grocery siya para sa pamilya ni Sebastian. Bibili ng kung anong kailangan nila. Hindi naman sa nagpapa-good shots siya sa mga ito. Gusto lang niyang makatulong sa binata para maibsan ang mga gastusin ng nobya niya. She’s driving her car to the supermarket but she stopped at a red light. Mga ilang minutong paghihintay, nakita niyang naging green ang lights. She pressed the accelerator gently and steered carefully into the road. Narinig niyang tumunog ang kanyang phone, pero hinayaan lang niya iyon. Mamaya na niya titingnan kung sino ang tumawag dahil nagmamaneho pa siya. Napatugtog na lang siya sa loob ng kotse. She wants to unwind to get away from stress. She smiled, after a few minutes of driving ay nakarating din siya sa patutunguhan niya. Bukal sa loob niyang gumastos para sa pangalawang pamilya at iyon ay ang pamilya ni Sebastian. Sobra kasing bait at itinuring siyang anak ng mga magulang nito at sobrang saya niya na may pamilya siya rito sa Pilipinas. Pinasok niya ang kanyang sasakyan papasok sa sariling parking lot. Nang makahanap siya ng space para sa kotse niya ay naghintay muna siya ng ilang minuto bago siya lumabas ng sasakyan. Nagtungo siya sa loob ng supermarket at kumuha ng cart para doon niya ilalagay ang mga binibili niya. Kung ano ang makita at natipuhan niya para sa pamilya ni Sebastian ay agad niyang kukunin. Pinili niya ang mga magagandang quality at healthy foods for them. Ini-spoiled ba niya ang pamilya ni Sebastian? Siguro, dahil gusto naman niyang mapabuti ang kalagayan ng buong pamilya nito. Ang pamilya ni Sebastian ay pamilya niya rin. Nang matapos siyang makabili ng kailangan ay agad siyang tumungo sa parking lot kasama ang dalawang staff ng supermarket. Tinutulak ng isang staff ang cart at sumunod ito sa kanya. Nang papalapit na siya sa kanyang sasakyan ay binuksan niya ang likuran para ilagay ang mga binili niya. Pagbukas pa lamang ng pintuan ng driver seat ay may tumatawag sa cellphone niya. Napasapo siya sa kanyang noo nang makitang 15 calls kay Sebastian. Sinagot niya ito, napangisi siya nang marinig niya ang nag-alalang boses nito. Ang cute talaga ng boyfriend niya. “You’re so cute, Sebastian,” natatawang sabi niya rito, pero ang nobyo ay napa-tsked lang sa sinabi niya. “Saan ka ba? Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo, pero walang sumasagot,” nagrereklamong saad nito. Alam niyang nakasimangot na ito sa kabilang linya. “Relax ka lang. Nandito ako sa supermarket para bilhan ng mga kailangan sa pamilya mo. Saan ka ba?” Rinig niya ang paghugot ng hininga nito sa kabilang linya. “Kakauwi ko lang galing sa eskwelahan. Diba sinabi ko na sa’yo na huwag kang bumili para sa pamilya ko? Responsibilidad ko iyon, Salvi. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” Ito na naman sila, sisitahin na naman siya dahil sa bumibili siya sa pamilya nito. “Anong masama kung binibilhan ko sila? Para naman iyan sa’yo, Sebastian. Gusto kong mabawasan ang gastusin mo. Gusto ko kasing focus ka sa pag-aaral mo. Nagtatrabaho ka nga para pantustos sa pag-aaral mo, pero kulang pa rin iyon.” “Kaya nga doble na ang trabaho ko para maging sapat sa pangangailangan ko at sa pamilya ko. Ayokong gumastos ka para sa akin.” Napabuntong-hininga siya at hindi na lang umimik pa. Pinatayan na niya ito ng tawag. Nang matapos ng ilagay ang mga pinamili niya ay agad siyang pumasok sa kotse at pinaandar ito. Binilisan niya ang pagmamaneho para makarating siya sa pamamahay ng binata. Ayaw niya munang isipin kung ano ang sasabihin nito kapag makita ang mga pinili niya. Bahala na. Mga ilang minutong pagmamaneho ay agad siyang huminto sa eskinita malapit lang sa pamamahay ni Sebastian. Nang makita siya ng mga tambay sa lugar ay nilapitan siya ng mga ito para tulungan siya sa mga pinamili niya. Naging malapit na kasi ang loob niya sa mga kapitbahay ng binata dahil sa palagi siyang narito at mabait ang mga tao ang nandito. She always came here because of Sebastian’s mother. Para na kasi niyang ina ito dahil katulad na katulad ang ugali nito sa kanyang tunay na ina. She sighed. She missed her mother but she’s already dead and about her father, hindi niya pa ito natatawagan simula noong nakaraang buwan. Natatakot kasi siyang makausap ito dahil alam niyang malalaman nito kung saan siya. Nalaman kasi niyang kababalik lang ni Cristobal sa Amerika. Ilang taon kasi itong nakulong dahil sa pagmamalupit sa kanya at nakalaya rin. Alam niyang binantaan ni Cristobal ang ama niya. Kaya nagmamakaawa siyang papuntahin ito sa lugar kung saan siya, pero ayaw nitong maiwan ang negosyo. Kahit gugustuhin niya itong makasama, kung ang ama niya naman ayaw pumayag ay hindi siya mapapalagay. Kinausap niya ang kaibigan niyang si Tasha na bantayan muna ang ama niya dahil wala siya sa piling ng ama at nagpapasalamat siya na pumayag ito. Kahit wala siya sa Amerika ay may mapagkatiwalaan siyang kaibigan na tutulong sa ama niya. Pagkarating niya sa bahay ni Sebastian ay nakita niya sa labas ang nakasimangot na Sebastian. Kahit nakasimangot ang mukha nito ay hindi mababawasan ang kapogian ng binata. Salubong ang kilay nito nang makita siya. Nakangiting yumakap siya rito at humilig siya sa matipunong dibdib ng binata. Tumingala siya rito, pero hindi pa rin naibsan ang nakasimangot nitong mukha. “Parang ayaw mo akong makita.” “Salvi, saan ito ilalagay?” Napalingon siya sa isa sa tambay na si Mang Isko. “Manong, ilagay ninyo lang po sa loob.” Tumango naman ito sa sinabi niya. Humiwalay siya sa pagkakayakap nito dahil hindi talaga siya nito pinapansin. Kumuha siya ng pera sa wallet niya para bigyan ang mga tumulong sa kanya sa mga binili niya. Nang makita niyang lumabas sina Manong Isko ay agad niyang ibinigay ang pera. Natuwa naman itong tinanggap ang binigay niyang pera. "Salamat po, Maam," buong pagpapasalamat ni Manong Isko at kasama ang dalawang lalaki sa kanya. Nang umalis ang tatlo sa harapan niya ay agad siyang humarap kay Sebastian. "Ang tigas talaga ng ulo mo, Salvi. Sinabi ko ng huwag kang mag-abalang bumili ng mga pagkain o kung ano sa bahay." Umismid siya rito. "Hindi naman para sa'yo iyan para iyan kay Nanay Leana naman ang binigay ko." Yumapos ang mga kamay niya sa braso nito. "Huwag ka ng magalit." Humugot ito ng malalim na hininga. "Para saan naman iyong mesa?" Napangisi siya sa tanong nito. "You forgot already? Nasira iyong lamesang alam mo na." Nakita niyang umangat ang gilid ng labi nito. Halata nga namang na gets nito ang ibig niyang sabihin. Tinanggal nito ang pagkakayapos niya sa braso nito. Bagkus ay yumapos ang mga braso nito sa kanyang beywang at tumaas-baba ang paghaplos sa beywang niya. "I want you." Napatawa siya sa sinabi nito at napailing. "Halika na nga," saad niya at hinila niya ito papasok ng bahay. Pagpasok nila ay agad niyang binati ang mga magulang ng binata na nasa sala. Abala ang mga ito sa pag-aayos ng binili niya. "You spoiled my family, Salvi." Nakabusangot na nakatitig sa pamilya nitong sobrang saya. Kahit paano ay nakalimutan niya ang nangyari kanina sa bahay. Naibsan ang mabigat na pakiramdam niya kapag kasama niya si Sebastian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD