CHAPTER 3

2637 Words
SALVI DEL FABIAN Napatitig si Salvi sa coffee na gawa ng nobyo niya. Nakasanayan na niyang uminom ng kape dahil kay Sebastian. Ikaw ba namang palaging nakatambay sa Coffee Shop na pinagtatrabahuan nito. Kararating lang niya galing sa work at ito rin ang oras na papasok si Sebastian sa trabaho. Kagagaling lang din nito sa eskwelahan kaya alam niyang pagod ito buong araw. Gusto niyang tumigil na sa pagtatrabaho at siya na ang gagastos sa lahat ng pangangailangan nito. Kaya lang mag-aaway lang silang dalawa. Ayaw kasi nitong akuin niya ang responsibilidad nito. Siguro dahil sa pride, bilang lalaking panganay dapat akuin nito ang responsibilidad at magsumikap. Dapat naman sana, ang mga magulang nito ang makapagbigay ng mga kakailanganin ng anak. Dahil sa matanda na o mas tamang sabihin na nasa tamang edad ay tulungan ang mga magulang. Ininom na niya ang coffee na gawa ni Sebastian. She smiled at her boyfriend nang makitang napatingin din pala ito sa kanya. While drinking her coffee ay hindi niya hiniwalayan ang pagtitig nito. Kumindat ito na muntik na niyang maibuga ang iniinom niyang kape. Ikaw ba namang biglaang kindatan ng nobyo ay hindi ka mabilaukan at magugulat? Siyempre, magugulat siya dahil ngayon lang nito iyon ginawa. Saan naman kaya nito natutunan? Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Baka may ginagawa itong kalokohan kaya kumindat ito sa kanya? Nakangising napailing ito sa kanya bago tinuon ang babaeng customer nito. Base sa kinikilos ng babae ay nagpapahiwatig na nagpapa-cute ito sa nobyo niya. She doesn’t want to interfere, but she couldn’t stop telling the b***h customer that Sebastian is only hers. She stood up and took her coffee. She walked towards them with confidence. She rested her arms on the counter and raised her brows to the b***h. “What are you doing, Miss? Are you here to buy a coffee, or you just want to flirt with my boyfriend?” Tinaasan din siya ng kilay at tumaas ang gilid ng labi nito na halatang nang-aasar sa kanya. Nagngitngit ang kanyang kalooban. Gusto niyang sakmalin ang pagmumukha ng babaeng ito. “Boyfriend? You old hag---” Uminit ang ulo niya sa pagtawag nito ng matanda. Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito nang sinabuyan niya ang pagmumukha nito ng kapeng hawak niya. Narinig niya ang pagsinghap ng mga taong nakasaksi sa ginawa niya at wala siyang pakialam. Nasisiyahan siyang makitang napasigaw ito sa ginawa niya at napahawak sa damit nitong nabasa. “Don’t worry. I will buy you expensive clothes, not the cheapest ones. Hindi katulad mong mukhang cheap at walang class." Napanganga ito sa sinabi niya at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. “How dare---” Bago pa niya marinig ang pag-angal nito ay sinampal niya ito ng pera. Buti na lang din bitbit niya palagi ang wallet niya baka mapahiya pa siya ng wala sa oras. Akmang aalis na sana siya ng may nakalimutan siya. “Oh! I forgot to tell you, my asim pa ako kaysa sa mukha mong urangutan.” She flipped her hair before she left. Lumabas muna siya sandali para magpahangin at baka may iba pa siyang magawa sa babaeng iyon. She came here to see her boyfriend not to ruin her mood. Hindi niya akalaing sinira ng customer ang gabi niya. Kinuha niya sa pouch ang sigarilyo at sinindi iyon. Gusto niya munang magsigarilyo para mahimasmasan siya. Gusto niyang magpalamig muna sa labas baka hindi niya matansiya ay hindi lang iyon ang magagawa niya sa babae kanina. Nagpanting talaga ang tainga niya sa kanyang narinig kanina. Sinong gustong masabihan ng old hag? What the heck! She want to smash her face to death. Nabubuwisit siya sa sinasabi ng babae kanina. Tumataas talaga ang dugo niya. Naglakad siya papalapit sa kotse niya malapit lang sa coffee shop niya pina-park. Umupo siya sa car hood at nagpahangin muna siya dito habang naninigarilyo.Tinitingnan niya ang mga taong dumadaan at mga sasakyan. Napabaling ang atensyon niya sa brasong may peklat dahil sa paso ng sigarilyo. Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga nawawala ang ebidensiya na ginawa sa kanyang dating asawang demonyo. Napatingin siya sa kawalan at inalala ang sinapit niya kay Cristobal at kung paano nagsimula ang mga kalbaryo niya ng tinanong niya ito kung sino si Diana Ocampo. Six years and ten months ago Nagdidilig siya ng halaman sa bahay ni Cristobal. Ito ang palagi niyang pinagkakaabalahan kapag nandito siya sa bahay o pagkatapos niya sa trabaho ay ito na ang pupuntahan niya. Mas mabuting nandito siya sa hardin kaysa makasama ang asawa. Ang mga halaman ang nakahiligan niya dahil nagpapagaan ng kanyang kalooban. Sa mga naggagandahang mga bulaklak niya ibinaling niya ang atensyon at ibaling ang isipan sa ibang bagay. Ayaw niya kasing makausap si Cristobal. Nabubuwisit siya kapag nakikita niya ito. “Wife…” Narinig niya ang tawag sa kanya ni Cristobal, pero hindi siya nag-abalang lumingon. “What?” walang ganang tugon niya. “Do you want to eat snacks? Ipaghahanda kita." Lumingon siya at umiiling sa asawa. Wala siyang balak na makasama itong kumain. Mas gugustuhin pa niyang huwag makita ang mukha nito kaysa namang kumulo ang dugo niya kay Cristobal. Sa dalawang buwan nilang kasal ay ganito na ang kanilang routine o setup. Paulit-ulit at walang sawang tanong sa kanya. Hindi ba ito nakaramdam na ayaw niyang makita o makausap ito? O sadyang manhid ito kaya hindi nito ramdam ang pag-iwas niya ? “How are you, my wife? Have you eaten?” She rolled her eyes at him and hissed. Napabaling ang atensyon niya sa cellphone niyang tumunog. Pinatay niya ang tubig bago siya lumapit sa mesa kung saan ang cellphone niya. “Tasha, napatawag ka?” [Salvi, I would like to invite you to my mother’s party, if you want lang naman. May party kasing ginanap sina Mommy at kung pwedeng pumunta ka rito? Na-miss na kitang bruha ka!] Napangiti siya sa sinabi nito. Kahit kailan talaga, ang hilig ni Tita, mag-party. “ Gusto kong pumunta diyan. Anong oras ba?” [Mamayang alas otso ng gabi. Hihintayin kita.] Napabuga siya ng hininga. Buti na lang nagyaya ang kaibigan niya sa bahay. Ayaw kasi niyang makasama si Cristobal at hindi niya gustong mapalapit ito sa kanya. “Cristobal, Tasha invited me to her mother’s party. Alas otso gaganapin ang party. Babalik ako kaagad,” paalam niya rito. Kahit sa totoo lang ayaw niyang magpaalam dito, pero kailangan para magbigay respeto. Napatingin siya sa kamay nitong napakuyom. Alama niyang ayaw siya nitong palabasin. Gan’yan naman iyan kapag nagpaalam siya, kumukuyom ang kamao nito. Halatang napipilitan itong paalisin siya. Humugot ito ng malalim na hininga bago ito tumango. “Babalik ka rito sa bahay ng alas diyes." Akmang aangal na sana siya ng sinamaan siya nito ng tingin. “I don’t want to hear anything. Except yes,” mariin nitong saad sa kanya. Wala na siyang nagawa kung 'di tumahimik na lang. At exactly eight p.m, nakarating siya sa bahay ng mga Reyes. Nakangiting sumalubong sa kanya ang kaibigan niyang si Tasha. Binigyan siya ng halik sa pisngi at ganoon din ang ginawa niya. “Halika, kanina ka pa hinihintay ni Mama." Tumango siya at giniya siya ng kaibigan patungo sa hardin. Kung saan marami ng mga taong nagsasayaw. Mahilig talagang magpa-party si Tita Tanya, kaya hindi na siya nagtataka kung bakit nahawa na rin si Tasha sa ina. Nakangiting pinagmasdan niya ang mga taong nagkakasiyahan. Buti na lang pumayag si Cristobal na pumunta siya sa party. Kahit paano ay nabawasan ang stress niya. Hindi niya kasi maatim na kasama sa iisang bahay ang asawa. “Salvi…” Napabaling ang atensyon niya sa tumawag sa kanya. Masayang sinalubong siya ng yakap. Agad naman niyang sinuklian ng yakap si Tita Tanya. “Buti nakarating ka, Hija. Akala ko hindi ka na makapunta rito sa pamamahay ko. Dahil sa asawa mong walang ginawa kung ‘di i-monitor ang bawat kilos mo." Natawa siya sa pagkairita nito at napasimangot. “Huwag mo ng isipan iyan, Tita. Ang mas mahalaga ay nandito ako. Kaya huwag ka ng mag-isip ng nagpapa- stress sa’yo." Umismid ito sa sinabi niya. “Ewan ko sa’yong bata ka. Halika, ipakilala it sa mga kaibigan ko." Nagpatianod na lang siya kay Tita kung saan siya nito dadalhin. Hinila siya papunta sa nagkukumpulan na mga bisita. Kung hindi siya nagkakamali. Mga kaibigan nito ang naroon. Nang nasa harapan na siya ng mga kaibigan ni Tita at agad na inagaw ni Tita ang atensyon ng mga ito. “Siya ang sinasabi ko sa inyo na kaibigan ni Tasha. She’s Salvi Del Fabian- Garcia, and she’s married to a wealthy man, Cristobal Garcia." Umaaliwalas ang mga mukha ng mga kaibigan nito, maliban na lang sa isa. “Ako nga pala si Lana. Just call me, Tita Lana." Nakangiting inilahad nito ang kamay sa harapan niya na agad naman niyang tinanggap. “Nice to meet you, Tita Lana,” nakangiting tugon niya at tumingin sa mga kasamahan nito. Sumunod ang isang ginang na naka-kulay green dress. “Matagal na rin kitang gustong makilala, Salvi. Palagi kang bukambibig nitong si Tanya. I’m Tita Nichole. Hindi namin lubos akalain na mas maganda ka pa sa personal. Sa litrato ka lang namin nakita." Malugod siyang nginitian ng ginang na nagpagaan ng loob niya. Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na naikwento siya ni Tita Tanya sa mga kaibigan nito. “Maitanong ko lang, Hija…” Nalipat ang kanyang tingin sa isa pang kaibigan ni Tita Tanya na tahimik lang sa tabi kanina. Ngayon lang niya ito nakita. “Ikaw ba ang asawa ni Cristobal Garcia?” Nagtataka siyang napatitig rito. Base sa tono ng boses ng Ginang ay halatang nababahala at ramdam niya ang takot. “Yes po, bakit niyo pala naitanong?” Nagulat siya sa biglaang paghawak nito sa kanyang kamay. Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay nito. “Mag-ingat ka, Hija.” Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. “Ano po ang ibig ninyong sabihin?” Napalinga-linga ito sa paligid parang aligaga. “Ma’am, tumawag po si sir." Kinuha niya ang cellphone nito at sinagot ang tawag. “Makakaalis ka na,” utos niya sa bodyguard. Pagtingin siya sa kausap niya kanina ay wala na ito sa harapan niya. “Tita Tanya, saan po iyong kaibigan ninyo na kausap ko kanina?” “Nagmamadaling umalis si Diana, Hija. Nagtataka nga ako kung bakit nataranta iyon nang makita ang bodyguard mo,” tugon sa kanya ni Tita Tanya at pagsang-ayon din ni Tita Nichole na halata ring nagtataka sa kinikilos ni Tita Diana. Kumibit-balikat na lang siya sa pagkawala ni Tita Diana. “Kumuha ka na ng pagkain mo, Hija. Alam kong gutom ka na. Magpakabusog ka, okay? Huwag mo na ring isipin ang sinabi ni Diana.” Nakangiting tinapik nito ang kanyang pisngi at tumango na siya rito para kumuha ng pagkain. Bago pa siya umalis sa harapan nito ay tinanong niya kung ano ang buong pangalan ng kausap niya kanina. “She’s Diana Ocampo." Palinga-linga siya sa paligid. Hindi na niya alam kung saan na patungo si Tasha dahil bigla na lang itong nawala. Saan na naman kaya nagsusuot ang babaeng iyon? Naglakad siya patungo sa buffet table para kumuha ng pagkain. Kapag naisipan ni Tita Tanya ang magpakain o ‘di kaya mag-party, talagang lahat ng kakilala nito ay imbitado. Tahimik na kumuha siya ng pagkain ng biglang sumulpot sa kung saan si Tasha. Muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang plato. “Buwisit ka talagang babae ka! Bigla na lang manggugulat.” Natatawang tinanggap nito ang paghampas niya sa balikat nito at napailing sa kanyang pagkagulat. Halatang nasisiyahan ito sa kanyang reaksyon. “Naku! Kumuha ka na lang ng pagkain para tumaba ka para kahit papaano ay may laman dibdib mo.” Napasinghap siya sa narinig mula sa kaibigan. Napatitig siya sa kanyang dibdib na hindi gaano kalakihan. Sakto lang naman. “Wow! Ang nagsalita parang may dibdib. Nahihiya naman ako sa’yo." She hissed at Tasha na natatawa lang sa sinabi niya. Iniwan na niya itong natatawa dahil ayaw niyang marinig ang pang-aasar nito sa kanya. Umupo siya malapit sa nilalakaran niya. Hindi talaga mawala sa kanyang isipan ang tungkol sa sinasabi kanina ni Tita Diana. Base sa sinasabi nito parang may ibang kahulugan o pahiwatig na dapat siyang lumayo sa asawa niya. Gusto niyang malaman kung bakit nito sinabi na mag-ingat siya? May dapat ba siyang malaman tungkol sa nakaraan ni Cristobal? Pero wala naman siyang pakialam kung sino ang mga babaeng dumaan kay Cristobal. Unang-una, hindi siya interesadong malaman. Kapag hindi niya alamin ang lahat baka ikapahamak pa niya. Hindi niya pa kilala ang asawa. Kailangan niyang tanungin si Cristobal, kung kilala ba nito si Diana Ocampo. Hindi talaga siya pinatahimik sa pagpapaalala sa kanya ni Tita Diana. Napatingin siya sa kanyang orasan. Nakita niyang mag-aalas-diyes na pala na ng gabi. Kailangan na niyang umuwi dahil may gusto siyang malaman kay Cristobal. Gusto niyang malaman ang katotohanan mula sa asawa, kung bakit gano’n na lang ang inaakto ni Tita Diana. Base sa kinikilos o pananalita ni Tita ay halatang takot ito. May ginawa ba si Cristobal kay Tita Diana? Kaya ganito itong kumilos? Nang makita nito ang kanyang bodyguard ay bigla na lang itong nawala na parang bula. Tumayo na siya para umalis na. Hindi na kasi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Kapag naging kuryuso na siya ay hindi na siya matatahimik na malaman ang katotohanan. “Salvi, aalis ka kaagad?” nagtatakang sumalubong si Tasha sa kanya na kakagaling lang sa pagkuha ng wine. “Inaantok na kasi ako kaya kailangan ko na rin umuwi." Napabuntong-hininga ito sa sinabi niya. “ Sige, mag-ingat sa pag-uwi.” Niyakap niya ito at tinapik ang pisngi. Nakangiting winawagayway nito ang kamay at siya naman ay itinaas ang kamay upang magbigay galang na aalis na talaga siya. Pagkarating niya sa bahay ay hindi na siya nakapagpigil na tanungin si Cristobal. Nakasalubong niya si Manang Ysay na may bitbit na pagkain. “Manang, kay Cristobal ba iyan?” “Oo, Salvi." “Ako na po ang magbibigay kasi aakyat na rin naman ako." “Sigurado ka ba?” Tumango siya rito at ngumiti kay Manang. “ Saan ba siya ngayon? Nasa kwarto ba siya?” “Nasa study room, Hija." Kinuha na niya ang tray at siya na ang nagdala patungo sa study room na sinasabi ni Manang. Hakbang papaakyat siya ay sobrang kabog ng dibdib niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kinakabahan siya. Wala namang masamang magtanong tungkol kay Tita Diana. Talagang bumabagabag lang talaga sa kanya ang pagpapaalala sa kanya ni Tita. Huminto siya sa tapat ng study room ni Cristobal. Kumatok muna siya ng ilang beses bago siya makarinig na pwede siyang pumasok. Bawat paglakad niya ay sobrang kabog ng dibdib niya. Hindi siya matatahimik kapag hindi niya malalaman ang tungkol kay Tita Diana. Lumapit siya sa kung saan ito umupo. Nakita niyang uminom ito ng alak at may hawak itong sigarilyo sa kanang kamay. Titig na titig ito sa kanya na para bang tinatandaan nito ang mukha at buong katawan niya. “Cristobal, here’s your food." Sinenyasan siya nitong ilapag sa mesa ang pagkain. Inilapag niya ang tray at hindi pa rin siya umalis sa kanyang kinatatayuan. Bahagyang kumunot ang noo nito. “What? Do you need anything?” Napalunok siya, pakiramdam niya may bumara sa kanyang lalamunan. Humugot siya ng hininga para lakasan ang loob niyang tanungin ito. “Cristobal, kilala mo ba si Tita Diana?” Nakatagilid ang ulo nito at taka siyang tinitigan. “Diana? Who’s Diana?” “Diana… Diana Ocampo.” Pabagsak na nilapag nito ang baso na ikinagulat niya. Nakita niyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. “Anong gusto mong malaman?” mabagsik na tanong nito. Ramdam niyang kaunti na lang ay pwede na itong sumabog sa galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD