CHAPTER 4

2023 Words
SALVI DEL FABIAN “Anong gusto mong malaman?” Kita niya ang galit sa mga mata nito. Kaunti na lang ay gusto na nitong sumabog sa galit. “Don’t answer me a question, Cristobal. Tell me, do you know her?” He chuckled and violently stood from his chair. Cristobal glared at her as if she pulled the trigger. “Why are you curious about Diana Ocampo? Is she related to you? You know what...” Nakangising demonyo itong papalapit sa kanya. Kinakabahan siya sa kung anong gagawin nito. “If someone’s asking about my past. I don’t know what will happen, Salvi. Do you want to go deeper?” Napatigil siya nang maramdaman niya ang pader sa kanyang likuran. Wala na siyang maatrasan. “Is there something fishy that I need to know?” Lakas-loob niyang nilabanan ang pagtitig nito sa kanya. “Do you know why Diana was after me?” Napasinghap siya at napatingala ng bigla siya nitong sinakal sa leeg. “ Why don't you mind your personal lives?” Naninindig ang balahibo niya ng maramdaman ang labi nitong lumandas sa kanyang leeg. Kahit anong piglas niya sa pagkakahawak nito sa kanyang leeg ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito. Ang katawan nito ay sobrang lapit na at idiniin siya sa pader. Nahihirapan na siya sa paghinga at gusto na niyang makawala rito para makalanghap ng hangin. “B-bitaw, C-Cris—" Napaubo siya at naghahabol siya ng hininga nang binitawan siya nito pero hindi pa rin siya pinakawalan. “Slowly… by slowly…” Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. “I tortured her daughter, Danica Ocampo." He stopped and looked at her intently. “And you know what happened to her? She cried and begged me to stop, but I couldn’t.” Nanlalaki ang mga matang napatitig siya rito. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Sobrang kabig ng kanyang dibdib sa nalaman ngayon. Kaya pala binantaan siya ni Tita Danica dahil mapanganib na tao ang kanyang napangasawa. “ I love hearing her pain. Do you want to try it?” Gulat siyang napatitig dito at kita niya ang mala-demonyong ngiti ni Cristobal. Para siyang na estatwa nang pinakita nito ang sigarilyo na ginamit nito kanina. “What are you doing?” Kinakabahan siya kung ano ang gagawin nito. “Aren’t you ready, my wife? I love to hear your pain with your beautiful voice. What do you think?” “Don’t tell me---AHHHH!” Napasigaw siya sa sakit ng nararamdaman niya ang apoy ng sigarilyo. Kahit anong gawin niya na umilag at pagtulak papalayo kay Cristobal ay mas lalo lang siya nitong diniin sa pader. Tumulo ang kanyang luha sa sakit at kahit anong pagmamakaawa niya sa asawa ay mas lalo itong nasisiyahan na makita siyang nahihirapan. “Cristobal, please stop." “Why would I? I’m starting to enjoy the music in my ear and watching you writhing in pain." He smiled mischievously and continued to torture her. “I’m begging you, Cristobal. Please stop!” Nagsisisi siya kung bakit niya naitanong ang tungkol kay Diana. “Cristobal! M-maawa k-ka! Manang, help!” “Even if you shout her name, she didn’t hear you." Walang silbi ang pag-iyak o sigaw niya ng matandaan na itong silid na ito ay sound proof. Napaiyak niyang sigaw dahil sa sakit na paglandas ng apoy ng sigarilyo sa balat niya. ---- PRESENT Napabalik siya sa kasalukuyan nang marinig niya ang boses ni Sebastian. “Salvi…” Napakurap siyang napatitig kay Sebastian at natawa nang makitang nakabusangot ang pagmumukha nito. Natatawang tinapik niya ang pisngi ng nobyo. “Bakit nakabusangot ka na naman? Papagalitan mo na naman ako dahil sa babaeng haliparot na customer mo?” taas kilay niyang tanong rito. Napahilamos ito ng mukha na para bang doon nito ibinuhos ang inis. Sinamaan niya ito ng tingin at umismid siya rito. “ When it comes to my customer, Salvi, please huwag mo ng uulitin ang ginawa mo kanina dahil pati ako nagka-problema ng dahil sa’yo." Napasinghap siya sa kanyang narinig. “Ako?” turo niya sa kanyang sarili. “Ako pa talaga ang may kasalanan ngayon? Hindi mo ba naramdaman o nakita man lang na nakipaglandian sa’yo ang customer mo? Oh common!” padaskol niyang sabi rito. Sinisi talaga siya sa mga bagay na alam niyang nag-trigger sa kanyang magalit siya. Sinamaan niya ito ng tingin. “Hindi mo ba alam kung bakit ako naging ganito? Kung bakit tumaas ang dugo ko kapag may babaeng nagpapa-cute sa’yo o nakipaglandian sa’yo?” “Alam ko, kung bakit ka nagkagan’yan dahil nagseselos ka.” She lights up another cigarette, puffs at it twice, and puts it in her mouth. She blows out the smoke. Hindi pa nga siya nakailang sigarilyo ay bigla na lang nawala sa kanyang kamay ang isang pakete ng sigarilyo. Ang nasa bibig niya na nakasindi ay pinatay nito at itinapon din. “Ano ba!” singhal niya sa binata. “Hindi mo ba alam na naninigarilyo ako? Bakit mo itinapon?” Naniningkit ang mga matang tinitigan siya. “I already told you to stop from smoking. Bakit hindi ka nakikinig?” “To relieved my stressed.” “Bakit?” huminahon na ang boses nito. “May problema ka ba? Pwede natin iyan pag-usapan.” Puno nang pag-alalang nakatitig ito sa kanya. Umiiling siya rito. “Wala.” Ayaw niyang madamay pa ito sa problema niya. Mas mabuting ilihim niya lang ito. Wala siyang balak na sabihin kay Sebastian ang nakaraan. Past is past. She doesn’t want him to be involved with her past. Ayaw niyang magkagulo. Gusto niyang masolusyon ang problema niya na siya lang magresolba. “Kumain ka?” Napatitig siya rito dahil sa tanong nito. Napahawak siya sa kanyang tiyan ng biglang kumulo. Naaliw na tinitigan siya at natawa ito sa kanya. “Halata ngang hindi ka pa kumain." Napailing ito sa kanya at hinila siya patayo. “Ipagluluto kita.” Hindi na siya nagreklamo rito at nagpahila na lang siya sa kung saan siya nito dadalhin. Pumasok sila pabalik sa coffee shop na pinagtatrabahuan nito. Kunot-noong napatitig siya rito kung ano ang ginagawa nito. Akala ba niya kakain sila? Bakit nandito sila sa Coffee Shop? Wala namang lutuan dito. “Diyan ka muna. Kakausapin ko si boss." Pinaupo siya nito at naghintay kung kailan ito babalik. Pumasok ito sa isang silid at siya naman ay napatingin sa labas ng bintana. Kung saan nakikita niya ang mga tao sa daan at magkasintahan na magkahawak-kamay na naglalakad. Nakangiting pinagmasdan niya ang magkasintahan na naglalakad. Halata na masaya at kontento sila. Sana magtagal sila ni Sebastian at gusto niyang magkahawak-kamay sila na naglalakad sa park o sa daan. Katulad na ginawa ngayon sa magkasintahan na kakadaan lang. Sobrang sarap sa pakiramdam kapag kasama mo ang nobyo mo na magkahawak-kamay sa daan. Hindi naman kasi maiwasang pagmasdan ang mga ito, lalong-lalo ng ganoon talaga ang feeling kapag mahal mo ang taong kasama mo. Nakakaramdam ka ng kilig, inis at pagtatampo, wala eh, gan’yan kapag nagmahal ka. Hindi mo malalaman kung gaano katatag din ang relasyon mo kung walang pagsubok na dumating. “Salvi, let’s go?” Napatingin siya sa kamay nitong nakalahad sa harapan niya. Napakagat-labi para doon ibaling ang kilig niya. Ang kanina niyang iniisip ay natupad din. Heto siya, magkahawak-kamay na papalabas ng Coffee Shop. “Saan tayo pupunta?” nakatingalang tanong niya rito upang pagmasdan ang mukha ng nobyo. “My boss kitchen." Kumunot ang noo niya. “Saan naman niyon?” “At the back of the Coffee Shop, there’s a hidden kitchen.” Nanlalaki ang kanyang mga mata sa galing ng naisip ng boss nito. May sariling kitchen para magluto. “Open ba ito sa mga tauhan niya?” Nakangiting tumango ito sa kanya. “Oo, open at libre para sa amin na nagtatrabaho sa kanya.” “Oh! Okay." Pumalakpak siya at inilagay sa kanyang pisngi ang kanilang magkahugpong na kamay. Nagpatianod na lang siya sa paghila nito sa kanya. Tahimik lang silang naglalakad patungo sa likod ng Coffee Shop. Kaagad siyang pinapasok sa loob at nagtungo na ito sa Kitchen Counter. Umupo siya sa harap ng counter kung saan nagsimula na itong magbutingting ng lutuin sa refrigerator. Nakapangalumbaba siyang nakatitig sa ginagawa ng nobyo niya. “Anong lulutuin mo?” Napalingon ito sa kanya at ngumiti. “I will cook your favorite dish,” nakangiting tugon nito sa kanya. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at masayang pinagmasdan ang nobyong naghahanda ng mga rekados. Ang sarap pagmasdan ang taong mahal mo na pinagluto ka. Ang swerte nga niya dahil nakahanap siya ng lalaking ganito na pagsilbihan ka at mahalin ka nito. “Kamusta na ang pag-aaral mo? Malapit ka nang matapos sa kolehiyo. Saan mo balak magtrabaho?” Nilapag muna nito ang mga rekados sa mesa bago siya nito sinagot. “Balak ko doon sa Thomas Firm." Napatango siya rito. “Excited na ako para sa’yo dahil nalaman kong maganda ang pamamalakad ng Firm na iyon. Balang araw, matutupad na rin ang pangarap mong maging Prosecutor. Doon ka ba mag-training?” Kumibit-balikat ito sa tanong niya. “Hindi ko pa alam kung saan.” Pinagmasdan lang niya ito sa kung anong lulutuin nito. Tinalikuran na siya nito at nagsimula na rin ito na pagtadtad ng rekados. Tinitigan lang niya ang likuran ni Sebastian, kahit likuran lang nito ay sexy na. Hay! Ano ba iyan! Kung anu-ano ang nasa isip niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo at nagdesisyong tumayo upang lapitan ito. Gusto niya itong mayakap. Sa totoo lang, nitong nagdaang araw ay sobrang stress niya sa trabaho at pati si Cristobal ay nakadagdag pasanin sa buhay niya. Yumapos ang kanyang mga braso sa tiyan nito at humilig siya sa likuran ng nobyo. Balak sana nitong lumingon, pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya. “Bakit?" takang nilingon siya nito pero humigpit lang ang pagkakayakap niya. Kaya pinagpatuloy na nito ang ginagawa. “Miss lang kita,” buong puso niyang sabi sa binata. He chuckled at what she said. “Bakit mo naman ako na-miss? Kung araw-araw naman tayong magkasama?” Ngumuso siya sa sinabi nito. “Hindi naman kailangan na tanungin kung bakit kita na-miss. Basta na-miss lang kita. Buong araw kaya tayong hindi nagkasama. Tuwing gabi lang tayo nagkita o ‘di kaya weekend.” Naramdaman niya ang paghugot ng malalim na hininga at hinawakan nito ang kamay niya para tanggalin. Humarap ito at sinapo ang kanyang pisngi. “I know something bothering you, but I just wait until you are ready to tell me what’s in your mind." Ngumuso siya at napabuntong-hininga. Natatawang kinurot nito ang kanyang pisngi na nagpasigaw sa kanya dahil sa sakit. “You are so cute, Salvi." Umingos siya rito. “No, I am gorgeous, and you know that," pagmamayabang niya na nagpatawa rito. Napataas ang kilay niya sa pagtawa ni Sebastian. Talagang iniinis siya nito. “Nangiinis ka ba?” He bit his lips to stop from laughing and pinch her nose. “You are so damn gorgeous that I couldn’t resist from you." “Yeah, that’s why you are so into me,” nakangising tugon niya rito. “I love you." Sumilay ang ngiti niya sa labi nang marinig niya ang tatlong salita mula sa bibig nito. “I love you too," buong pusong tugon niya sa binata na hindi hiniwalay ang pagtitig dito. Umiiling ito na may ngiti sa labi. “I love you more.” She hissed. “I have loved you since the day I laid my eyes on you.” “I love you to the fullest." Tumaas ang gilid ng labi niya. “Oo na, mahal natin ang isa’t-isa. Wala na akong masabi.” He smiled at her, and her heartbeat beat rapidly. “W-wala ka man lang balak sunugin ang niluto mo diba?” Napatampal ito sa noo nito. “I forgot. Ikaw naman kasi inaakit mo ako." Napasinghap siya sa narinig mula rito. “Wow! Nahiya ako." Natawa na lang ito sa sinabi niya. Bago ito humarap sa kalan ay hinalikan muna siya nito sa labi na ikinagulat niya. Mapahawak na lang siya sa kanyang labi at napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD