3 MONTHS AGO
Ramdam niya ang lamig sa kanyang puwetan dahil nakaupo siya sa sahig. Yumakap siya sa kanyang tuhod habang nakatingin siya sa mga pulis na dumadaan sa tapat ng silda niya o ‘di kaya ang mga pamilya na dumalaw sa pamilyang nandito sa preso.
Hindi niya akalain na makulong siya sa pagkakasalang stalker. Hindi naman niya itatanggi na may kasalanan talaga siya dahil nang -istalk siya sa binata. Hindi niya maiwasang matawa sa kanyang sitwasyon. Nakulong siya sa pagsunod sa mas bata pa sa kanya. Hindi naman siya naka-drugs o kung ano pang gamit na nagpapasira sa utak. Sinundan lang niya si Sebastian dahil interesado siya sa binata. Iyon lang iyon, wala na siyang ibang dahilan para saktan o ipahamak ang binata. Nahumaling siya sa unang tingin kaya hindi siya tumigil hangga’t hindi niya ito makilala.
Napatayo siya at nagmamadaling lumapit sa rehas.
“You came!” sigaw niya nang makita ang kaibigan niyang si Cristina.
Nakabusangot na nilapitan siya nito. Sinamaan siya nito ng tingin at nakapamewang sa harapan niya. Nakangising nag-peace sign siya sa kaibigan. Heto na nga ang pinakahihintay niya, ang masermonan siya ng bongga ni Cristina, Cristina Sanchez. They have been friends for five years, and she’s happy to be with her. Cristina always helps her when she needs someone to lean on or when she's having trouble.
“Cristina…”
Tinaasan siya nito ng kilay.
“Explain to me what happened to you? I don’t know what’s running in your crazy mind to do such a thing. Seriously, a stalker?”
She hissed at Cristina and rolled her eyes at her. What a talkative friend she had.
“Alam mo na pala. Hindi ko na kailangan sagutin ang katanungan mo,” mataray niyang sagot dito.
Napakurap ito at napasinghap sa sinabi niya. Hindi ito makapaniwalang nakatitig sa kanya. Wala na siya dapat ilihim at hindi na niya kailangang ipaliwanag dahil iyon na iyon ang dahilan. Being a stalker is a crime. Wala eh, natamaan siya at hindi niya alam kung paano makawala sa ganitong pakiramdam. Iyong feeling na gusto mong makuha ang gusto mo sa kahit sa anong paraan. Kaya nasa ganitong sitwasyon siya, nakulong dahil sa kakasunod kay Sebastian na mas bata sa kanya.
“Have you seen, Sebastian?” Napahawak siya sa bakal na rehas at hinanap ng kanyang mga mata si Sebastian.
Tumikwas ang kilay nito at pagak itong natawa. Hindi pa rin ito makapaniwala sa narinig.
“Nasa rehas ka na nga, hinahanap mo pa rin ang lalaking nagpakulong sa’yo. Iba rin ang laman ng utak mo, Salvi. Ibang-iba ka talaga sa kagagahan. Kung wala lang tayo sa rehas kanina pa kita sinakal sa inis. Ang sarap mong sabunutan ng matauhan ka sa kagagahan mo,” nanggigil nitong sagot sa kanya at umaksyon na sasabunutan siya.
Humanda talaga siya paglabas niya rito sa police station dahil kilala niya ang kaibigan niya. Hindi ito mangingiming sabunutan siya. Sasabunutan siya nito ng bongga.
“Hindi ko malaman kung ano ang nakita mo sa lalaking iyon,” patuloy na pag-aalburuto nito.
Pero siya, iba ang nasa isipan niya kung ‘di nangangarap siyang mapasakanya ang binata. Masama bang magkagusto siya kay Sebastian na nagpakulong sa kanya? Hindi naman, diba?
Hindi pwedeng hindi niya makuha ang binata. Gusto niyang maging nobyo o higit pa doon. Siguro, natatawag na itong obsession dahil nahihibang na siya kay Sebastian. Hindi siya titigil na mapasakanya si Sebastian. Ngayon pa lang siya nagkagusto kaya hindi niya na mapapakawalan ang binata. Hindi naman masama kung nagkagusto siya sa mas bata sa kanya. Magpapansin siya rito hanggang sa mapansin siya ng binata. Sabihin na niyang wala na sa katinuan ang utak niya. Nakuha na ni Sebastian ang isip at puso niya kaya para siyang baliw at wala na sa tamang pag-iisip.
Katulad na lang ngayon. Wala si yang makapang inis o galit na pinakulong siya ng binata. Mas lalo nga siyang nagpupursigeng magustuhan siya nito at gagawin niya kung anong nararapat para mahulog sa kanya si Sebastian.
“Anong ngiti-ngiti mo diyan? Nababaliw ka na ba? Gusto mo dalhin kita sa Mental Hospital?”
Imbes na mainis ay lalo siyang napatawa sa sinabi ng kaibigan. Halata nga namang naweweirdohan ito sa kinikilos niya.
“Gusto ko ng lumabas, Cristina. Pretty please, settle my problem." Nakangusong nag-puppy eyes siya rito para maawa sa kanya.
Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at nagmamakaawang tinitigan ang kaibigan. Pero na maawa ay pinitik nito ang kanyang noo na nagpaaray sa kanya.
“ Wow ha! Demanding lang? Mas okay na ngang nandiyan ka para matauhan sa kagagahan mo!”
“Cristina naman…” nagmamakaawang sabi niya rito.
Nakita niya ang pagtaas ng gilid ng labi ni Cristina. Halatang pinagtripan siya ng kanyang kaibigan. Alam niyang totohanin talaga ang sinasabi nito. Kaya hindi niya pwedeng inisin si Cristina. Iba pa naman ang ugali ng kaibigan kaya hindi siya pwede magloko-loko ngayon.
“Diyan ka na nga. “
“H-hoy! S-saan ka pupunta?” Natataranta at nanlalaki ang kanyang mga mata niyang aalis na ito sa harapan niya. “Hindi ka pwedeng umalis, Cristina. Tulungan mo akong makalabas dito.”
Lumingon ito sa kanya at tinaasan siya nito ng kilay. “I will settle your issues. Ayaw mo bang makaalis diyan?”
Lumakit ang ngiti niya sa labi at natawa. “Gusto ah! I want to go.”
“Good. Maghanda ka kapag nakalabas ka diyan.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito at tinalikuran siya. Naglakad na ito patungo sa isang silid. Buti naman makaalis na siya rito. Baka abutin siyang dito matutulog sa silda at ayaw niyang mangyari iyon.
“Kamusta na kaya si Sebastian?” tanong niya sa kawalan.
Bisitahin ko kaya siya sa Coffee Shop na pinagtatrabahuan niya? Dalhan siya ng bulaklak o ‘di kaya ipagluto niya ito ng pagkain? Sabi kasi nila, the way to a man’s heart is through his stomach.
Kaya iyon ang unang gagawin niya. Hindi naman masama kung siya ang manligaw. Porque, babae siya ay hindi pwede? When it comes to love, no gender inequality. Kung anong naramdaman ng kanyang puso ay dapat masunod. Hindi naman nakakahiyang manligaw sa isang lalaki. Ang nakakahiya ay kumapit ka sa isang taong alam mong may asawa o nobya na.
Hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Wala siyang makapanghiya sa buong pagkatao niya. Kaya gagawin kung anong nararapat, ang masungkit ang mailap na puso ng binata. Kahit mas malaki ang agwat ng kanilang edad ay hindi iyon hadlang para hindi siya nito magustuhan Mas gugustuhin pa niyang pinaghirapan niyang makuha si Sebastian kaysa madalian.
Alam niyang pinasok niya ang ganitong sitwasyon. Dapat niyang paghandaan na sa huli ay iiyak siya at susuko. But, when she starts to like someone, Salvi will never lose hope to be his girlfriend or beyond.
“Ms. Salvi Del Fabian, pwede na kayong makalabas.”
Lumayo siya sa rihas upang buksan ng pulis ang rihas. Kaagad din siyang nagpasalamat sa Pulis at lumabas na.
Pagkalabas niya ng Police Station ay muntik na siyang mapamura dahil sa gulat na pagbusina ng sasakyan at iyon ay si Cristina. Ang kaibigan niyang baliw.
Cristina chuckled at her reaction and smirked at her.
“Anong hinihintay mo diyan? Halika na!”
Sinamaan niya muna ito ng tingin bago umikot patungong passenger seat. Binuksan niya ang pintuan at sumakay na.
Napatampal siya ng kanyang noo nang makaupo na siya. Naalala niya ang sasakyang naiwan, malapit sa coffee shop.
“I forgot my car.”
Cristina hissed at her.
“Iyan ang napapala sa taong stalker. Pati kotse kinalimutan na rin.”