SEBASTIAN GALVEZ
Lumabas na kaagad siya sa kanyang silid nang makitang alas siyete na ng umaga. Kailangan na niyang umalis para hindi siya mahuli sa kanyang klase. Hindi na siya nag-abalang magbaon dahil nagmamadali na siya. Bakit ba kasi nagising siya ng malapit ng mag-alas siyete? Ayan tuloy walang laman ang tiyan niya na pumasok sa eskwelahan. He is a student in the morning and the afternoon to evening ay may trabaho siya. Gusto niyang magtrabaho upang makapagtapos siya sa pag-aaral at matulungan niya ang kanyang Nanay.
Kahit mahirap at pagod ang kanyang katawan ay kinaya pa rin niya. Kakayanin para sa pamilya at ayaw niyang ganito ang buhay niya. Gusto niyang umasenso para sa sarili niya at sa pamilya niya. Ang hirap maging mahirap kapag hindi ka kumayod. Kapag wala kang trabaho ay wala ka talagang pangtustos araw-araw.
Papalabas na sana siya nang tinawag siya ng kanyang ina.
Lumapit siya rito upang magmano nang makalapit siya ay agad siyang nagmano. “Aalis na ako, Nay. Baka mahuli ako sa klase.”
Akmang tatalikuran na sana siya ng pinigilan siya nitong umalis.
“Teka! May kukunin ako. Huwag ka munang umalis. Kanina kasi may magandang babae na nagbigay ng mga pagkain para sa atin.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi ng ina. Wala siyang matandaang may kilala siyang nagbibigay ng pagkain. Sino naman kayang babae ang nagbigay? Kahit halungkatin niya sa kanyang memorya, wala talaga siyang maisip kung sino ito.
“Anak, ito…”
Nagtataka niyang tinanggap ang paper bag. Napatigin siya sa loob at may nakita siyang note doon.
“Sabi ng babae, starting for today is… is…” Napakamot ito ng ulo. “Ay! Nakalimutan ko ang english. Basta iyon na iyon.”
Napangiti na lang siya sa kalokohan ng ina.
“Nay, aalis na ako at huwag kalimutang uminom ng gamot,” paalala niya rito. Nagmano siya ulit bago tuluyang umalis.
Napatingin siya sa bitbit niya. Wala talaga siyang makilalang babae bukod sa kapitbahay niya. Imposible naman kasing may nobya siya. Wala sa isip niya na may manliligaw sa kanya. Ang mas nakakatawa talaga ay ang babae pa ang nanligaw sa kanya.
Pagdating niya sa paaralan ay agad siyang nagtungo sa kanyang Professor para ipasa ang proyekto niya. Naglalakad siya patungo sa faculty room at nadatnan niyang may nagkukumpulan doon.
Ano na naman kaya ang nangyayari sa loob? Bakit may maraming taong nagkukumpulan? Anong meron? Maraming tanong ang kanyang isipan. Ngayon lang kasi niyang nakita na nagkaganito.
Sa Faculty Room minsan lang maingay dahil gusto ng mga professor na makapagpahinga ang kanilang isipan at katawan. Pagpasok niya, nakita niya ang babaeng nakipagtawanan sa mga professor.
“Hindi ako makapaniwala na nandito ang the legend na si Miss Del Fabian,” natutuwang sabi ng isa sa mga estudyante na nakatanaw sa loob.
Pumasok na siya sa loob na hindi na tiningnan ang mga tao na nakatanaw sa babae.
“Galvez, nandiyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ni Miss Del Fabian.”
Napabaling ang atensyon niya kay Professor Angeles na kausap si Miss Del Fabian.
“Sir, wala akong inaasahan na bisita at higit sa lahat wala akong kilalang Del Fabian. Kaya nagkakamali kayo na ako ang hinahanap niya,” napailing niyang sabi.
Naguguluhan talaga siya sa nangyayari ngayon. Doon pa sa bahay na may nagbigay ng pagkain at ngayon naman ay may bisita siya.
“Hello, Mr. Handsome,” kumaway na sabi ng nagngangalang Miss Del Fabian.
Nanlalaki ang kanyang mga mata ng mamukhaan niya ito. Siya ang babaeng pinakulong niya kahapon dahil ito ay ang stalker niya.
What was she doing here?
“Anong ginagawa mo dito?” mariin niyang tanong sa dalaga. Hindi niya malaman kung bakit ginugulo na naman siya nito.
Ngumiti ito sa kanya. “Hindi ba obvious na binisita kita?”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito at napatingin siya sa mga taong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Padarag na hinatak niya ang babae sa Faculty Room dahil nakaagaw na sila ng atensyon at ayaw niya iyon.
Nang nasa malayo na sila sa atensyon ay padaskol na binitawan niya ang kamay nito. Napatiimbagang na tinitigan ang babae. Hindi niya maintindihan kung bakit sunod nang sunod ito sa kanya. Simula ng makasalamuha niya ito sa daan ay hindi siya nito tinitigilan.
“Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka nagpapakita pa sa akin. Ano ba ang kailangan mo? Ipaliwanag mo nga sa akin dahil hanggang ngayon naguguluhan ako sa kinikilos mo. Hindi ka pa rin tumigil kahit pinakulong na--”
Naputol ang sasabihin niya ng nagulat siya sa sinabi nito.
“You,” diretsahang sagot nito sa kanya.
Nakita niya ang determinasyon sa mga mata nito at seryoso siyang tinitigan. Tang*na naman oo. Binubuwisit talaga siya nito. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi itong umaaligid sa kanya.
“Anong ako?” turo niya sa kanyang sarili at kunot-noong tinitigan ang babae.
“I said, I want you, I need you, and I am interested in you. Naliwanagan ka na ba? Kung bakit palagi akong nagpaparamdam o nagpapakita sa’yo? Because I like you, and I’ve never been so desperate about my feelings towards a man, which is you.”
Natawa siya sa sinabi nito. Hindi talaga siya makapaniwala sa malakas na confidence nito. Wala ba itong hiya sa katawan para magsabi ito sa kanya kung ano ang nararamdaman nito?
“Anong nakakatawa sa sinasabi ko, Sebastian?”
Natigil siya sa pagtawa nang marinig niya ang kaseryosohan sa boses nito. Napatitig siya sa mga mata ng babae at nakita niyang nasaktan ito sa pagtawa niya. Mas tamang sabihin na nainsulto dahil sa kanya.
“Sorry if I offended you. It's just that you confessed to me as if you knew me for a very long time. Baka nga nagkakamali ka lang sa nararamdaman mo sa akin, miss,” seryosong saad niya.
Akmang tatalikuran na sana niya ito ng bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay.
“Sebastian, I know it so fast, but I am so interested in you. That’s why I confessed my feelings. Kaysa naman mahuli ako at malaman ko na lang na may nobya ka na. Hanggang sa wala ka pang nakita, just try me, I am willing to be use by you.”
He felt how sincere she is, but I don’t feel anything towards her. It feels like nothing. There are no sparks between them, and he doesn’t want to have a relationship with her.
“Miss Del Fabian, hindi kita gusto at ayaw kitang gamitin. Kaya kung maaari, tumigil ka na.”
Hindi niya malaman kung saan ito humugot ng kumpyansa sa sarili para sabihin sa kanya ang nararamdaman nito. Ngumiti ito sa kanya at umiling.
“Even though you don’t like me, it’s okay. It was me who convince you to use me and willing to be your thing.”
Napahilamos siya sa kanyang mukha dahil sa inis sa kaharap.
“Gan’yan ka ba, miss? Sinisira mo lang iyong sarili mo dahil sa isang lalaki. You know what, respect yourself. Huwag kang gumawa ng desisyon na hindi ka pa sigurado.”
Tinalikuran na niya ito at wala na siyang balak na tingnan ang babae. Sa totoo lang, umiinit lalo ang ulo niya. Mga ilang hakbang pa niya ay nagsalita ito na nagpatigil sa kanya.
“It doesn’t matter if you don’t like me. I just want to show to you and give you myself, my mind and what my heart told me so.”
Napahilot siya sa kanyang noo dahil sumasakit iyon. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng walang katakot-takot mag-confess ng naramdaman sa isang lalaki.
----
SALVI DEL FABIAN
Ang laki ng ngisi niya ng wala na ito. Alam niyo iyong kinikilig siya na hindi niya talaga mapigilan. Talaga nga namang tinamaan siya ng husto kay Sebastian. Ito na ang araw na simulang palambutin ang matigas na puso ng binata o mas maganda ay iyong nasa ibaba nito ang patigasin. Napahagikhik siya sa kanyang kapilyahang naisip.
Napatingin siya sa kanyang relo. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makitang late na siya sa kanyang appointment. Nagmamadaling siyang naglakad papalabas ng eskwelahan. Lintik na talaga! Mapapatakip talaga siya ng tainga sa sermon ng kaibigan niyang si Cristina.
Bakit ba kasi niya nakalimutan na may appointment siyang dapat puntahan? Ayan tuloy, wala talaga sa oras ang sermon sa kanya sa Wedding Dress Shop.
Sumakay kaagad siya sa kotse niya at mabilis na pinaharurot ito. Hinimas niya ang kanyang manibela. Buti na lang, may kaibigan siyang mabait, inutos nito ang nobyo nitong kunin ang kanyang kotse at hinatid sa bahay niya. How sweet, diba? Pero, sa tagal na nilang kaibigan ni Cristina ay hindi pa niya nakita sa personal ang tinutukoy nitong groom.
Habang nagmamaneho siya, iyong kanang kamay niya ay abala sa pagkuha ng kanyang cellphone dahil may tumatawag. Napangiwi siya nang makita ang kaibigan niyang si Cristina na tumatawag sa kanya.
Isinilid niya pabalik ang cellphone sa kanyang bag dahil wala siyang balak na sagutin ito. Baka bulyawan siya nito sa inis. Ikaw ba namang kalahating oras ng late. Sinong hindi maiinis?
After a few minutes of driving from School to Wedding Shop ay agad niyang ipinarada ang sasakyan sa harapan ng Shop. Lumabas na siya sa kotse niya at nagtungo kung saan nakapamewang na kaibigan niya. Halatang naghihintay ito sa kanya at inis na inis nang makita siya.
“Hi, Cristina. Sorry, I’m late,” bati niya kay Cristina na nakabusangot.
Akmang hahalikan na sana niya ito sa pisngi, nang bigla nitong hinila ang buhok niya at napahiyaw siya sa sakit.
“Hey! Why did you pull my hair?” Sinamaan niya ito ng tingin at hinihimas ang kanyang anit na parang natanggal iyon.
“Bakit? Masama bang hilahin ang buhok mo? For pete sake, Salvi, I’ve been waiting for almost an hour. Ang sarap mong kalbuhin,” nanggigil nitong sabi sa kanya at umiwas siya ng akmang ang buhok na naman niya ang pupuntiryahin nito. “Saan ka ba galing?”
“Diyan lang.”
Tinaasan siya nito ng kilay at iyong mga mata nito ay nagdududang tinitigan siya. Halatang hindi ito naniniwala sa kanya.
“Diyan lang?” sinamaan siya nito ng tingin. “ O may nililihim ka sa akin kaya ka nagsisinungaling? Tumingin ka sa akin, Salvi.”
Natatawang lumapit siya rito at hinawakan ang braso para pumasok na sa Wedding Shop.
“Oo na, pumunta ako sa future boyfriend ko.”
“What the fvck?”
“Yup! WTF talaga,” she chuckled at her friend's reaction. Cristina looked at her as if she had lost her mind. “Ito ang unang araw na niligawan ko si Sebastian.”