CHAPTER 7

2471 Words
PRESENT SEBASTIAN GALVEZ Bitbit niya ang tray kung saan ginawan niya ng snacks ang nobya. Nandito sila ngayon sa condo nito. Pagkatapos kasi ng klase niya ay sinundo siya nito para dito na sila makapagpahinga at mag-bonding. Nandito sila sa Harden nito kung saan nakalagay ang tinted glass ang buong Garden Room. Yes! You heard it. Salvi loves flowers and plants. That’s why she invests her time in the garden if she’s not at work. She will be here to unwind. “Salvi…” Agaw pansin niya sa nobya na abala sa kakatingin sa album. Nakaupo ito kaharap ang bulaklak. Nakangiting lumingon ito sa kanya. “Why are you smiling?” “ Look at this, babe.” Napatingin naman siya sa tinuro nito. Natawa siya nang makitang panyo na kinunan ng litrato ni Salvi. “How?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Nakakatawang isipin na sa maliit na bagay ay pinapahalagahan nito. He’s happy that she treasured it. That was his mother handkerchief. “Actually, iyan ang ibinigay ko sa’yo dahil tumulo ang laway mo,” nakangising pangangantyaw niya kay Salvi. Sinimangutan siya nito kaya nilapag niya sa mesa ang tray at tumabi siya rito. “Ikaw naman kasi! Bakit mo ako inakit? Ayan tuloy tumulo laway ko ng dahil sa’yo.” Dinutdot nito ang kanyang pisngi at may ngiti sa mga labi. “Iyang charisma mo ang humahatak sa akin at bukod pa doon ay iyong tatlong M.” Kumunot ang noo niya sa tatlong M na sinasabi nito. “What do you mean about the three m?” Sinapo nito ang kanyang pisngi na may mapaglarong ngiti sa mga labi. Napatitig siya sa napakagandang mga mata nito na nakapagbighani sa kanya. Kapag kasi nakatutok ka sa mga mata nito ay para kang nahihipnotismo sa mga titig nito. Hindi mo na kayang makawala. There’s something in her eyes that you want to dig more. You want more something from Salvi's attention, care, and love from her. Something that caught his attention that the woman has a good heart and felt that she's the one. How her beautiful eyes, telling you the truth. You can see the sincerity, honesty, and love for him. And he loves it when she looks at him like that. He wants her and treasures her for the rest of his life. If he didn’t give her a chance before, it might be; his life will never be happy as he had right now. “Three M? Magandang lalaki, macho at masarap.” Napahagalpak siya sa tawa sa sinabi nito. “Puro ka talaga kalokohan, Salvi,” natatawang napailing siya rito. Napangiti siya nang makitang larawan na lunch box with the letter na binigay nito. All of the memories, she treasured it and it feels like he’s lucky. Ito iyong feeling na sobrang saya ng puso niya. Hindi talaga siya nagsisisi na bigyan ng pagkakataon na maging nobya niya ito. Hindi niya papakawalan si Salvi dahil mahal na mahal niya ang dalaga at sa kanya lang ito. “Para kang tanga.” Nawala ang ngiti niya at sinamaan niya ito ng tingin. “Kung makangiti ka para kang nasa Mental Hospital.” “Masaya lang ako dahil sa unang panliligaw mo ay binigyan mo ako ng lunch box with a sweet letter that I’ve never forget.” Nakangiting hinaplos nito ang kanyang pisngi at mahinang tinapik iyon. “Bakit mo ba ako sinagot? Nabighani ka sa alindog ko ‘no? Maganda naman kasi ako kaya huwag ka ng pumalag.” Natawa siya sa sinabi nito at napailing. “Oo, maganda at sexy, pero hindi diyan ako nabighani.” “Ano naman?” kunot-noong tinitigan siya nito at ang mga mata nito’y puno ng pagtataka. Humarap ito sa pagkakaupo para magkaharap sila at naghihintay sa kanyang sagot. “There was something in you that I was captivated by your beauty, drawn by your charm, and you are so brave to confront my family that you are my girlfriend. I couldn’t stop myself from loving you more than you do.” Tinaasan siya nito ng kilay. “Ano naman ang connect sa captivating at dra --aray!” napahiyaw ito nang pinitik niya ito sa noo. “Hindi pa nga ako tapos. Atat ka kaagad.” “Ang sakit no’n ah!” reklamo nito habang sapo pa rin ang noo. Natatawang yumuko siya at hinagkan ang nasaktang noo nito. Lumayo siya rito para tingnan na naman ang sunod na larawan nito.“This is our first picture with my family.” Turo niya sa litrato kung saan wala siya sa mood na magpakuha ng larawan kasama si Salvi. Noong unang pumunta ito sa bahay nila at walang takot na nakipagkilala sa mga magulang niya. 2 MONTHS AGO Abala siya sa pag-aayos ng hapag kainan kasama ang inang naglagay na rin sa mangkok ng tinolang isda na niluto nito. Iniisa-isa niyang nilapag ang mga plato at kubyertos sa hapagkainan. “Tawagin mo na nga ang mga kapatid mo at ama mo para makakain na tayo ng hapunan,” utos ng kanyang ina na agad naman niyang sinunod. “Opo, Nay.” Lumabas na siya sa kusina at nagtungo sa maliit na sala nila. Nadatnan niya ang kanyang mga kapatid na nag-aaral. Napangiti siya sa taglay na kasipagan sa pag-aaral ang dalawang kapatid niya na walong taong gulang na babae, si Abby at labing-isa taong gulang na kapatid na lalaking si Sandro. Kaya nga nagsusumikap siyang magtrabaho at mag-aral para sa kanyang pamilya. Hindi hadlang ang kahirapan kapag magpupursige ka na maabot ang ninanais mo. “Abby, Sandro, hali na kayo. Kumain na tayo sabi ni Nanay,” agaw atensyon niya sa mga kapatid at inilibot niya ang kanyang paningin upang ayain na ang amang kumain. Kumunot ang noo niya ng walang bakas ng kanyang ama ang nandito. “Saan si Tatay?” kunot-noong tanong niya sa dalawa. Kanina ng iniwan niya ang mga ito ay nandito pa si Tatay na nanonood ng T.v. Saan naman kaya iyon pumunta? “Lumabas, Kuya para magpa---” Naudlot ang sasabihin ni Sandro ng biglag bumukas ang pintuan. Bumungad sa kanila ang malaking ngiti ng kanyang ama na may bitbit na ilang supot sa magkabilang kamay. Kumunot ang noo niya at takang tiningnan ang ama. “Saan po galing iyang groceries na iyan, Tatay?” Imposibleng galing sa bulsa nito dahil kapag may pera ito ay sa sugal mapupunta ang pera nito. “Sa akin." Nanlalaki ang kanyang mga matang napatitig sa babaeng kakapasok lang. “Anong ginagawa mo dito sa pamamahay namin?” gulat niyang tanong sa dalaga na may malaking ngiti sa mga labi nito. “Hi, Sebastian!” Nakangiting kumaway ito sa kanya at walang sabing hinalikan siya nito sa pisngi na nagpaawang sa kanyang bibig. Napakurap ang kanyang mga matang napatitig sa dalaga at tinapik pa nito ang kanyang pisngi. Wala siyang maapuhap na mga salita dahil sa pagkabigla. “I’m sorry. Kung hindi ako nagsabi sa’yo kaagad na pupunta ako sa bahay ninyo. Gusto ko lang kasing supresahin kita kaya heto nandito ako sa loob ng bahay ninyo at makasama ang pamilya ng lalaking gusto ko.” Pagak siyang natawa at hindi makapaniwala sa narinig mula rito. Napailing siya sa asta nito. Ito ang unang babaeng nakilala niya na walang takot na humarap sa pamilya niya. Talagang ang lakas ng kumpyansa nito sa sarili. Bigla itong umabrisyete sa kanya at hinila siya sa kung saan. Napahinga siya ng malalim at hinawakan ang kamay nito upang kalasin ang kamay nito, pero humigpit ang pagkakapit nito sa kanya. Napapikit siya at kinalma ang kanyang upang pigilan ang sarili na singhalan ito sa harapan ng mga kapatid at ama niya. Manghang inilibot nito ang paningin nito sa buong bahay. “I like the ambiance of your house. It feels like I am home.” Natuala siya nang makitang magandang mukha ng dalaga at ngiti nito’y kay sarap pagmasdan. Napalunok siya ng maramdaman niya ang malakas na tambol ng kanyang puso. Anong nangyayari sa kanya? “Where’s your mom?” Napaiwas siya ng tingin at kinalas ang kamay nio sa kanyang mga braso. Hindi nito iyon pinansin bagkus ay naglakad ito patungo sa kusina. “WOW! Ang bango!” pumapalakpak pa itong pumasok sa kusina. Napasapo na lang siya sa kanyang sentido ng sunakit dahil sa konsumisyon. Napabaling siya sa kanyang dalawang kapatid at kay Tatay na abala sa kabutingting ng binili ng babae. “Huwag ninyo ng balakin na buksan iyang binili ng babae dahil ibabalik natin iyan sa kanya. Hindi natin kailangan bumili o humingi sa kanya. “Kuya!” angal ng dalawang kapatid niya. Tiningnan lang niya ang dalawa at hindi umimik. “Anak, heto na nga oh!” Masayang turo nito sa mga pinamili. “May pasalubong ang jowa mo sa amin. Tapos gan’yan ka? Blessing ‘to, anak! Bawal tanggahin ang grasya.” Nakangising saad nito na nagningning ang mga matang napatitig sa mga supot. Napasimangot na hinablot niya ang mga kinuha ng mga ito at binalik sa mga supot. Nilagay niya malapit sa pintuan upang madali na lang bitbitin ng babae papaalis ng bahay. Rinig niya pang umaangal pa ang mga ito, pero hindi na niya iyon pinansin. Abala siya sa pagtali sa mga supot. “Hindi niyo pwedeng galawin ang binigay niya dahil masamang kunin ang hindi sa atin.” “Anak, naman! Ngayon na nga tayo binigyan ni Miss Ganda, tapos babawiin mo pa at ibabalik mo pa sa kanya. Masamang hindi tanggapin ang blessings, anak." Napahinga siya ng malalim at iniwan na lang ito. Hindi talaga siya mananalo dito kapag gusto nito ang isang bagay. Napailing na lang siya at sinenyasan ang mga itong sumunod na para kumain na. Pagpasok niya sa kusina ay kitang-kita niya kung paano tinulungan ng dalaga ang ina niya.“Oh, anak! Hindi mo man lang sinasabi sa amin ng tatay mo na may jowa ka na pala,” masayang sabi ng kanyang ina na nagpailing sa kanya. Bakit pinagdiinan ng mga itong jowa niya ang babae? Paano kaya kung sabihin niya sa mga ito na ang nasa harapan nila ay ang stalker niya? Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga magulang niya? Kung makangiti kasi ang buong pamilya niya ay halatang welcome na welcome ang dalaga sa kanila. “Nay, hindi ko siya nobya at higit sa lahat, hindi ko siya gusto.” Napasulyap siya sa dalaga, nakita niyang nakangusong napatitig sa kanya ito. Nakangiwing napailing siya sa inasta nito. She’s really weird. “Anak! Picture muna tayo,” singit ng kanyang ama sa pag-uusap nila ng kanyang ina. Aangal na sana siya at aalis sa kanyang kinatatayuan niya ng sinamaan siya ng tingin ng kanyang ama. Walang babalang kinunan siya ng litrato at kasama ang mga ito. Nakangiting inakbayan siya ng babae at tatanungin ninyo kung ano ang ginawa niya? Para siyang tuod na walang reaksyon na nakatitig sa kamera at walang kangiti-ngiting tinitigan iyon. Inalis niya ang pagkaakbay sa kanya ng dalaga at umupo na sa hapag kainan. Inaya na niya ang mga itong kumain. Tahimik na nagsimula na rin silang kumain. Natigilan siya at napangisi ng may naalala siya. “Nay! Natandaan niyo ba iyong sinabi ko sa inyong may stalker ako?” Napangisi siya nang makitang namula ang pisngi ng dalaga at iyong mga mata nitong gulat na nakatitig sa kanya. Siguro, hindi nito inasahan na sinabi niya sa mga magulang ang pagsunod nito. “Oo, iyong babaeng mas matanda pa sa’yo? Iyong babaeng tumulo ang laway?” Palihim siyang natawa nang makitang nabilaukan ito at agad namang dinaluhan ng kanyang ina. “Magdahan-dahan kasing kumain, Hija.” binigyan ni Nanay ito ng tubig na tinanggap naman ng babae iyon at ininom. Pigil niya ang kanyang sarili na hindi matawa sa harapan ng mga ito baka bagukan siya ng kanyang ina. Halatang parang natatae ang itsura ng babae. Nagmamakaawang umiling ito sa kanya ng bumalik na sa kinauupuan si Nanay. “Bakit mo pala naitanong, anak?” takang tiningnan siya nito na abala na rin sa pagsandok ng kanin. “ Nay, iyong babaeng stalker ko at ang babaeng nan--" napatigil siya sa pagsasalita ng tinakpan ni Miss Del Fabian ang bibig niya."Ano iyon, anak?" “Ah! Wala po iyon, Nay. Naaala niya iyong matatamis na alaala." Naweweirdohang napatitig si Nanay kay Miss Del Fabian. "Weird. May matatamis ba na alaala kapag may stalker ka?" naguguluhang tanong ng kanyang Nanay Leana. "Ang sabihin mo, Hija, nakakatakot na alaala." Rinig niyang napasinghap ito at siya naman ay mahinang natawa sa reaksyon ni Miss Del Fabian. ------ Napabalik siya sa kanyang katinuan nang marinig niya ang boses ni Salvi. “Natulala ka na naman diyan. Sagutin mo muna ang tanong ko kanina.” “Kailangan bang may rason kapag nagmamahal ka?” seryosong tinitigan niya ito sa mga mata. Lumayo siya rito at umayos ng upo. “Yes, hindi naman pwedeng na-inlove ka lang dahil walang meaning.” Saglit siyang napaisip sa sinabi nito. As far as he know, kapag nagmahal ka walang rason, timing o limitasyon sa pagmamahal. He doesn’t have any explanation, but he knew from his heart that the love he gave to her is endless, and no reason to explain how much she meant to him. Napatingin siya rito at hinawakan ang kamay ng nobya. Tinapat niya ito sa kanyang dibdib upang iparamdam ang tinitibok ng kanyang puso. “Noong una kitang nakita at nakilala, the feeling that my heart overwhelmed. At first, I tried to figure out why I started to like this silly woman? But the answer is my heart chose you to be mine and tells me you are at the right time you came into my life. I feel secure when you are with me. You make me feel like I am your world, and I can be myself when I am with you. Hindi ko akalain na may babaeng makapagbibigay halaga at gagawin ang lahat sa’kin. Pero, alam mo kung bakit kita nagustuhan at minahal ng husto? Dahil ikaw si Salvi Del Fabian, ang babaeng nagbigay ng saya ng mundo ko,” buong pusong saad niya sa dalaga at buong pagmamahal na tinitigan ito. Nakangiting nagpunas ito ng luha at natatawang sinuntok siya nito sa braso na nagpaaray sa kanya. Nakangiwing nakahawak siya sa kanyang braso at napailing dito. Kahit kailan talaga, minsan brutal at minsan naman sweet. Siguro, battered boyfriend siya. “Bakit mo ba ako pinakilig?” Natawa siya sa tanong nito. “Gan’yan kita kamahal kaya humanda ka kung paano magmahal ang isang Gal--” Hindi pa nga siya natapos sa kanyang sinabi ng sinunggaban siya nito ng halik at kumandong si Salvi sa kanya. Ang kaninang pagkabigla ay napalitan ng sabik. Tinugon niya ang mapusok na halik ng dalaga na nagpaungol sa kanya. This time is the night how their love will be more wild.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD