Special chapter;
This is the story of Mariella Ally Rios A.KA. Riella and Euthace Monterealez.
Entitled; M. Exclusive Island Series 4: Island Territory with the Heart.
EUTHACE MONTEREALEZ
Bilang panganay na apo ni Don Mateo Monterealez, sa kanya ipinaako ang pinaka-mabigat na responsibilidad. Ang sekreto ng kanilang Isla.
Limang dekada na ang nakakaraan ng matagpuan ang Islang ito. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, hindi si Don Mateo Monterealez ang unang taong nakadeskubre sa Isla.
__
For the last time, humithit siya ng sigarilyo bago ito itapon at tapakan. Napahagod siya ng buhok at ngumisi. Muli siyang naglakad papunta sa basement ng kanyang mansyon. At tama nga siya! Malayo pa lamang naririnig na niya ang mga daing at pagmamakaawa ng isang taong may atraso sa kanya.
Pinalagutok niya ang leeg. Marahas na binuksan ang pintuan at maangas na kumuha ng upuan paharap sa lalaking nakaluhod. Umupo siya doon habang nakadekwatro ang paa. Sa magkabilaang kamay at balikat ng lalaki ay may humahawak na mga tauhan niya upang panatilihin itong nakaluhod sa semento.
"My. My. My. We've met again, Mr. Borromeo!"
Padasgol na tumayo si Euthace at binaliktad ang mono block na kanyang upuan. Ang sandalan nito ngayon ay nakaharap sa nakaluhod na lalaki.
Marahas siyang umupo. Ipinatong ang baba sa sandalan ng upuan at ngumiti ng malawak.
Natutuwa siya sa itsura ng taong nasa harapan niya. Putok ang gilid ng labi nito at may iilang sugat at pasa.
Ahh! What a beautiful scene in his eyes.
Kung tutuusin mabait pa nga siya dito. Kung siya pa? Baka burado na ang mukha nito. Mabuti na lamang at mga tauhan niya ang unang nakatunton dito. Dahil kung siya? Wala na ito kahapon pa lang.
"M-mr. Monterealez... a-akala ko ba nag-usap na tayo?"
"Hmmm?" Inosenteng tanong niya bago muling nilakihan ang pagkakangiti.
Sunod-sunod na napalunok ang lalaki. Namamawis ito at takot na takot ang mababakas sa mukha.
"What are you saying? Hmmm?"
Nagtangis ang mga bagang nito kaya lalo siyang napangiti.
Tsk. Tsk. He is started to like this now.
"Ang sabi mo hindi mo ako gagalawin? Nangako ka!"
Nawala ang mga ngiti niya sa labi at nandilim ang paningin. Nakita niya kung paano lumunok ang lalaking nasa harapan niya. Ang edad nito ay nasa kwarenta na.
Napahilot siya ng sintido. Tumiin ang kanyang mga panga. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong sinisigawan siya. Nakukuliglig ang tenga niya. Ok lang sana kung dahil ito sa daing ng sakit ngunit sumigaw ito. Sinigawan siya! Ang gusto niya sa lahat ay ang kalmado. Kalmado sa lahat ng bagay!
He tsked again. Marahas siyang tumayo dahilan kung bakit nagsinghapan ang mga tao sa paligid. Gumawa ng malakas na ingay ang pagbagsak ng kanyang inuupuan kanina.
Napakuyom siya ng mga kamao.
Relax Euthace! Relax! Kalma ka lang. Walang maidudulot sa'yo ang pagiging bayolente mo.
Muli siyang ngumisi at umiling.
"Nangako nga ako pero hindi ko sinabing magbagsak ka ng dr*ga sa Isla ko!"
Ang pagkontra ng isipan niya ay hindi umayon sa kanyang damdamin at katawan. Mabilis siyang nakapunta sa harapan ng lalaki at sinabunutan ang buhok nito habang itinaas ang mukha.
Nagtangis ang mga bagang niya. Mabilis ang paghingang ginagawa. Furious is now on his veins and damn that frustation! Hindi niya na mapigilan!
"Sino may sabi sa'yong maglagay ka ng dr*ga dito, hah?! Damn you old man! Anong tingin mo sa Isla ko? Tambakan? Tambayan ng dr*ga mo, hah?!"
Hindi siya nakapagpigil at sinipa niya sa tiyan ang lalaki. Mabilis itong umigik sa sakit. Muli itong tumingin sa kanya at nagmamakaawa.
"I-I have your words... s-sabi mo hindi mo ako kakantiin!"
Tumayo siya ng tuwid at muling pinalagutok ang leeg.
"Sinabi ko nga iyon. Pero nangangati ang kamay kong bugbugin ka perhaps, pasabugin ang bungo mo. Pero sige... dahil mabait pa ako. Hindi kita kakantiin."
Para itong nabunutan ng tinik sa lalamunan at huminga ng maluwag kaya napatawa siya ng malakas na ikinamaang nito.
Umiiling siyang hinagod ang kamay sa buhok.
"Benjo?! Nasaan na iyong ipinapadala ko sa'yo kanina?"
"Narito, bossing!"
Lalo siyang napahalakhak nang makita kung paano lumaki ang mga mata ni Mr. Borromeo. Natuod at naestatwa sa pagkakaluhod. Nangatal ang labi nito at nanginginig ang katawan.
"Very good. Now? Anong magandang ipalo sa'yo? Baseball bat? Hmmm? Masyadong panget sa paningin? E, kung Pala kaya?"
Lalong namutla ang lalaki kaya sinenyasan niya si Benjo na iabot sa kanya ang Pala.
Kinaladkad nito ang Pala. Gumawa iyon ng ingay. Sa bawat pagsadsad ng bakal nito sa semento- pamutla ng pamutla ang mukha ng lalaki. Kita niya kung paano nito mahigit ang hininga at hindi magawang mabuga.
Kinuha niya ang Pala kay Benjo. Hinimas niya muna ito. Bago itesting na ipalo sa ere. Napasinghap ang lalaki.
Umiling siya. "Tsk. Parang hindi rin maganda ang isang 'to."
"S-sandali, Mr. Monterealez... k-kakasabi mo lang na hindi mo ako kakantiin."
"Oo nga." Maangas niyang sabi. "Pero wala akong sinabi na hindi ka nila pwedeng kantiin."
Napasinghap ito. Sinenyasan niya si Benjo. Ngumisi ito habang lumalapit sa amin dala ang di motor na jigsaw.
Nang makarating sa harap namin, pinaandar nito ito. Bigla silang napatawa lahat nang mahimatay si Mr. Borromeo at umihi sa pantalon nito.
Napahawak siya sa tiyan at patuloy na tumawa.
Shit! Ang sakit ng tiyan ko kakatawa!
Nang humupa, pinunasan niya ang luha dahil sa kakatawa.
"Tsked. What a weak man. Kayo na ang bahala sa kanya. Siguraduhin niyong dito sa piitan ng Isla ko ikukulong ang h*y*op na 'yan." Muli siyang tumawa nang maalala ang pag-ihi ng lalaki sa pantalon. "Malay mo? Kapag hindi ako busy... mabisita ko ang siraulong 'yan."
Muli silang tumawa na lahat. Tinalikuran niya ang mga ito.
He needs to get back at his office. D*mn! He has a lot of work! Being Governor is not easy!